장-17

7 1 0
                                    


   
    Nang araw din na 'yon. Maagang natapos ang klase dahil na rin sa biglaang pagpapatawag ng meeting ng mga  faculty at teachers. Kaya lahat ng studyante na naroon ay kakikitaan ng saya at galak sa nangyayari. Paroon at parito ang ilan, excited na makagala.
   
     
  Kabaliktaran ng nararamdaman ng tatlong dalagang, nababagot sa pagmamasid mula sa rooftop ng malaki at exclusibong paaralan na 'yon. Malaki at malawak 'yon. May barikadang yari sa salamin. Railing na purong gawa sa silver. Mayroon ding metal na upuan, na may pinturang puti at mesa na gawa sa marmol. Kumikintab pa 'yon at parang bawat oras ay pinipunasan. Meron ang set na 'yon sa magkabilang sulok niyon, at meron din sa gitna. Napakapresko pa ng hangin doon at nililipad pa ng banayad ang buhok nilang tatlo.
   
   
   Mula roon ay tanaw na tanaw ng tatlong dilag. Ang mga dagat ng studyante na nagsisilakad palabas ng gate.
   
   
Malakas na nagbuga ng hangin si Gab at saka iniwan ang dalawang nakamasid sa ibaba at umupo na lang sa set ng upuan at mesa na nasa gitna. Inilabas ng dalaga mula sa backpack niya, ang libro saka nag-umpisang mag-advance reading.
   
   
Pero maya-maya lang ay narinig niyang nagsalita si Zhyra. "Girls, why don't we free ourselves from stress? "
   
   
Saglit na nahinto si Gab sa pagbabasa at nakinig sa dalawa. Napasulyap naman si Lalin kay Zhy ng nakataas ang kilay at siniringan ang kaibigan. "And how do we do that?"
   
   
  Nakangiwing sinulyapan ni Zhy ang matalik na kaibigan,  at bakas sa mukha ng dalaga ang hindi mapaniwalaan ang tanong mula kay Lalin. At mataray na umangat ang kilay niya. "Duh! " aniya pa. Ngunit gayundin ang pagtaas ng kilay ni Lalin sa pagtataray ni Zhy. Tila nagtatagisan ang dalawa."As if naman hindi mo ugaling magshopping. "
   
   
  "Naku ha, aksaya sa allowance 'yan Zhyra! "Singit kaagad ni Gab at tuluyan na niyang isinarado ang binabasang libro at ibinalik sa bag niya. Nanatiling nakaupo ang dalaga, subali't nandoon kay Zhy at Lalin ang tingin.
   
   
  Umikot ang mga mata ni Zhy sa narinig mula kay Gab at siniringan ang dalaga maliban kay Lalin. "As if naman hindi ko alam na mayaman ka rin. Napakuripot mo alam mo ba 'yon hmn? " ngiwing saad ni Zhy. Saka nito inipon sa gilid ng tainga ang tumabing na hibla ng buhok sa mukha niya.
   
   
  Palibhasa alam ng dalaga na ang skwelahan na 'yon ay pawang mayayaman ang nag-aaral. Kaya hindi makapaniwala si Zhyra kung sasabihin na mahirap si Gab.
   
   
"Okay lang naman sa akin 'yon. Pero mukhang ayaw ni Gab ang idea Zhy! " tatango-tangong sambit ni Lalin at binuntunan ng tawa nung huli.
   
   
  "Tch, " masungit na ani ni Gab.
   
   
   Umasim ang mukhang binalingan ng sulyap ni Zhy si Gab at pinandilatan. "Psh, pag di ka sumama kakaladkarin kita! " banta niya nung huli. Samantalang inirapan lang siya ng dalaga.
   
   
   "Lets go! " si Lalin ang nagsalita at unang nagyayang umalis. Pansin niyang inayos na rin ni Gab at isinukbit ang bag, at si Zhyra ay binitbit ang Gucci bag nito.
   
   
   ----
   
   
   LALIN never been enjoyed all her life unlike now, she's really enjoying with Gab and Zhyra's company. Hilig ng dalaga na magshopping pero di tulad ngayon ay mas nag-enjoy siya dahil na rin sa presensya ng dalawang kaibigan niya.
   
   
  Sila lang yata ang mga studyante na naroon dahil kadalasan sa mga taong nakakasalubong niya, ay mga may edad na, may mga ginang na mayroong bitbit na sanggol. Mga magpapamilyang nagshopping kasama ang anak.
   
   
  Ilang oras din silang tatlo na naroon sa botique, dahil sa kaartehan ni Zhyra. Halos lahat ng naroong damit ay walang itulak kabigin para kay Lalin. Tuloy panay ang ngiwi nilang dalawa ni Gab, puro mga maiikising damit ang napili nito at pati ang damit na gusto nilang dalawa ay nakikialam ang dalaga. Sabihin ba na wala silang dalawang alam pagdating sa uso.
   
 
  "Alam 'nyo, kaya kayo binubully dahil sa itsura 'nyo. Bukod doon, hinayaan 'nyo pa! " patuloy na talak ni Zhy na tila nauubusan ng pasensya sa kanilang dalawa. Samantalang pansin din niyang napangiwi na naman si Gab ng magkatinginan silang dalawa.
   
   
  "Eh, bakit ba eh hindi kami komportable sa gusto mong ipasuot sa amin! " talak din ni Gab saka tumayo para ilagay ang off-shoulder dress na kulay crema, na hanggang sa hita lang yata niya.  Bumaling siya kay Zhyra ng makitang naghahalungkat muli ng damit si Gab sa mga nakadisplay.
   
   
  "Zhy, hayaan mo na kami sa gusto naming suotin. " malumanay na wika ni Lalin kay Zhyra.
   
 
  Bumuntong-hininga si Zhy at para pa itong nauubusan ng pasensya sa kanya o pati kay Gab. "Para mo na ring sinabi sa akin na hayaan ko kayong dalawa na mabully! " giit ni Zhyra at mukhang determinadong mapasunod silang dalawa ni Gab.
   
  
  "Para mo na ring sinabi na kalimutan namin ang sarili namin. " maya-maya'y singit ni Gab. Pareho silang dalawa na napalingon dito. Busangot ang mukha at wala ni isang damit na hawak.
   
   
  Ayun na naman ang mabigat na pabuga ng hangin ni Zhyra, dahilan para sulyapan siyang muli ni Lalin. "At para 'nyo na ring sinabi na ayaw ninyong iimprove ang sarili ninyo, c'mon guys! " kitang-kita ni Lalin ang pagkadismaya sa mukha niya Zhyra na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Gab.
   
   
Lalin sigh eyeing Gab, trying to convince her, dahil nakangiwi na naman ito ng masulyapan niya. "Lets give it a try Gab. " aniya sa mahinahon na tono.
   
   
  Lalin get what Zhyra trying to say. Kung ano ang gusto nitong ipaintindi, she knows that Zhy was her allie. At gusto lang nito na mapabuti siya. Unti-unti na ring pumapasok sa utak ng dalaga ang ikabubuti kung sakali man na sumubok siyang ayusin at baguhin ang sarili.
   
   
  At baka sakaling matapos na ang pakikialam ng mommy niya. Yes she was starting to realized that it is for her own good. But she did'nt get the point. What's the point of getting her a babysitter. Anong saysay o kabuluhan kung bawasan at tipirin siya ng sariling ina sa allowance niya. Gusto niyang maintindihan. Ang totoo nakuha na niya ang punto ng mommy niya. May parte kay Lalin na mas naghahanap ng mabigat na dahilan, at hindi niya mahukay at makita 'yon dahil napakalalim.
   
   
  "Now, you have to fit those clothes on. " kung hindi pa nagsalita si Zhyra ay hindi pa magigising si Lalin sa malalim niyang iniisip. Nakita niya ang iba't-ibang kulay ng damit na hawak nito. May mga nakalagay pa sa high chair na nasa harap niya. Napalingon si Lalin kay Gab. Salubong ang kilay nito at ng dumakong muli ka Zhy ang mga mata nito, ay mabilis na umasim ang mukha nito.
   
 
Napapabuntong-hininga si Lalin saka ibinalik kay Zhy ang mga mata."Fine! "
   
   
Saglit niyang sinulyapang muli si Gab at tinanguan ang dalaga. Bago sabay na tumayo ang dalawa at nagtungo sa fitting room na nasa harap lang din nila. Naiwan doon si Zhyra na noo'y prente na ang pagkakaupo.
   
   
At makalipas ang ilang minuto ay isa-isa ng pinakita nina Gab at Lalin ang mga napili ni Zhy para sa kanilang dalawa.
   
   
Sinukat nila 'yon isa-isa at ipinakita kay Zhyra. Parehong may magandang hubog ng katawan sina Lalin at Gab, kaya gayun na lang ang satisfaction sa mukha ni Zhy habang tinitignan ang bawat damit na isinusukat ng dalawa.  Lahat ay bagay sa kanila.
   
   
  ----
   
   
  "What the hell Zhy! " patili na angil ni Lalin ng dinala naman sila ni Zhyra sa isang sikat na salon. At sa David's salon pa mismo ailang dalawa ni Gab dinala. Pareho pa silang nagkatinginan ni Gab. Hindi rin maipinta ang reaksyon ng dalaga.
   
   
Habang si Zhyra naman ay nababasa na kaagad ni Lalin na balewala rito ang reaksyon nilang dalawa ni Gab. Sa halip, nginiwian lang siya pati na ron si Gab.
   
   
  "Haller! kailangan 'nyo rin na alagaan ang skin 'nyo. So we you two guys, needed the majic of David's salon!"
   
   
Ngiwing nagkibit ng balikat si Lalin at hindi na nakipagtalo pa. Ganoon rin si Gab na nagbuga pa ng hangin at sumunod kay Zhy na nagtuloy-tuloy sa pagpasok.
   
   
Lalin can't help herself and take her deepest breath and exhaled. Saka siya sumunod sa dalawang kaibigan niya.
  
   
Inasikaso naman kaagad silang tatlo roon. Sa katunayan  ay sabay silang tatlo na shinampoo ang buhok. At kung anu-anong mgs kemikal pa ang nilagay. Matapos noon ay sinimulan iblower ang buhok ni Lalin ng baklang stylish. Alam niya uunatin nito ang buhok niya. Pero halos mag-tag of war ang buhok niya at ang plantsa.
   
   
  Rinig pa ni Lalin ang paghagikhik ni Zhy na sinamaan pa niya ng tingin, bago bumalik ang mga mata sa salamin. Hanggang sa natapos 'yon. At hot-oil naman daw ang kasunod. Halos umabot din ng ilang oras bago natapos. Pero wala naman makitang ipinagbago si Lalin sa sarili, bukod sa tuwid na tuwid na ang buhok niya. At kumikintab. Nang makita niya naman si Gab ay bahagyang kinulot ang dulo ng buhok nito. Bumagay sa angkin nitong ganda.
   
   
Agaw-tingin naman kaagad ang kagandahan nilang tatlo, na pinagtitinginan ng mga nakakasalubong nila.  Ang akala ni Lalin ay 'yon na ang huli nilang gagawin. Dahil madilim na rin sa labas. Pero lumipat lang pala sila,  dahil pumasok naman sila sa isang derma clinic.
   
  
  May mga private room doon at pawang fiberglass ang dingding at humahati sa bawat kwarto. Magkahiwalay ng kwartong pinasukan sina Zhyra, Gab at Lalin.
   
   
Unang-una na sinuri kay Lalin ay ang taghiyawat sa mukha ng dalaga. Maigi 'yon na sinuri ng dermatologist na umaasikaso sa dalaga. Nang matapos ay inihanda ng dermatologist na naroon ang laser treatments na mag-aalis sa pimples ni Lalin.
   
 
 
   
   
   Jadekiah// NaokoAlliv
   
   
   
   
   
  
   
   
   
   
   
 
 

BITTER SWEET EQUATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon