XYRA's POV
Parehong nakatayo sina Selene at Jeanne sa sanga ng puno habang naghihintay sa sunod na kilos ng mga dragon. Tumingin kay Clauss si Baby Clauss. Napakunot-noo si Clauss dahil tila may gustong sabihin si Baby Clauss sa kanya. The dragon roared loud looking up the sky.
My dragon looked at me like she was saying that we must ride them now. Mukhang nakuha naman ni Clauss ang gustong sabihin ng mga dragon kaya agad siyang lumapit sa'kin.
"Can you walk?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. Agad na lumipad patungo sa kinatatayuan namin si Baby Clauss. Maging ang ibang dragon ay lumapit sa ibang kasamahan namin.
"Sumakay kayo sa mga dragon," malakas na utos ni Clauss kina Akira. Agad akong binuhat ni Clauss upang isakay sa likod ni Baby Clauss. Nang maayos akong makaupo, agad siyang sumunod. Napataas ang kilay ni Jeanne at ilang segundo pa, unti-unting kumakalat ang kadiliman sa buong paligid. Tila hindi niya kami hahayaang makatakas.
Agad na lumipad ang mga dragon para maiwasan ang kumakalat na kadiliman. Mahigpit akong napakapit kay Baby Clauss dahil sa mabilis niyang paglipad. Malakas na hangin ang sumasalubong sa'min dahil sa mabilis na paglipad ni Baby Clauss. Bumuga pa ng malakas na apoy si Baby Clauss sa kinaroroonan nina Jeanne na nasangga naman ni Selene sa pamamagitan ng dark water shield niya. Nauna nang lumabas sina Baby Xyra sa natitirang liwanag na nagsisilbing lagusan sa kumakalat na kadiliman na sinundan naman agad ni Baby Clauss.
Nang mapalingon ako sa ibaba, kung nasaan sina Jeanne, unti-unti nang nawawala ang kadiliman na bumabalot sa lugar. They're looking up on us. Sa tingin ko hahayaan na nila kaming makatakas. Napalingon ako sa tinutungo naming direksiyon. Lumilipad ang mga dragon pataas sa langit. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta pataas lang kami nang pataas sa kalangitan. Hindi ko pa rin lubos-maisip na makikita kong muli ang mga dragon namin.
Maulap na sa parteng kinaroroonan namin. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang isang isla na nakalutang sa kalangitan at natatakpan nang makakapal na ulap. Unti-unting naging pamilyar sa paningin ko ang isla nang tuluyan kaming makalapit sa lugar. It is the island of gods. Nagtataka ako kung paanong nakalutang na ito sa langit ngayon. Dati nasa gitna ito ng karagatan.
Napansin ko na kalmado na ang bawat lugar sa isla hindi katulad noon na nagwawala ang bawat elemento. Dahan-dahang bumaba ang mga dragon sa lupa. Nakita ko na naghihintay sa baba ang mga gods and godessess. Tila hinihintay talaga nila ang pagdating namin ngayon.
Inalalayan ako ni Clauss sa pagbaba kay Baby Clauss. Napangiwi ako dahil nararamdaman ko ang pagkirot ng likod ko kaya pinigilan ko ang masyadong paggalaw. Marami akong gustong itanong sa mga gods and godessess lalo na ang tungkol sa nangyari kay Selene. Hindi ba kinuha nila si Selene sa'min? Paano'ng nangyari na nabuhay siya at wala nang maalala?
"It's been a while. Nakikita ko na sugatan ang ilan sa inyo. Mabuti pa ay sumunod muna kayo sa'kin upang kayo ay magamot," mahinahong wika ng air godess sa'min.
"Teka, gusto kong malaman kung ano ang nangyari kay Selene," agad na sabi ni Akira. Halatang hindi na siya makapaghintay pa na masagot ang mga katanungan niya.
"Dinala namin kayo dito dahil sa bagay na 'yan. Mas makabubuti kung magagamot muna kayo bago tayo mag-usap," seryosong wika ng earth god.
"Yow, Clauss! Long time no see!" masayang bati ng fire god na kumaway pa kay Clauss. Gusto kong matawa sa pagsimangot ni Clauss pero pinigil ko dahil lalong sasakit ang likod ko.
Iginiya kami ng air goddess sa bukal. Kasama ko si Akira, Troy at Xavier. Naiwan sina Clauss, Felicity at Claudette kasama ang ilang gods sa gitnang bahagi ng isla kung nasaan ang teritoryo ng god of nothingness.
BINABASA MO ANG
Wonderland Magical Academy: Escaping Darkness
Fantasy(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong. Marami pa palang mangyayari. May mga bagay pa pala silang dapat ipaglaban at harapin. Will they win...