장-37

3 1 0
                                    

  
HER body went cold with awe. And on their way back to Manila. Lalin was quiet she didn't even talk to Michael, the trepidation in her chest didn't perish.
   
   
She had already talked to the specialist and her Mommy could die if she had another heart attack. Her mother is now fragile. Bawal na itong mapagod o ma stress.
   
   
Lalin rubbed her hands on her cheeks as she leaned against the wall. Wiping her tears. Sinasalamin ng kanyang mga naluluhang mata kung gaano siya nalungkot. Hindi niya magawang umupo kahit pa nakaramdam na siya ng ibayong panlalambot ng tuhod.
   
   
"Lene, umupo ka muna!" Michael offered. Alam niyang kanina pa ito nag-aalala sa kanya. She was beyond two hours standing.
   
   
Inalalayan na siya nito paupo. At doon lang siya tuluyang nalugmok sa panlalambot ng makaupo. Lalin's left hand held to her chest while her right hand was covered her mouth to prevent sobbing.
   
   
"She'll be okay Lene!" dagdag ni Michael at hinagod pa ang likod niya. One thing she knew to herself, that she's afraid to lose her mother.
   
   
Sa gitna ng kanyang pangamba ay napailing si Lalin sa hindi niya malamang dahilan ay di niya rin kayang ipaliwanag, naroon ang panghihinayang at kagustuhang maibalik ang mga sandali. Di sin sana'y hindi naging magaspang ang ugali niya kapag kaharap ang Ina.
   
   
Pakiramdam niya'y nasa loob siya ng isang laro. At buhay niya ang pinaglalaruan, subalit wala naman siyang magawa.
   
   
At sa sumisikip niyang paghinga, nagbuga siyang marahan na hangin sa bibig at tila doon na lang niya kayang huminga.
   
   
"I'm a brat, and I already know that since I was a kid. Before they adopted you, Mike, " panimula niya na halos hindi lumabas ang mga kataga na 'yon sa labi niya. Humihinga at bubuga. Halos magka-uhog ang ilong niya dahil sa paninikip ng dibdib.
   
   
"Now I realized that I was so selfish then...ang tanging kinatatakutan ko lang ay matrap sa isang masikip na lugar... sa buhay ko, I never felt so afraid that made me so lost and feel weak, " marahas na ang naging pagbuga ni Lalin ng hangin. " And and I'm telling you Mike... ang brat na nasa tabi mo ngayon, nakakaramdam na ng takot." sabay singhot at punas niya ng namumulang ilong, pagbuga ng napakabigat na hangin.
   
   
Mabigat na napabuntong-hininga ang katabi, hinahaplos at patuloy siyang inaalo. "She's brave Lene, I know she'll survive no matter what, " pampalubag-loob na litanya ni Michael.
   
   
Ramdam niyang may lungkot din sa tono ng boses nito, lungkot at halong pag-aalala. But also full of hopes.
   
     
That at least give her faiths.
   
   
°°°°°
       
"HAVE you heard the news pinsan?" untag ni Niccolo. Lumapit ito at tinabihan siya.
   
   
Nasa gilid sila ng soccer field at nakaupo sa stairs benches. Pawisan ang kanilang mga noo.
   
 
His forehead crinkled peeking at Niccolo. "What news?" aniya at dinampi ang bimpo sa pawisang noo.
   
   
"Ang mama ni Lalin nasa ospital." imporma ng pinsan.
   
   
"Paano mo naman nalaman?" balewalang tanong niya. Napapailing. Kahit maliit na chismis nasasagap talaga ng pinsan niya.
   
   
"Well, walang hindi nakakaalam bali-balita na sa telebisyon at social media."

   
"Para kang hindi lalaki, nagpapaniwala ka jan." Pailing niyang tugon."Baka nagpacheck-up lang tapos kung anu-anong mga nakakaintrigang bagay ang dinagdag para mag-viral!"
 
     
Social media nowadays isn't a reliable source. Maraming mga hindi totoo kaysa sa anuman ang mayroon ang paligid ngayon. Ang iba ay nagagawang makatotohanan kahit salat naman sa kung ano ang totoo. Kung baga fabricated.

     
"Subukan mo kasing panuorin!" Gayak na sabi ni Niccolo.
   
   
"Hindi ako chismosong tao tulad mo!" may halong panunuya ang sinabi niyang iyon. Agad niyang tinalikuran ang pinsan at dumiretso sa locker room ng mga lalaki.
   
   
Kumuha si Akiro ng extra t-shirt at bago pa man maisara ang maliit na pinto ay may nagsalita na sa likuran niya.
   
   
"Nakapag-usap na ba kayo?"
   
   
Itinulak ng kaliwang kamay niya pasara ang locker at bumuntong-hininga. "Hindi pa, " pumihit siya paharap. Nakatayo si Niccolo sa bungad at pinagmamasdan ang kilos niya. "Hindi ko pa alam, kung paano siya kakausapin."
 
Iiling-iling na lumakad palapit sa sariling lockbox unit si Niccolo. "If I were you, I call her, she needs you now and I'm sure of that!"
   

"Ewan ko sayo!" hirit ni Akiro. Isang biro. But there is something inside of him unsure of himself, somewhat nagging in him to do what Nico suggested.
   
   
At katawan na niya ang nagdidikta, dahil hinugot niya sa bulsa ang cell phone. He dialled Lalin's number six times pero hindi sumasagot. Veins seem burning to raise his head.
   
   
"She's not answering!" himutok na usal ni Akiro. Tumalikod siya palabas ng locker room habang nasa tainga ang telepono.
   
   
'The subscribers cannot be reached, please try your call later or leave the message after the tone..'
   
Tone lingered in Akiro's ears. He murmured a curse as his jaw tightened.

   
MEANWHILE at the hospital were all are full of woe and optimistic patients. Lalin was at the corner. Nakalipat na sa isang private room ang Mommy niya.
   
   
Nakatulala at malalim ang laman ng isip. Habang nakaupo sa tabi ng Ina. Pinagmamasdan itong walang-malay.
   
   
Wala si Michael at siya lamang ang naroon dahil kumuha ng mga damit nila ang binata. He left for almost two hours. And Lalin didn't even try to leave on her mother's side. Hinawakan niya ang kamay nitong may nakakabit na suwero at marahang hinaplos na tila madadaluyan ng kanyang lakas ang Ina.
   
   
"Mom, please gumising ka na!" Lalin pleaded. Her eyes slowly humid and a drop of tears slump on her cheeks.
   
  
At habang hinahawakan ang kamay ng Ina ay napayupyop si Lalin. Pigil ang mapalakas ang hikbi. Halos hindi na maayos na humihinga ang dalaga. At ang kanyang tahimik na pagtatangis ang pumuno sa pribadong silid. Sumagap at bumuga siya ng hangin ng marinig ang pagbukas-sara ng pinto. Maingat na sumisinghot upang walang makarinig.
   
   
"How are you Lalin?" hearing that familiar voice behind her, made her body stiffened.
   
   
Sa pagkakataon na iyon ay lumingon si Lalin. And she's right because Akiro is standing at the doorstep.
   
   
"A-akiro!" that was close to a murmur. She can't believe that he was here in front of her.
   
   
Lumakad ang binata palapit sa kanya, malungkot ang napuna ni Lalin sa mga mata ni Akiro nang madako sa mama niya ang paningin nito. "Kamusta na si Tita?" 

   
"She's fine!" she immediately answers back. Malungkot ang ngiting gumuhit sa mga labi ng dalaga minsang sinulyapan ang Ina.  "What are you doing here?" but she doesn't get any response from him, so she had to ask again.

      
"Paano mo nalaman?"
  

"Si yaya Mimi ang nagsabi sa akin." ani ni Akiro.
   
   
At duda si Lalin na pansin na nito ang pamumula ng kanyang ilong. Nakasulyap ng matiim at naroon ang masidhing pakikiisa at simpatya para sa kanya. And she wouldn't know what to feel anymore, she doesn't want to look messed up in front of him and made herself look better and tougher.
   
Pero traydor ang mga luha niya, bigla-bigla na lang niyang naramdaman ang paglandas ng mainit na likido sa pisngi niya. Kung dahil ba yaon sa kinikimkim na takot ay hindi niya masasabi. Pagsigok ay hindi napigil na umalpas sa labi niya. Yumupyop siya sa kinahihigaan ng Ina at doon impit na umalumpihit ng iyak.
   
   
"Everything is going to be okay!" kalakip doon ay nadama ni Lalin ang banayad na haplos sa likod niya. Masyado na siyang darag upang magsalita pa, at ang bigat na tangan sa dibdib ay sa pagbuhos ng butil sa kanyang pisngi lamang nailalabas.
   
   
Pero maging iyon ay hindi na naging sapat, pumihit siya at mahigpit na yumapos kay Akiro. Sa kaiga-igayang init ng mga bisig ng binata at tila napanatag ng bahagya ang damdamin ni Lalin.
   
   
Yet she bursts out in tears in Akiro's arms. At tila isang batang nakahanap ng matinding kakampi.
   
 

       
   
 
   

BITTER SWEET EQUATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon