장-1

13 6 0
                                    

My co-writer in this story:NaokoAlliv

장-1
   
  
MULA sa glamorosang hagdan ng napakalaking mansion. Nagkukumahog na bumaba si Lalin. Napansin niya ang mga abalang kasambahay na maiging nagpupunas ng mga kasangkapan. Ayaw na niya sanang abalahin ang mga kasambahay sa kanilang mga gawain. Datapuwa't hindi naman niya alam kung kanino magtatanong kung nasaan ang kanyang ina. Maliban sa hilig nitong umalis ng bansa ay nakakasigurado siyang may alam rin ang mga kasambahay.

     
Si Mimi ang kanyang nilapitan  na nagpupunas ng kanilang malaking flat-screen t.v. Tumikhim muna si Lalin upang makuha ang atensyon nito. Panandaliang hininto ni Mimi ang gawain at hinarap siya nito.

     
"May ipag-uutos po ba kayo, Young lady?"magalang nitong tanong sa dalaga.
   
    
"Bakit hindi dumating si Mommy? Nasaan si Mommy? I need to talk to her." Lalin asked with furious.
    
       
"Wala siyang nasabi kung bakit ngunit sa pagkakaalam ko ay nasa opisina siya ngayon ng inyong kompanya." direktang tugon ni Mimi kahit na may pagtataka sa biglang pagtatanong ng alaga.
   
 
Alam ng lahat na hindi magkasundo ang mag-ina at ito ang unang pagkakataon na lumabas ang alaga na nagpupuyos sa inis. Tila ba may ginawa ang kanyang ina na hindi niya nais.
   
    
Hindi na ito nag usisa pa at muling hinarap ang naantalang gawain.Maging ang ibang kasambahay ay hindi na nag-abala pa na lumingon o makisabat.Marahil ay alam ng lahat na hindi maganda ang kanyang gising.
  
       
Napabuntong-hininga si Lalin kasabay ng paggalaw ng panga. Naglakad na siya sa mahabang pasilyo patungo sa dining area ng kanilang mansion. Tamang tama rin ng makita niya ang kanyang isa pang kasambahay.  "Yaya Mema, ikaw na bahala ang magpakain kay Leonardo, okay?"
   
     
"Masusunod, Young Lady."tugon nito
    
    
Nilampasan na niya ito at nagtuloy-tuloy sa kusina. Dumiretso siya sa malaki at two-door refrigerator malapit sa island counter. Sumalubong sa mukha niya ang lamig ng ref. Nahagip naman ng kanyang mga mata ang fresh milk na nasa isang bote at kanyang isinalin ito sa isang baso. Habang sumimsim sa isang baso ng gatas na kanyang tangan-tangan. Naglakad na rin siya papunta sa mahaba at malaking mesa kung saan ay may nakahanda ng agahan.
   
    
Pansin niyang puro ito mamantika at tila mas nakakadagdag ng taba sa katawan. Maliban sa humiga at maglaro ng video games ay may tigidig ng tumutubo sa kanyang pisngi dahilan ng hindi niya paglabas sa mansion. Hilig niyang kumain ng kumain sapagkat wala sa kanya ang salitang taba sapagkat hindi naman iyon nangyari sa kanya.

   
Subali't wala siyang balak na mag heavy-breakfast dahil sa kanyang ina. Kumuha nalang siya ng isang sandwich at iyon na lamang ang nilantakan niyang kainin. Panay pa ang sulyap niya sa relong pambisig habang inuubos ang gatas at ang tuna sandwich na gawa panigurado ng Yaya Mema niya.
   
     
"Young lady nakahanda na po ang sasakyan ninyo!"singit ng isang tinig mula sa bungad ng pinto. Papasok ng dining area. Napalingon siya at kanyang nakita si Honey na nakadungaw doon. Tinanguan lamang niya ang kanyang kasambahay at nagmadaling inubos ang tinapay.

   
   
   
    ----
   
   
   
DALI-DALING bumaba ng kotse si Lalin ng maayos niyang naiparada ang kanyang sasakyan. Pero bago niya ginawa iyon ay sinigurado niya munang nakashades siya. Lingid sa kaalaman ng iba ay mas gusto niyang walang nakakakilala sa kanya maliban sa security at sa kanyang Ina. Pasimpleng yumukod sa kanya ang guwardiya ng may galang at nagtuloy-tuloy na siyang pumasok sa malawak na bulwagan ng kompaya.
   
     
Itinayo ito ng kanyang amang namayapa na at tuluyan ng inako ng ina ang lahat ng gawain. Sa kanyang pagkakaalala ay mas mayaman ang kanyang Ina kaysa sa ama. Nag-iisang anak lang rin ang kanyang Ina kaya napunta lahat ng mana dito. Ngunit imbis na kompanya nila ang kanyang asikasuhin ay pinili nito na ang kompanyang pinagtrabahuhan ng kaniyang ama na lamang.
   
       
Pansin niya ang paglaki nito sa pagdaan ng maraming taon. Hindi niya maiwasan na maisip na kung nandito lang ang kanyang ama ay natutuwa na ito.
   
   
     
Hindi naman nakaiwas sa kanyang tingin ang mga empleyadong napapatingin sa kanya. Siguro ay dahil sa hindi pa nila ito nakikilala kaya ganun nalang ang pagtingin nila dito.

BITTER SWEET EQUATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon