Chapter 28: Sense of Danger

82.1K 2.6K 69
                                    

XYRA

Monday. We're back on school. Masaya akong naglalakad sa corridor. Maganda ang gising ko dahil sa nangyari kahapon. I really had a great time with everyone. Pakiramdam ko ang gaan-gaan ng mga hakbang ko. Daig ko pa ang naglalakad sa alapaap. Parang wala akong problema dahil sa malapad kong ngiti sa labi.

Napansin kong makakasalubong ko si Frances kaya agad akong kumaway sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin at bahagyang kumaway.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ko sa kanya. Maya-maya lang ay may klase na kami.

"I have to go to the underground library. I have something to continue and finish," pabulong na wika niya sa 'kin. Tumango ako nang maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.

"Okay. Take care," I said. Tumango siya sa 'kin. Naglakad na ako pero bago pa man ako makalayo sa kanya, bumigat na ang pakiramdam ko. Natigilan ako at nahirapang ihakbang ang mga paa ko. Napahawak ako sa naninikip kong dibdib. Pinilit kong lumingon kay Frances.

She's also catching her breath. Nahihirapan din siyang huminga. Nanghihinang napasandal siya sa pader at tumingin sa 'kin. Napansin ko na maayos naman ang ikinikilos ng mga taong nasa paligid namin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko at ni Frances.

"I'm sorry, Xyra. I can sense danger from you. I panicked and lost my control. My power was accidentally channeled to you. You can feel and see what I actually do. I need a little time to control it and calm down," paliwanag ni Frances. Napangiwi siya at napapikit nang mariin. Pilit niyang kinokontrol ang kapangyarihan niya. She can't do anything weird with a lot of students around us. Pero napapansin ko na rin ang mga nagtatakang tingin sa 'min ng mga dumaraang estudyante.

Napahawak ako sa ulo ko nang may iba't ibang imahe akong nakita sa utak ko. I can see the color of blood. But the image was now focus on the dark mist surrounding the whole academy and a beatiful pair of black wings. Although it's beautiful in my eyes, I could feel fear. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

After a few minutes, naglaho ang mga imahe sa utak ko. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Nakahinga ako nang maluwag. Agad kong nilingon si Frances habang ipinipilig niya ang ulo. Pilit niyang inaalis ang pagkabahala at pag-aalala sa mukha niya. Sa tingin ko, patuloy pa rin ang paglabas ng mga imahe sa utak niya dahil mas lalo siyang nahirapang huminga. Mahigpit siyang humawak sa dibdib niya at pilit kinakalma ang sarili.

Akmang lalapit na ako sa kanya pero naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. Bakit ba ako natatakot? Dahil ba sa katotohanang nakita ko ang sarili kong mukha na may dalawang pares ng itim na pakpak? Nanginginig na niyakap ko ang katawan ko. Wala sa sariling napatitig ako sa sahig. It can't be real. It can't be real! Ramdam ko ang malalaking butil ng pawis na namumuo sa noo ko.

"The time is near. Kapag naganap ang sunod na new moon, you'll be under the total control of darkness," wala sa sariling sabi ni Frances. "The Dark King is about to show himself soon," dagdag pa niya. Nilingon ko si Frances dahil sa huling sinabi niya. Napansin ko ang walang kabuhay-buhay niyang mga mata. It was all black. It seems like she was not aware of what she's saying. She's just saying what she could see on the unexpected premonition.

Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko. Pero natauhan ako nang biglang nawalan ng malay si Frances at bumagsak sa sahig.

"Frances!" halos pasigaw na sabi ko. Natatarantang nilapitan ko siya at hinawakan. Kinalong ko ang ulo niya patungo sa hita ko. May mga estudyanteng nagkagulo at agad na lumapit sa 'min. Tinulungan nila akong buhatin si Frances at dalhin sa clinic. Hindi ko alam kung paano ako nakapaglakad nang maayos sa kabila ng nanginginig kong tuhod at kumakabog na dibdib. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. I couldn't accept that I would bring destruction to everybody. We need to do something now!

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon