Chapter 7: Revived

88.6K 3K 217
                                    

XYRA's POV

Ilang minuto ng tahimik si Clauss. Ibubuka na sana niya ang bibig para magsalita pero biglang nagsalita si Claudette.

"I'm fine being a mind reader," singit ni Claudette sa usapan. Nakataas pa ang isang kamay niya na tila nagpipresinta pero medyo napangiwi siya dahil sa masamang tingin na ipinukol sa kanya ni Clauss.

"She can't have an offensive power. Hindi niya kayang lumaban. Isn't it much better if we don't involve her in this serious matter?" seryosong tanong ni Clauss.

Napailing ang fire god sa sinabi niya. "Kahit ayaw mo siyang isama sa labang ito, madadamay pa rin siya. Tiyak na alam ng mga kaaway na isa si Claudette sa mga kahinaan mo. Mas mabuti na kung mapoprotektahan niya ang kanyang sarili o di kaya mas maganda kung matutulungan ka niyang protektahan ang sarili mo," makahulugang wika ng fire god.

"What do you mean?" iritableng tanong ni Clauss. He's losing his cool.

"You know what I mean," the fire god grinned like he knew everything about Clauss. He looked at the fire god sharply but kept silent. Tila naiintindihan niya ang gustong iparating na mensahe ng fire god sa kanya. Hindi ko naiintindihan kung ano ang tinutukoy ng fire god pero tama ang sinabi niya na hindi maiiwasang madamay si Claudette sa gulo.

"Ano'ng kapangyarihan ang ibibigay niyo sa kanya kung hindi ako pumayag na maging mind reader siya?" seryosong tanong ni Clauss. Halatang malapit na siyang mapapayag ng mga gods na muling bigyan ng power si Claudette.

"Telepathy. She will have a power to enter your thoughts and silently talk to everyone of you, to give warnings. It's not an offensive power so she can't defend herself though you can use her to spread news and plans without the enemies knowledge. Halos pareho ito ng mind reading dahil alam kong hindi na siya mahihirapang kontrolin ang ganitong uri ng kapangyarihan. Ang kaibahan nga lang, hindi niya mababasa ang iniisip ng kahit na sino pero kaya niyang makipag-usap kahit kanino gamit lang ang utak niya," paliwanag ng air goddess.

"What? Isa lang ang ibibigay niyo sa'kin? Hindi ba pwedeng both na lang?" Claudette said with a pout. 

"I don't want you to read my mind," Clauss said in a cold voice.

"No! I want that power! Para wala kang itinatago sa'kin," nang-iinis na wika ni Claudette.

"I need my privacy," Clauss answered with a straight face. Napailing ako sa pagtatalo ng dalawa. Mukhang walang magagawa si Claudette sa kuya niya. Kahit naman ako, ayaw kong may nagbabasa sa isip ko. Nakakahiya kung malalaman ni Claudette lahat ng mga pumapasok sa utak ko. Lalo na kung iniisip ko si Clauss.

"Privacy? No! Malihim ka kaya magiging malaking problema kung walang makakaintindi sa ginagawa o ikinikilos mo," inis na wika ni Claudette. Siya ang nang-iinis kanina pero ngayon siya na ang naiinis. Parang bigla akong natauhan sa sinabi ni Claudette na tila gusto ko na ring pumanig sa kanya. Malihim si Clauss at minsan hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ang isang bagay na hindi gusto ng iba o maaaring ikapahamak ng iba.

"Ngayon, ano na ang desisyon niyo? Ano ang pipiliin niyo?" tanong ng god of nothingness.

"Telepathy," sagot ni Clauss.

"Mind reading," matigas na sabi ni Claudette. Mukhang mag-aaway pa ang dalawa sa itsura nila dahil pareho silang nagtatagisan ng tingin.

"Listen to me. I'm your older brother," seryosong wika ni Clauss.

"No! You don't get my point! Gusto kitang intindihin. Madalas kang nagdedesisyon mag-isa kahit labag sa kagustuhan ng iba. Gusto kong malaman kung ano ba ang plano mo, kung ano ang iniisip mo. Tiyak may magagalit sa masamang desisyon mo pero gusto kitang intindihin kuya kahit hindi ka na maintindihan ng iba!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Claudette.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon