Chapter 11: First Piece

80.4K 2.6K 149
                                    

Author's Note: 

Hindi ko alam kung tama ang iniisip o hula ninyo. Hindi ko alam kung pareho tayo ng iniisip haha.. Pero natutuwa naman ako sa mga comments and speculations ninyo ^_^ Here's the next update. Minamadali ko kasi gusto ko na ring matapos 'to. Marami kasi akong gustong isulat.. Medyo natambakan na ako.. Gusto ko nang mag-moveon sa WMA hahaha! Enjoy reading :)

~Missmaple

---------------------------------------

XYRA's POV

It's been a week since I talked with Selene and Jeanne. Hindi namin alam kung gumagawa na sila ng hakbang laban sa'min. Tahimik sila kaya hindi namin alam ang mga pinaplano nila. Gumawa na kami ng mga listahan ng mga taong sa tingin namin ay nagtataglay ng kapangyarihan. Ang  ilan sa kanila ay may hindi malinaw na personal background kaya kailangan din namin silang bantayan.

"Medyo marami ang mga estudyanteng nasa listahan. Ang mabuti pa, simulan na natin ang pagmamatyag sa kanila para mabawasan na sila. Isang tao lang naman ang hinahanap natin," sabi ni Frances.

Naghati-hati na kami. We worked in pairs. Tigli-lima kami ng babantayan. Magkatulong sina Clauss at Claudette dahil nag-aalala siya sa kapatid niya. Kasama ko si Akira samantalang sina Frances at Xavier naman ang magkasama. Kasama ni Bryan si Troy. Magkatulong naman sina Cyril at Xander. Kailangan na naming magsimula. Baka maunahan pa kami nina Jeanne kung hindi kami gagalaw.

"Be careful everyone. Kapag nalaman na ninyo kung sino ang hinahanap natin, sabihin ninyo agad para makapagplano tayo," sabi ni Bryan.

Tumango kami. Isa-isa na kaming lumabas sa opisina niya. Naglalakad na kami sa hallway nang biglang hawakan ni Clauss ang kamay ko. Nagtatakang napalingon ako sa kanya. Napatigil tuloy kaming dalawa sa hallway. Nauna na sa paglalakad ang mga kasama namin.

"Be careful," nag-aalangang sabi niya.

"I will. Don't worry. Kasama ko naman si Akira," nakangiting wika ko sa kanya. Napasimangot siya.

"'Yon na nga! Bakit ba hindi na lang si Xavier ang pinili mong makasama? Bakit si Akira pa?" inis na tanong niya sa'kin.

"Kanino mo ba ako pinag-iingat? Sa kalaban o kay Akira?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Both," nakasimangot na sagot niya. Napaawang ang labi ko.

"What? Bakit naman ako mag-iingat kay Akira? Kakampi naman natin siya," hindi makapaniwalang wika ko sa kanya. Gusto kong matawa dahil pakiramdam ko nagseselos siya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti.

"Why are you smiling?" kunot-noong tanong niya sa'kin. Salubong na ang kilay niya at halatang naiinis na talaga. Napatawa na ako dahil sa itsura niya.

"Clauss, nagseselos ka ba?" nang-aasar na tanong ko sa kanya.

"No way," sagot niya pero nag-iwas siya ng tingin. Lalong lumakas ang tawa ko dahil halatang nagseselos nga siya.

"Clauss, hindi ako magkakagusto kay Akira, 'no! Saka mahal niya si Selene," natatawang sabi ko sa kanya.

"Hindi ka pwedeng magsalita ng tapos. Malay mo magkagusto ka sa kanya. Tumigil ka nga sa katatawa," inis na wika niya nang tingnan ako.

"Imposible 'yon!" natatawa pa ring sabi ko. Halatang inis na inis na si Clauss dahil sa tawa ko. He sighed. He hold my face with his two hands. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan para patahimikin. Nanlaki ang mga mata ko dahil tiyak na maraming nakakita sa'kin.

"Tatahimik ka na ba?" nakangising tanong niya. Napatango ako nang wala sa pag-iisip. "Don't dare to fall in love with him. Got it?" nakasimangot niyang sabi sabay pisil sa pisngi ko. "Tara na," wika niya sabay akbay sa'kin. Ang cute niya. Pero ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon