Chapter 9: Impulsive

95.2K 3.1K 464
                                    

NOTE:

Readers, natutuwa ako sa mga comments and messages ninyo.. Sorry kasi hindi ako nakakareply, sobrang busy kasi sa review.. Minsan lang makapag-open ng wattpad account pero binabasa ko naman lahat ng comments and messages.. Salamat sa inyong lahat ^_^ Saka na lang ako magrereply ng bongga kapag tapos na ang board exam.. Sorry sa SLOW UPDATES! 

--------------------------------

XYRA's POV

Hindi ko napansin na napatigil pala ako sa may pintuan.

"May problema?" takang tanong ni Clauss mula sa likod ko. Hinawakan pa niya ang balikat ko bago siya napalingon kay Selene.

"Come on. She won't do anything to harm us inside this room. She's not a fool," bulong ni Clauss sa akin. Hinila na niya ako patungo sa upuan namin. Sa isang row lang kami nakaupo nina Selene at Clauss. Isang upuan lang ang pagitan namin ni Selene kaya nadaanan namin siya bago kami makaupo ni Clauss, malapit sa bintana. Hindi ko alam kung mababantayan namin ang bawat kilos niya simula sa araw na ito pero sana magawa namin.

Mukhang hindi kinakabahan si Selene sa pagbabalik namin. Normal lang ang ekspresyon ng mukha niya at tila hindi natatakot. Maaaring hindi pa niya alam na nagbalik na ang kapangyarihan namin. Pumasok na ang professor sa room kaya natahimik kaming lahat.

"Good afternoon class, we have an activity today so I have to group you into three. Let's start," buong awtoridad na wika ng professor namin. Nagsimula ang bilang sa unang row. Kinalabit ni Clauss ang babaeng nasa unahan namin.

"Palit muna tayo ng upuan," bulong ni Clauss kaya napakunot-noo ako. Napansin ko na nastar-struck pa ang babaeng kinausap ni Clauss. Hindi agad ito nakapag-react.

"Bakit ka makikipagpalit? Baliw ka ba?" takang bulong ko sa kanya dahil baka mapansin siya ng professor namin. Naiinis din ako dahil mukhang ayaw niya akong katabi.

"Huwag ka ngang magulo. Lilipat ako para maging magkagrupo tayo," sagot ni Clauss. Napatango ako at napangiti pero bago pa siya makalipat, huli na ang lahat dahil nabigyan na ng number ang babaeng kinakausap niya kanina. 

"Ayan kasi ang dami mong tanong. Hindi tuloy ako nakalipat agad," reklamo ni Clauss. Humalukipkip siya at padabog na sumandal sa upuan. Malay ko ba na gusto pala niya akong maging kagrupo? Wala na kaming magagawa, ganyan talaga ang buhay. Hindi talaga nakatadhana na maging magkagrupo kami sa subject na ito.

"Three," walang ganang sabi ni Clauss dahil siya na ang sunod sa bilang.

"One," sabi ko naman. Pangalawa ang katabi ko at pangatlo naman si Selene kaya medyo napasimangot ako. Magkagrupo sila ni Clauss at naiinggit ako. Paano kung magkagusto ulit si Selene kay Clauss? Ipinilig ko ang ulo ko dahil hindi pwedeng mangyari 'yon. At kung mangyayari man 'yon, imposibleng magustuhan siya ni Clauss. Imposible nga ba? I feel uncomfortable with the thought.

"Ang magkakapareho ng number ang magka-group para sa buong semester. Sila rin ang makakasama ninyo sa mga projects and activities, maliwanag ba? Pakibigay na lang sa'kin ang list ng groupmates ninyo sa isang index card. Pumili na rin kayo ng magiging leader," wika ng professor ko. Badtrip! Ibig sabihin magkasama sina Selene at Clauss sa buong semester dahil sa subject na ito? Sana walang masyadong activities at projects na ibigay. Pero siguro ayos na rin kung ganito para mabantayan ni Clauss ang bawat kilos ni Selene.

"Because our subject is Management, I'll give you an activity with a title "Pass the message". Kailangang pumila ng tuwid ang tatlong grupo. Ang isang representative ng bawat grupo ay pumunta sa'kin. I have these three small piece of papers containing the message to be passed. Ibubulong ninyo ang message na nabasa ninyo hanggang sa pinakahuli ninyong kagrupo. Then the last to receive the message will come here in front to write the message on the board. No coaching from your teammates," paliwanag ng prof namin.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon