Chapter 12: Reflection

70.2K 2.6K 85
                                    

CLAUSS' POV

My head aches. I slowly opened my eyes. I'm lying on the cold ground alone. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko si Claudette. Napatayo ako at lumingon sa buong paligid. Nasaan siya? Hindi ko siya makita kahit saan.

Napakunot-noo ako. What's this place? Napapalibutan ako ng mga salamin sa magkabilang gilid. Naglakad ako sa daang na nakikita ko. It's infinite. Sa palagay ko, paikot-ikot na ako at walang katapusan ang nilalakadan ko. Maraming daan na pwede kong pagpilian pero sa isang lugar lang ako lumalabas.

Ano ba ang nangyari sa'min ni Claudette? Ang naaalala ko lang ay ang itim na usok na pumalibot sa'min at pareho kaming nawalan ng malay. Damn! I must find my way out. I stopped walking and looked on my reflection. Kahit saan ako lumingon, nakikita ko ang sarili ko. Hinawakan ko ang salamin na nasa harapan ko. I can feel it so I'm sure it's not an illusion.

Saglit akong nag-isip. Kung may gumagamit sa kapangyarihan noon ni Jonica, maaari akong malinlang pero sa tingin ko hindi talaga ito isang ilusyon.

Ang kailangan kong gawin ngayon ay ang hanapin ang kalaban. Pero saan ako magsisimula?

"Claudette," I whispered. Hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin. Kailangan ko bang sirain ang mga salamin? Will it help? I released my fire dragon. Nakakatuwang isipin na nagagamit ko na muli ang kapangyarihan ko. 

I looked at my fire. I opened and closed my fist. Parang naninibago ako. But I'm sure I'll get used to this again. Maybe it's time to test my power. I was about to destroy the mirrors in front of me when I heard a familiar voice. It stopped me.

"Kuya Clauss!" sigaw ni Claudette. Umaalingawngaw ang boses niya sa buong paligid. I looked around and tried to find where her voice was coming.

"Where are you?" sigaw ko. Naglakad ako patungo sa pinanggagalingan ng boses. "Are you alright?" sigaw ko pa nang mas malakas.

"Kuya Clauss! Tulungan mo ko!" patuloy na sigaw ni Claudette. Napatakbo na ako nang matiyak kung saan nanggagaling ang boses. Nakita ko siya sa loob nang isang salamin. Hinahampas niya ang salamin, nagbabaka sakaling makalabas siya. She looks desperate.

Paano siya napunta sa loob ng salamin? Hinawakan ko ang salamin kung nasaan siya. Paano ko siya ilalabas? Hinaplos ko ang mukha niya pero nagulat ako nang mapansin na sa lahat ng salamin ay makikita ko na si Claudette. Damn! I can't even tell who's the real thing now.

Mirrors. Is this a mirror magic? An optical illusion? Totoo bang nasa loob ng mga salamin na ito si Claudette?

"Kuya Clauss! Ilabas mo na ako dito, please!" paulit-ulit na sigaw ni Claudette. Her reflections were all pleading to me. I have to think. Can I just destroy this fucking mirrors?

Hindi ako makagawa ng hakbang lalo na't hindi ko pa nakikita kung sino ang kalaban. Natatakot ba siyang kalabanin ako kaya hindi siya nagpapakita? I smirked. I'm fighting a coward. What a pity?

Natitiyak kong pinapanood niya ako kaya kailangan kong manatiling kalmado.

"Hey, coward, manonood ka na lang ba?" I shouted. "Kung gusto mo akong kalabanin, you have to make your move bago pa kita maunahan. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo itong ginawa mo. Pero kung natatakot ka magtago ka na lang," I said. Sana kagatin niya ang mga sinasabi ko.

May narinig akong isang matinis na tawa na pumailanglang sa paligid. 

"Masyado kang nagmamadali, Clauss. I'm still enjoying the confused look on your face. Naglalaro pa lang tayo ngayon," wika ng isang babae. I think it's Melody's voice. 

Nagbago ang imahe na nasa mga salamin. Hindi na si Claudette ang nakikita ko kung si Melody na nakangisi nang nakakaloko. 

"Hi there," she said. She even waved and winked at me. It's irritating. It's now easier to destroy this mirrors.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon