Author's Note:
Happy New Year Readers! Thanks sa support sa stories ko. Sana hindi kayo magsawa kahit matagal ang updates. Thanks sa lahat ng pinagsamahan natin last 2014. I hope you'll still join another journey with me and my fictional characters this 2015. Let's all have a great year.
I love you all. Hugs and Kisses.
Love,
Missmaple
---------------
Xyra
It's been weeks since we started practicing. Frances and Cyril were still observing my condition. Hindi nila alam kung paano pipigilan ang mga nangyayari sa 'kin.
I was walking alone in the corridor. Naghihintay sa training room sina Clauss. Normal lang ang araw. Maraming estudyante na masayang nagtatawanan. May kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. Nakakainggit dahil mukhang wala silang problema.
Mabuti na lang hindi pa nanggugulo muli sina Jeanne. I wonder what happened to Elysha after our fight. Ipinaliwanag sa 'kin ni Clauss kung ano ang mangyayari kay Elysha kapag nailipat na sa 'kin ang kapangyarihan niya. I pitied her.
Bakit kasi gumagawa pa ng kasamaan ang mga tao? Maybe darkness was really a part of every person waiting to eat us up. Scary, indeed.
Nagulat ako nang mapansin ang isang grupo ng mga paniki na mabilis na lumilipad patungo sa direksiyon ko. Hindi ko alam kung sisigaw ako o hindi. Nakakapagtaka na hindi napapansin ng mga estudyante ang nakikita ko. Akala ko matatamaan ng mga paniki ang isang estudyante na nasa unahan ko pero tumagos sa katawan niya ang mga paniki.
Kung ganu'n ako lang ang nakakakita sa kanila. Agad akong umiwas sa mga paniki. Tiyak na nawiwirduhan sa 'kin ang mga nakakita sa ginagawa ko. I sighed. Lumingon ako sa likod. Muli silang susugod sa 'kin. I have to get out of this building.
Mabilis akong tumakbo palabas ng building namin. Alam kong nagtataka ang mga estudyante sa inaasal ko pero wala akong pakialam. Hindi ko alam kung pakana na naman ito ni Jeanne. Hindi ko alam kung gumagalaw na siya. I have to know.
Nakapasok na ako sa kagubatan pero sumusunod pa rin ang mga paniki. Naghiwa-hiwalay sila at isa-isang umatake sa 'kin. I used my air spear to cut each one of them into two. Nagtagumpay akong mahati ang isang paniki pero muli itong nabuo. Namumula ang mga mata nila. Halatang gustong-gusto nila akong atakihin. Pakiramdam ko may pakay sila sa 'kin. The bats were made of dark energies. Kagagawan nga ba ito ni Jeanne?
Napalilibutan ako ng mga malalaking puno. Maayos naman akong nakakagalaw dahil maluwag ang espasyo. Inatake ko sila gamit ang hurricane blades ko. Nagkahati-hati sila at nagiging itim na usok pero pagkatapos nabubuo silang muli. Wala na yatang katapusan ang mga nangyayaring ito. Napapalibutan na nila ako.
"It was no use," sabi ng isang tinig mula sa isang puno. Tumingala ako sa taong nakaupo sa isang sanga ng punong katapat ko. It was Cyrus. Ngayon ko lang siya nakitang muli pagkalipas ng ilang linggo. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin.
"What do you mean? Nakikita mo ba sila?" takang tanong ko sa kanya. I realized that he was not an ordinary person. Kahit noon pa man ay hindi na talaga siya ordinaryo. Alam kong may itinatago siya. Siguro power user din siya.
"Of course. Hindi mo sila mapapatay kung hindi mo alam kung nasaan ang weak spot nila," naiiling na sabi niya. So he knew where their weak spots are?
"Where are their weak spots?" tanong ko sa kanya. Muli akong inatake ng mga paniki. Paulit-ulit ko silang inatake ng iba't ibang air techniques pero paulit-ulit silang nabubuo. Napapagod na ako sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Wonderland Magical Academy: Escaping Darkness
Fantasy(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong. Marami pa palang mangyayari. May mga bagay pa pala silang dapat ipaglaban at harapin. Will they win...