Chapter 27: Anniversary

82.6K 2.9K 242
                                    

XYRA

I don't have the time to watch him walked away. Wala na akong nagawa kundi ang habulin siya. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nakalimutan ko ang anniversary namin. Kaya siguro tinakot niya ako kanina dahil gusto niyang maalala ko ang araw kung kailan naging kami. Kung hindi yata dahil sa mga wolves, hindi magiging kami.

"Clauss!" malakas na tawag ko sa kanya. Hindi siya lumilingon. Patuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Sorry na! Naaalala ko na!" sigaw ko. Hindi ko nga lang masabi na naaalala kong anniversary namin ngayon. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya nang tama. It should be in a romantic way, right? Ang problema, hindi ako ready. Nagalit pa siya sa 'kin. Kung alam ko lang, bumili sana ako ng regalo para sa kanya.

Mahinang tinampal ko ang noo ko. Bakit ko ba kasi nakalimutan? I sighed. Hindi pa rin niya ako pinapansin kahit sumigaw ako nang sumigaw. Hindi ko napansin ang isang ugat na nakaharang sa dinaraanan ko. I tripped and fell down. Bumagsak ako sa lupa. Napangiwi ako. Mabuti na lang hindi ako nagkasugat pero may kaunti akong gasgas. I looked at Clauss but he's not even looking back at me.

I have no choice but to stand up and follow him. Nang tumayo ako, napangiwi ako nang maramdamang masakit ang isang paa ko. Siguro may naipit na ugat. Paika-ika na lumakad ako upang sundan siya. Hindi ako makapaglakad nang maayos dahil sa sakit.

"Clauss! Sorry na! Can you please stop walking?" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ayaw pa rin niya akong pakinggan. Mukhang kailangan ko na talagang gawin ang dapat kong gawin. Although this is embarassing, I have to. Tumigil ako sa paglalakad. Inilagay ko ang dalawang kamay sa bibig ko upang sumigaw nang malakas.

"Happy Anniversary Clauss! Sorry! Masyadong maraming nangyari noong mga nakaraang araw. I forgot. But I can't make that as an excuse. I'm really guilty. Sorry na! I love you!" malakas na sigaw ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Nahihiya ako. Mabuti na lang walang ibang tao sa lugar na ito kundi wala na akong mukhang ihaharap.

Tumigil siya at lumingon sa akin. Lalong namula ang mukha ko. Nakakahiya! Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay. Ayaw kong tumingin sa kanya. Kasi naman may pagwo-walk-out pang nalalaman si Clauss. Ang drama kasi niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. This is embarassing. Kung pwede lang maglaho na parang bula, ginawa ko na.

"May sinasabi ka ba?" pang-aasar ni Clauss. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa 'kin. He's trying to remove my hands covering my face but I resisted. Mas idinidiin ko sa mukha ko ang kamay ko para hindi siya magtagumpay. Tumalikod ako sa kanya para pigilan siya sa ginagawa pero pumunta siyang muli sa harapan ko para alisin ang mga kamay ko.

"Huwag mo na akong tingnan!" nahihiyang sabi ko. My hands were still covering my face. I couldn't face him. Hiyang-hiya ako.

"Come on. I want to see your funny face," natatawang sabi niya. May gana pa talaga siyang mang-asar. I frowned. Tumalikod ulit ako sa kanya. I heard him sigh.

"Seriously? Bakit ka ba nahihiya?" tanong niya mula sa likod ko. Pakiramdam ko kasi pagtatawanan niya ako sa mga sinabi ko. Hinawi niya ang buhok sa batok ko. He kissed my nape. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko lalabas na ito sa dibdib ko.

Niyakap niya ako mula sa likod. "Happy Anniversary," he whispered. Inalis ko na ang mga kamay ko sa mukha ko.

"Happy Anniversary," nahihiyang wika ko. He laughed. Nakakainis naman siya. Hiyang-hiya na nga ako tapos tinatawanan lang niya ako.

"Anyway, I got something for you," he said. Napangiwi ako. Wala akong maibibigay sa kanya. Wala akong nabiling kahit ano. Palpak talaga ako. Ihinarap niya ako sa kanya. Nagtatakang tiningnan niya ako.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon