CLAUSS
Ilang segundo bago siya nakahuma sa ginagawa kong paghalik sa kanya. Naramdaman kong bahagyang gumalaw ang labi niya. Akala ko tutugon na siya sa halik ko pero kinagat niya nang mariin ang labi ko. Tumigil ako sa ginagawa at napamura nang malakas. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. Agad na humiwalay ang labi ko sa kanya. Marahas na pinunasan ko ang dugo sa labi gamit ang likod ng kamay ko. She glared at me and pushed me even further away from her. I think kissing her was no used. Wala man lang kahit kaunting tanda na naaalala na niya ako. This isn't a fairytale so I should not get my hopes high. Ako lang ang masasaktan.
"Who gave you the permission to kiss me?" galit na tanong ni Xyra. Mula sa dalawang kamay niya dalawang itim na medium-sized air ball ang pinalabas niya. Galit na galit siya dahil sa ginawa ko. Buong lakas na ihinagis niya sa 'kin ang isang air ball na nasa kaliwang kamay niya.
"It is me. I gave myself the permission to kiss you because you're mine," seryosong sagot ko. Mabilis na umiwas ako at tumakbo sa isang gilid. Naiinis ako dahil sa walang kabuhay-buhay na mga mata ni Xyra. Her eyes were also clouded with darkness. I was about to counterattack when she threw another air ball on my direction. Nagulat ako nang mahati ang air ball na 'yon at naghiwa-hiwalay sa mas maliliit na bola. Sobrang dami na wala na akong matatakbuhan pa para umilag. There's no time to run. I used my fire wall to shield myself. Sunud-sunod na pagsabog ang naganap. Akala ko hindi matitibag ang depensa ko pero nagkamali ako. Nabutas ang wall of fire na ginawa ko.
Dahil sa pagkagulat ko, hindi agad ako nakagalaw nang mapansin ko na lumilipad na patungo sa 'kin si Xyra. She was about to blow me up into pieces using her dark air dragon. Agad kong pinakawalan ang fire phoenix ko. Nakipagbanggaan ito sa dark air dragon ni Xyra. Napaurong ako dahil sa malakas na puwersa na nagmumula sa mga techniques namin. Halos liparin ako ng malakas na hangin na nagmumula sa air dragon. But my fire phoenix was trying to eat up the black air dragon. May malalaking fire spikes na pinapakawalan ang mga pakpak ng fire phoenix at tumama sa dark air dragon. Ang ibang hindi tumatama sa dark air dragon ay nakadirekta kay Xyra. Paulit-ulit na sinusugod ng fire phoenix and dark air dragon.
She was exerting so much effort to dodge it. And same applies for me. Matatalim ang mga air gust na pinapakawalan ng dark air dragon. Ginagawa ko ang lahat para ilagan ang mga ito. Pero dahil sobrang dami ng mga air gust na ito, hindi ako nakaligtas. Dumaplis sa binti, tagiliran at pisngi ko ang mga air gusts. Maging si Xyra ay hindi nakaligtas sa mga atake ko. I think, this fight is quite fair for now. Nagtamo rin siya ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan pero hindi ganoon kalala.
Dahil hindi na kinaya ng mga techniques namin ang pagbabanggaan. Isang malakas na pagsabog ang naganap. Nilipad ako ng malakas na puwersang nabuo ng pagsabog palayo. Maging si Xyra ay nadala rin. Dusts filled the air. Napapikit ako. Halos tumama ang likod ko sa pader. Mabuti na lang napigilan ko ang pagtalsik ko. Hindi pa humuhupa ang pagsabog nang maramdaman ko ang sunud-sunod na dark air spears na lumilipad patungo sa direksiyon ko. I opened my eyes widely and my jaw tightens. Kumunot ang noo ko nang salubungin ko ang mga tira niya gamit ang mga fire spikes.
I ran towards her and dodged her attacks. I was moving as fast as I could. Malapit na ako sa kanya nang ibato ko ang malaking fire whip na ginawa ko sa direksiyon niya. Alam kong maiilagan niya 'yon. I boost my speed using the fire on my feets. Tumalon siya palayo sa fire whip at ginamit niya ang dark air shield niya para makaiwas sa malakas na pagsabog ng fire whip ko.
It's now my chance. Hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya ako. Huli na nang humarap siya sa 'kin. I released my fire wolf and attack her. It was a direct hit. A critical one even though she tried to dodge it. Her body was slammed hardly on the floor. Malakas siyang napadaing. Ngayon ko lang napansin na halos mawasak na ang sahig at mga pader. Pinigilan kong magsisi sa ginawa ko kay Xyra. If I hesitate, I will lose. I could see that she was badly hurt. And I was hurting inside too. Halos masunog ang isang braso niya. Bumaba ako sa sahig. Gusto kong ipikit ang mga mata ko o kaya ay tumingin sa ibang direksiyon para hindi makita ang nangyari sa kanya. Naiinis ako dahil sinasaktan ko ang babaeng mahal ko. Hindi ko siya matiis. Gusto ko siyang lapitan at tulungan. Tumayo sa harapan ko ang fire wolf ko na handa akong ipagtanggol.
BINABASA MO ANG
Wonderland Magical Academy: Escaping Darkness
Fantasia(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong. Marami pa palang mangyayari. May mga bagay pa pala silang dapat ipaglaban at harapin. Will they win...