"Pero anong saysay ng choices at decisions mo in life, if you're immature and childish? " Akiro commented. " It's useless, if you're not willing to listen to those who'm just giving you an advice. Trying to make your life better. "
"Are you really giving your opinion or Nagpaparinig ka?" sarkastikong bulalas ni Lalin. Nakatikwas ang kilay ng dalaga at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng binata sa kanya. Natigil ito sa pagsubo at direktang sinalubong ng titig si Akiro. Ang dating kasi ay tila pinasaringan siya nito. At talagang hindi niya 'yon nagustuhan. Masyadong sarcastic ang dating.
But Akiro just gave her a mocking grin, and shrug-off his broad shoulders. "Bakit, tinamaan ka? "
"Tch, " pasiring na bigkas ni Lalin. Talagang mahahalata sa mukha ng dalaga, ang kawalan ng gana na makipagtalo. Isa 'yon sa lubhang ipinagtaka ni Akiro sa kanya. Kung bakit parang malungkot ito kanina pa, ay hindi pa nasagot. Ayaw rin naman magtanong ni Akiro. Mas lalong ayaw din ni Lalin na magkwento.
Ang nangyari tuloy sa dalawa ay naging awkward ang pagitan nila. Walang naglakas-loob na magsalita. Hanggang sa lumabas na rin sila sa departamento na 'yon.
----
May isa't-kalahating oras nga na huli sa klase sina Lalin at Akiro. Nang dumating sila ay papunta na canteen ang karamihan sa mga studyante. At hindi maiwasan ang maya't-maya na panunulyap ng mga kapwa studyante nila. Bawat mga matang sumusunod ng tingin sa kanilang dalawa, kakikitaan ng pagtataka at saka magbubulungan. Sino ba naman ang hindi, kung magkasama sila ni Akiro.
"Selene! " tili ng isang boses mula sa kung saan. Masyadong pamilyar 'yon kay Lalin at impossible na hindi niya makilala. Sino pa ba ang tatawag sa kanya ng ganon, kung di si Zhyra lang naman. Pero nanigurado na rin ang dalaga at mabilis na iginala ang paningin. Sa iilang mga studyante na paroo't-parito ay hirap siyang maghagilap.
Kaya naman nung gumawi sa isang makitid na hallway papunta sa garden ng school ay agad niyang natanaw si Zhyra na kumakaway at parehong nakangiti ang mga mata at labi nito. Kumaway siya pabalik.
"Who was that? " naitanong ng katabi ng dalaga na si Akiro.
"My bestfriend! " sagot ni Lalin ng hindi tumingin sa binata. At hindi man lang nagdalawang-isip na tumakbo agad sa babaeng kumakaway at iniwan si Akiro. Kung kaya't nang matanaw ng binata nang nagyakapan na ang dalawang babae ay umalis na rin siya at naglakad sa department building nila.
Sa kabilang banda ay tuwang-tuwa na humiwalay sa pagkakayapos sina Lalin at Zhyra. At talaga namang ikinagulat ni Lalin na makita ang kaibigan doon. But otherwise she's very happy to see her bestfriend.
"Zhy, what are you doing here? " nakangiting tanong ni Lalin.
And again, Zhyra's perfect set of teeth showed when she smiled sweetly to Lalin. "Dito na ako mag-aaral! "
Dumaan ang pagkamangha at gulat sa mga mata ni Lalin. Nakaawang ang labi ng dalaga, habang may nanunuring mata na nakatitig kay Zhyra. At talagang hinagilap ni Lalin ang bahid ng biro sa mga mata ng kaibigan.
"For real? " halos tili na 'yon ng lumabas sa bibig ni Lalin. Buong sigla at may ngiti. Wala na roon ang bakas ng lungkot ng dalaga kanina.
"Oo, at makakasama na kita lagi Selene! " natutuwang bulalas ni Zhyra. Maya-maya ay nginisihan ni Zhyra si Lalin. " Sabay na tayong pumasok sa classroom natin! " dagdag pa niya at kumawit sa braso ng kaibigan.
At sa pangalawang pagkakataon ay gulat na napatinign si Lalin sa katabing si Zhyra. "M-magkaklase tayo? " manghang tanong ng dalaga.
"Oo noh, " sagot nito sa kanya.
"Teka nga babae, bakit ngayon ka lang? " maya-maya ay usisa ni Zhyra kay Lalin. Breaktime na sa oras na 'yon. Lumipat pa ng pwesto paharap si Zhyra para lamang matignan ang reaksyon ni Lalin. Pinanditalan pa siya ni Zhyra na parang bang nagbabanta o may kung anong iniisip tungkol kaibigan.
Lalin sigh. "Mahabang kwento Zhy, " ani ni Lalin na napandilatan rin pabalik si Zhyra.
"I'm willing to listen. " hamon ni Zhyra sa kanya.
"And I'm not in the mood to tell you! " asik naman ni Lalin na ikinangiwi ni Zhyra.
"Tara na nga! " yaya niya pa sa kaibigan na noo'y nakasimangot at nakanguso sa harap niya. At saka kumibot-kibot ang labi nagpahatak din naman sa kanya. Pero sa huli ay bumitaw si Zhyra sa pagkakapit sa braso ni Lalin at umuna ng bahagyang maglakad.
Kaya hindi tuloy mapigil ni Lalin ang matawa. "Tampo ka na niyan? " biro pa niya at tatawa-tawang sinabayan ng paglakad ang kaibigan. At doon lang din napansin ng dalaga na marami sa nakakasayan nila o makakasalubong at napapalingon sa kanilang dalawa. Sino ba naman ang hindi.
Zhyra was a perfect real life epitome of goddess. Talented and smart. Kumpara naman kay Lalin na nagiging basahan kapag kasama ang kaibigan. Magtataka talaga ang lahat kung bakit magkasama ang dalawa. Pero balewala 'yon sa dalawang nagpapatintero sa daan. Patuloy lang na nakasunod si Lalin, habang ang kaibigan ay tila nagmamaktol pa rin.
"Tch, hindi kasi nasanay na akong ginaganyan mo lang ako lagi! "
"Eh, ikukwento ko naman sa'yo. Pero wag ngayon okay? " ngisi-ngising tugon ni Lalin. Napahinto si Zhyra sa paglalakad at dagling napaharap kay Lalin. Sakto naman na nasa harap na silang dalawa ng classroom nila.
Ngumiwi naman si Zhyra ng makita ang pagngisi ng kaibigan. "Ewan ko sa'yo Selene, badtrip ka talaga kahit kailan! "
Natawa na lang si Lalin at inakbayan si Zhyra. At sabay na pumasok sa loob ng classroom.
Samantalang, nagtataka ni Gab nang makitang magkasamang pumasok si Lalin at Zhyra. Magkaakbay at mukha close na agad ang dalawa. At nang umupo ang dalawa sa harap niya ay hindi na niya napigil ang magtanong.
"Magkakilala kayo? "
Lumingon sa gawi ni Gab ang dalawa. Nakangiti si Lalin habang si Zhyra ay tumango at siyang sumagot sa tanong ni Gab.
"Magbestfriend kami! " proud pang ani ni Zhyra. Pero hindi na makuhang sumagot ni Gab dahil pumasok na ang prof nila sa subject na 'yon.
Sa kabilang banda, habang nagkaklase ay napapahanga ni Zhyra ang lahat sa angkin niyang talino. Halos siya lahat ang sumagot sa bawat tanong ng prof nila. Proud naman si Laling para sa bestfriend niya. Habang si Gab ay manghang-mangha.
----
"Ano ba! " asik ni Dolly nang matapunan ng cake ang mamahaling damit na suot, ng nagmamadaling si Lalin. Samantalang di naman 'yon inasahan ni Lalin. Ang gusto lang niya ay matapos agad kumain para makapag-audition na rin siya sa drama club. Kasunod nito ay si Zhyra at Gab. Nakayuko lang si Gab. Si Zhyra naman ay tuwid at nakatikwas ang kilay na tinignan ang nagmamalditang si Dolly.
"Sorry.. "
"Talagang sinusubukan mo ang pasensya ko noh? " may diin na sabi ng namumula sa galit na si Dolly. Saka walang habas na itinapon din sa pagmumukha ni Lalin ang hawak niyang macarons. At hindi pa nakontento ay astang sasampalin na nito si Lalin.
Nang hindi naman nakapagtiis sa isang tabi Zhyra at mahigpit sa hinawakan ang kamay ni Dolly na nakaambang sampalin si Lalin.
"Subukan mong saktan ang kaibigan ko't malalagot ka! "
"And, who the hell are you! " singhal ni Dolly na bumaling kay Zhyra ang mga mata. "Masyado kang pakialamera, baka gusto mong ikaw ang saktan ko! " dagdag pa ni Dolly na hindi nagustuhan ang pangingialam na ginagawa ni Zhyra.
Mas lalo pang tumindi ang makikitang inis sa mukha ni Dolly dahil ngumisi lang si Zhyra at nanunuya. Ikinatuwa 'yon naman ni Zhyra at pabalag na binitawan ang kamay ni Dolly.
"Hindi mo gugustuhin na makilala ako! "
"Wag ka ngang magmaganda! " asik ni Dolly na hindi makapaniwala sa sinabi ni Zhyra. tumaas ang kilay ni Zhyra sa sinabing 'yon ni Dolly, lalo na ng pasadahan siya ng tingin nito."Hindi bagay sa'yo at lalong hindi ka maganda! "
"Kumpara naman sa'yo, " nang-iinsultong tugon ni Zhyra at pinamewangan si Dolly at saka pumitik ang kamay sa ire. "I am beautiful than you! " at nanunuyang ngumisi sa mukha ng malditang babae. Her hand wave underneath on her chin and said mockingly. "No make-up at pulbo lang pero mas angat pa rin ang ganda ko sa'yo. " at hindi 'yon nagustuhan ni Dolly at talagang pulang-pula na ang mukha sa galit. Habang si Lalin ay natawa sa sinabi ng kaibigan.
"You! "
Hindi na napaghandaan ni Zhyra ang sumunod na pangyayari. Parehong hindi inasahan ng tatlo ang paghablot ni Dolly sa buhok ni Zhyra. Pati si Gab na nakayuko lang ay natamaan din ng braso ni Dolly. Sumalampak naman sa sahig si Lalin. At napuno agad ng singhap ang buong canteen.
Parang napigtas ang lahat ng pagtitimpi ni Lalin kay Dolly. At galit na galit na napatayo ang dalaga at siya naman ang ubod ng lakas na humablot ng buhok ni Dolly. Ngumawag agad ito at nagtitili. At Zhyra naman ay agad na dumulog. Pinaghihila ng dalawa ang buhok ni Dolly na noon ay tumitili na sa sakit at hindi na nakalaban pa kay Lalin at Zhyra.
Mabilis na pumagitna si Angel na noon lang tuluyang nakalapit dahil na rin sa dami ng nagkumpulan na mga studyanteng nanunuod ng catfight sa pagitan ng tatlo.
Sabog na sabog ang buhok ni Dolly, gayundin ang kay Zhyra at Lalin. Masamang-masama ang titig ni Dolly sa dalawa, na nilabanan naman ni Lalin at Zhyra.
"Anong nangyayari? "
"Hindi mo ba nakita pinagtulungan ako ng dalawang 'yan! " sarkastikong tugon ni Dolly sa kapatid at dinuro sina Zhyra at Lalin.
"O come on Dolly, I know you too well. Mahilig ka talagang mangulo! " Asik ni Angel sa kapatid at saka humarap kina Zhyra at Lalin. Humihingi ng paumanhin ang mga mata ni Angel sa dalawa at sinserong ngumiti."I'm sorry sa ginawa ng kapatid ko sa inyo "
BINABASA MO ANG
BITTER SWEET EQUATION
RandomLalin Selene Leimberg was the heir of Leimberg Elite. But being Elite heir wasn't her dream. Instead, she wants to rebel to take her mother attention. Until her Mother made a decision she wouldn't expect. Her Mom rent a babysitter. Not just ordinary...