Chapter 13
"Sa tingin ko ay dapat hindi mo na yun ginawa. Sigurado akong babalikan ka ni Dolly."nag-aalalang sambit ni Gab.
Nag-aalala rin naman si Lalin sa nangyari kanina pero wala na siyang paki tungkol doon. It's either she will humiliate her self being weak or defend her self.
"She's a witch. You don't have to worry, Gab."walang pag-aalinlangan niyang wika. "Atsaka, pansin ko lang. Matagal ka na ba niyang binubully?"Lalin asked her.
Hindi naman agad nakasagot si Gab at may pag-aalinlangan siya munang napatingin sa kaibigan. "A..ano kasi."nauutal na umpisa. "Trip niya lang. Sanay naman ako."
Gusto pa man magsalita ni Lalin tungkol doon ay wala naman siyang karapatan. Kakakilala niya palang kay Gab at hindi niya pa alam ang buong pangyayari. Mas makabubuting hindi na lang muna siya magsasalita tungkol doon.
Sa gitna ng soccer field habang naglalakad ang dalawa. Rinig na rinig niya ang nakakainsulto na tawanan ng kapwa nila studyante. Hindi lamang siya ang pinagtatawanan kundi pati na rin si Gab. Alam niya na pati ang mga naglalaro ng soccer ay pinagkaabalahan pa siyang pansinin at pagtawanan. Tuksuhin at inisin.
At mas lalo pang lumakas ang tawanan ng tumama mismo sa mukha ni Lalin ang soccer ball. Biglaan ang pangyayari kaya hindi nakaiwas ang dalaga sa pagtama niyon. Panandaliang naalog ang ulo ni Lalin, dahil para siyang pinalo ng dos por dos sa ulo. Sa sobrang sakit ay bumagsak agad siya sa sementadong daan. Dinaluhan siya kaagad ni Gab na may pag-aalala sa mukha. Makikita rin dito ang kawalan ng kakayahan tungkol sa nangyari dahil maski siya ay hindi iyon inaasahan. Pero dali-daling kumuha ng tissue sa bag si Gab ng mapansin nito ang pagdurugo ng ilong ni Lalin.
"Lin, dumudugo ang ilong mo! " nahihitakutang wika ni Gab, habang marahang pinupunasan ang dumudugo niyang ilong. Nakita niya na halos magkulay-pula na ang tissue na ginagamit na pamunas ni Gab.
Then a thought came out of nowhere. She asked her self. Ito ba ang gusto ng mommy niya. Ang pahirapan at gawing empeyerno ang buhay niya. Mas gusto ba nito na makita siyang puno ng pasa. Nabubully. Pinagtatawanan.
Gusto na lamang ni Lalin maiyak dahil sa kanyang naisip at maghanap ng sagot.
Unang araw pa lang pero ang tindi na ng salubong sa kanya ng skwelahang ito.Matapos punasan ay tinulungan na siyang makatayo ni Gab. At hindi mawala ang kirot sa bahaging tinamaan sa mukha niya, lalong-lalo na sa ilong niya. Ngunit hindi pa man lubusan na nakatayo ay nakaramdam siya ng pagkahilo at umiikot ang kanyang paningin. Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang paniningin ni Lalin at bumagsak muli sa semento.
Nakita naman iyon ni Akiro na dapat ay dadaan lamang patungo sa principal office tungkol sa kagamitan na kakailanganin ng dalaga. Ngunit nakita niya nalang si Lalin na nakahandusay sa sahig habang may kasamang humihingi ng tulong. Dali-daling tumakbo naman ang binata papunta kay Lalin.Nagulat naman si Gab sa biglaang paglapit ng binata at napayuko. Gustong isipin ni Gab na dahil sa gwapo ito, ay katulad rin ito ng mga bully sa loob ng campus. Pero nararamdaman niyang sincere ang pag-aalala sa mukha nito. Nguni't hindi man lang niya maibuka ang bibig para magpasalamat.
Meanwhile, kitang-kita ni Akiro ang dumudugong sugat sa noo ni Lalin at ang dumudugo nitong ilong. Hindi naman niya alam kung paano umabot sa ganito ang lahat. Pero gusto niya malaman ang buong pangyayari.Ang nakita niya lang ay ang pagbagsak ni Lalin. At wala siyang ibang mapagtanungan kung hindi ang babaeng kasama nito.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Ti-tinamaan n-nang bola. " mahinang sagot ng dalaga sa kanya. Agad siyang napa-mura at binuhat ang walang-malay na si Lalin.~~School Hospital~~
Unconscious pa rin si Lalin at hindi naman mapakali si Akiro habang hinihintay naman matapos ang nurse at doctor na sumusuri kay Lalin sa emergency room. At nasa isang sulok lang naman si Gab. Nakayuko sa upuan. Parehong hindi alam ng dalawa kung bakit hindi pa lumalabas ang doctor.
Mabuti na lang at may sariling ospital itong University. Dahil kung hindi ay hindi na alam ni Akiro kung paano sasabihin sa Auntie niya ang nangyari. Napaupo siya pag-aalala at napayuko na lamang.
BINABASA MO ANG
BITTER SWEET EQUATION
RastgeleLalin Selene Leimberg was the heir of Leimberg Elite. But being Elite heir wasn't her dream. Instead, she wants to rebel to take her mother attention. Until her Mother made a decision she wouldn't expect. Her Mom rent a babysitter. Not just ordinary...