Chapter 1: Bloody Moon

210K 4.7K 469
                                    

XYRA's POV

Bumalik na talaga lahat sa normal. Nakakapanibago pero unti-unti na rin kaming nasasanay. Nasa isang kwarto ako ng dorm kasama si Frances. Roommates pa rin kami pero sa kasamaang palad, wala na si Wanda. She died because she protected Troy and the others while fleeing in North Mountain. I sighed when I remembered her. Actually, I missed her already. She's not that bad at all.

Nakahiga ako sa kama habang si Frances ay may pinagkakaabalahan sa laptop niya. 

"Ano'ng ginagawa mo?" takang tanong ko sa kanya. 

"I'm writing the history of Wonderland Magical Academy. Pinapagawa ni Bryan. Inilipat na kasi ang lahat ng laman ng lumang library sa underground basement. He wants to have a souvenir that Wonderland Magical Academy actually existed although it seemed like a dream, now," nakangiting wika ni Frances pero hindi maitatago ang kalungkutan.

Marahil nanghihinayang siya dahil sa pagkawala ng mga kapangyarihan namin. Kahit naman ako, nanghihinayang din pero wala kaming magagawa kundi ang tanggapin na lang lahat ng mga nangyari.

"Detalyado ba ang ginagawa mo? I mean pati ang laban sa pagitan ng mga Dark Wizards?" nag-uusisang tanong ko sa kanya.

"Yes. I think, kulang na lang ang love story ninyo ni Clauss. Gusto mo isama ko rin?" nang-aasar na tanong niya sa'kin. 

I rolled my eyes. 

"Geez. Don't dare. Hindi na 'yan kasama sa history ng WMA," napapailing na sabi ko sa kanya. Malakas na natawa si Frances sa sinabi ko. Napangiti naman ako nang maalala ko ang love story namin ni Clauss. I never imagined that we will end up together.

"Oo nga pala, Frances. Sino ang transfer student na pinagkakaguluhan nila kanina? Buti pinayagan pa siya ni Bryan kahit one month late na siya," takang tanong ko sa kanya. Ang balita ko kasi maganda ang babae at pinag-uusapan pa siya ng mga lalaki.

Nagkibit-balikat si Frances. "How will I know? Busy ako sa ginagawa ko at hindi ako manghuhula," mataray niyang sagot.

"Nawalan lang ng kapangyarihan, hindi na raw manghuhula. If I know, feel na feel mo na tinatawag kang Madam, noon," nakangusong bulong ko. Kinuha ko ang reveiwer ko para mag-aral.

"May sinasabi ka?" nakataas ang kilay na tanong niya sa'kin. Ngumiti ako ng pilit.

"Wala. Sabi ko ang ganda mo," nakangusong sabi ko.

"Buti alam mo," nakangising sabi ni Frances. Napailing ako. Hindi na ako nagsalita. Pinilit kong intindihin ang binabasa ko dahil may exam kami bukas.

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang biglang pagtunog ng cellphone ko na nakapatong sa study table na katabi ng kama. Tinatamad na kinuha ko 'yon at inalam kung sino ang tumatawag.

Napangiti ako nang mabasa na si Clauss pala ang tumatawag. Ano naman kaya ang kailangan ng kumag na ito?

"Kadiri ang ngiti mo, Xyra," nang-iinis na sabi ni Frances. Mukhang alam na niya kung sino ang tumatawag sa'kin.

"Inggit ka lang!" natatawang sabi ko sa kanya.

"Sagutin mo na. Pero please lang ha, huwag kayong masyadong maglandian. Nakakadiri!" sabi ni Frances na nag-make face pa. Napapailing na natatawa ako sa reaksiyon niya. Sinagot ko na ang tawag. May problema kaya siya?

"Hello?" nag-aalangang sagot ko.

"Bakit ang tagal mong sumagot?" masungit na bungad niya. Napailing ako. Hindi na talaga nagbago ang kasungitan niya. He's still the same as before. Iniisip ko pa lang kung ano'ng ekspresyon ng mukha niya, natitiyak ko na nakasimangot siya.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon