Chapter 20: You Belong To Me

73.5K 2.7K 147
                                    

CLAUSS' POV

Naalerto ako nang lumabas na sina Elysha sa loob ng black box. Agad na lumayo sa 'kin si Jeanne.

"It's over," Jeanne said. Nawala ang black box at nakita ko si Xyra na nakahandusay sa lupa. Walang malay at duguan. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya at punong-puno ng pag-aalala.

"Let's go," seryosong sabi ni Jeanne. They all disappeared in a blinked of an eye. Naiinis ako dahil wala man lang akong nagawa para ipagtanggol si Xyra. Maingat na binuhat ko si Xyra. Napansin ko ang paghihirap sa mukha niya. I gritted my teeth. Kailangan kong mas maging malakas para matalo si Jeanne. Naaawang tumingin ako sa mukha ni Xyra. I promised that this incident will never happen again.

Bumalik ako sa academy. Dinala ko muna sa dorm si Xyra at iniwan siya sa kama niya. Hinanap ko si Cyril dahil kailangan niyang magamot agad si Xyra. Mabuti na lang, mabilis ko siyang nakita. Kahit nagtataka ay sumama siya sa 'kin. 

"What happenned?" tanong ni Cyril habang isa-isang tinitingnan ang mga sugat ni Xyra. Nagulat pa siya sa mga natamong sugat ni Xyra. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Biglang sumeryoso ang mukha ni Cyril.

"A snake bite?" tanong niya habang nakatingin sa tagiliran ni Xyra. Agad akong lumapit para tingnan ang sinasabi niya. Bigla akong kinabahan. Hindi ko ito napansin. Paano kung kumalat na pala ang kamandag sa katawan ni Xyra?

Napahilamos ako sa mukha dahil sa frustration. Nasuntok ko nang malakas ang pader. I should have checked it myself. Bakit ba hindi ko naisipang tingnan ang mga sugat niya?

"You should have asked for back up. Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa mga sugat niya. Mukhang hindi pa tuluyang kumakalat ang kamandag. Kaya ko pang gamutin ito," sabi ni Cyril. She started to heal Xyra. Itinapat niya ang kamay sa bawat sugat sa katawan ni Xyra.

"Lalabas muna ako. I have to talk to Bryan," sabi ko. Tumango si Cyril. Agad akong pumunta sa opisina ni Bryan. The enemies are too strong for us. He needs to know that.

AKIRA's POV

I was hoping to see Selene while walking outside the campus' building. She's avoiding me, I can tell. Ilang araw ko na rin naman siyang kinukulit kaya siguradong naiinis na siya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para maalala niya ako.

Napakunot-noo ako nang mapansin na lumabas ng kagubatan si Selene. She has this irritating smile on her face. Kinabahan ako. May nangyari ba? Tumakbo ako palapit sa kanya. Napatigil naman siya sa paglalakad nang makita ako. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin. Tumigil ako, isang metro ang layo sa kanya.

I know she's already fed up with my persistence.

"Selene," nag-aalangang tawag ko sa pangalan niya. She crossed her arms and looked at me.

"Again? What do you want?" mataray na tanong niya. Napabuntong-hininga ako. Paano ko ba sasabihin na gusto kong bumalik na siya sa 'kin kung hindi man lang niya ako naaalala? I looked intently at her. She was irritated. 

"Don't you think it's not the right time to talk to me? You have more important things to worry about," nakangising sabi ni Selene. 

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Kinabahan ako nang magsalita siyang magsalita.

"Xyra and Clauss fought with Jeanne and the others. Xyra is badly hurt. I'm sure, hindi mo magugustuhan ang sunod na mangyayari sa kanya," makahulugang wika niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano ang nangyari? Kung kasama niya si Clauss, walang magiging problema. Tiyak na hindi papayag si Clauss na may mangyaring masama kay Xyra. Hindi ko na sila kailangang puntahan. I have to take care of Selene. Kailangan kong maibalik si Selene. Kahit ito man lang ang maitulong ko sa kanila. Nakipaglaban sila kina Jeanne para sa lahat. Ngayon, gagawin ko naman ang makakaya ko.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon