My co-writer in this story:NaokoAlliv
Akiro Grover Walter🤗 Cha Eun Woo
Lalin Selene LeimbergPrologue
EVERY castle has it's queen and king. Every house has it's ruler. Every mansion has it's own Master.
Alas kwarto palang ng umaga ay nagsisigising na ang tatlong kasambahay na naninirahan sa mansion. Walang oras silang sinayang upang linisin ang bawat sulok ng mansion. Mapabubong o maski ang pinto. Sinisigurado ng mga ito ang kalinisan at pagkakaayos ng lahat. Maliban sa ito ang dapat nilang gawin ay natuto na rin silang hindi magreklamo sa gawain ito na halos dekada na rin nilang ginagawa.
Maliban sa kanilang tatlo ay wala ng ibang naninirahan na kasambahay sa mansion upang tulungan sila sa ibang gawaing bahay. Ang pagluluto at pagbabantay ng mansion ay kanilang tinatrabaho rin. Tinuturing na ng mga ito ang mansion na kanilang bahay dahil maliban sa kanila. Ang dalagang anak ng may-ari lang rin ang naninirahan dito.
Habang nag-aayos sila. Napapatingala nalang sila sa taas ng mga hakdan. Maikli man kung titingnan pero sa oras na humakbang kana sa mga ito. Tila dadaan ka sa madilim at sobrang layong daan. Simula kasi ng mamamatay ang tunay nilang amo ay kanilang pinagsisilbihan nalang ang unica-ija nitong nagkukulong lang sa kwarto magdamag. Makita mo man ito ay parang sobrang bigat naman ng presensya nito. Hindi rin naglalagi ang asawa ng namayapang ama ng dalaga ito sapagkat lagi nitong inaasikaso ang kompanya.
Kompanyang naiwan ng amo nila dito sa mag-ina.
Panay ang pag-iibang bansa ito at hindi naglalagi sa iisang lugar. Sakaling dumalaw man ito sa nag-iisang anak ay kanilang maririnig lang ang simoy ng hangin na dumadaan sa pagitan nito.
Huminto sa pagwawalis ang pinakamatandang katulong na si Mema. Pinagmasdan niyang muli ang hagdan at nilingon ang dalawang kasama.
"Hindi pa ba gigising si Young Lady?"tanong niya sa dalawa.
Napakalumbaba naman si Mimi sa hawak nitong duskstick. "Hindi yata. Alam mo naman ang alaga natin. Basta ganitong araw mas gugustuhin niyang matulog nalang kaysa makita ang ina."sambit nito.
Si Mimi naman ay sampung taon palang ang paninilbihan sa mansion. Ang panghuli naman ay si Honey. Ang medyo bata sa kanilang tatlo. Nasa trenta palang ang edad nito at sa kanilang tatlo si Honey lang ang malapit sa dalaga.
"Naiintindihan ko ang bata, Yaya Mema at Yaya Mimi. Para siyang prinsesa sa loob ng kastilyong walang kalaman laman."singit ni Honey sa dalawa.
Tumango tango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon.
----
SAMANTALA sa loob ng sobrang laking kwarto. Mahimbing na natutulog si Lalin habang yakap yakap ang hotdog pillow at siyang pinapalibutan ng maraming unan sa paligid.
Ang theme ng kanyang kwarto ay purong puti. Mula sa dingding hanggang sa gamit. Maski ang damit nito sa loob ng malaking wardrobe ay halos puti rin. Ganun rin ang kanyang mga sapatos at sandals na nakatago sa loob.
Umakyat naman ang kanyang paboritong pusa sa kama at dumagan sa kanyang mukha. Napakibot kibot ang kanyang labi dahil sa bigat ng pusang nakadagan sa kanyang. Kahit na hindi niya pa gustong bumangon ay hindi naman siya makakahinga sa bigat ng alaga niya.
She extend her hand and pulled her cat away to her face. She gasped for an air.
"Ang taba mo talagang pusa ka. Sarap mong gawing siopao. Tsk!"reklamo niya sa alaga. Ang pusa niyang si Leonardo ay may lahing hapon na nabubuhay lang sa lamig at malinis na kapaligiran. Ang kulay nito ay itim na may halong brown. Samantalang asul naman ang mata nito.
Napalingon siya sa pinto ng may kumatok.
"Young lady, handa na po ang agahan." rinig niyang tawag sa kanya ni Yaya Honey. At saka pumasok ito dala dala ang long sleeve niyang puti.
"Hmm..."she hummed before taking the long sleeve.
Inalis niya ang kanyang night dress na puti rin bago sinuot ang hanggang tuhod niyang long sleeve polo.
"Is she coming?"tanong niya bago kunin sa kama ang alaga.
"Tumawag siya kanina at sinabing hindi siya makakarating pero may pinadala siyang sulat." Ani nito at inilahad ang papel.
Mahinhin kinuha ni Lilan ang papel at agad na binuksan. Napangiwi nalang siya sa huling letrang kanyang nabasa.
Nilakumos niya ang papel bago iyon tinapon sa kung saan. "She's a witch."she grinned her teeth then leave her room.
----
BINABASA MO ANG
BITTER SWEET EQUATION
RandomLalin Selene Leimberg was the heir of Leimberg Elite. But being Elite heir wasn't her dream. Instead, she wants to rebel to take her mother attention. Until her Mother made a decision she wouldn't expect. Her Mom rent a babysitter. Not just ordinary...