장-2

11 5 0
                                    


   
    Chapter 2
   
PAPALABAS na si Akiro ng kanyang classroom ng may isang kamay ang sumakal sa kanyang leeg. Agad niya naman iyon pinagpapalo.
   
     
"You dimwit! Ang bigat mo!"singhal niya sa kanyang pinsan na si Niccolo.
   
     
Si Niccolo ay may lahing espanyol kaya ibang klase ang kanyang pangangatawan. Sa edad na 19 ay makikitaan mo na agad ito ng karismang nakakapagpahabol sa babae. May matangos at makakapal na kilay rin ito. Dumagdag pa ang kanyang labi na mapula.
   
     
Sa kanilang magpipinsan ay si Niccolo lang ang may lakas ng loob na lumapit sa kanya. Kahit na malayo ang expectation ng kanilang Lolo sa mga magulang.
   
       
"C'mon, cousin. Ang tagal na nating hindi pumupunta ng bar. My treat, okay?"aniya habang nagpapaawa sa binata.
   
      
Pareho silang nasa iisang building at pareho din ang kursong kinuha nila. It's Bussiness Management. Maliban sa unang taon palang ng pasukan ay agad na silang tinatambakan ng gawain ng mga Prof.
   
      
Kaya ganun nalang ang pagkukumahog ng binata na maisama ang pinsan sa labas. At para makapagsaya.
   
      
"No, Nic. I have my plans."aniya sabay sukbit ulit ng bag sa likod.
   
      
"What is it bro? Isama mo naman ako."tanong pa ni Niccolo.
   
      
Sasagot pa sana si Akiro sa pinsan ng magvibrate ang kanyang cellphone sa bulsa. Kanya iyon kinuha at rumihistro doon ang pangalan ng Auntie niya.
   
       
Tinapik tapik nalang ni Akiro ang balikat ng pinsan at saka iyon iniwanan sa hallway.
He hold his phone and answer the call.
   
     
"Hello."he asked.
   
       
"Parating na ang anak ko. Nakaenroll na rin siya sa isang high school malapit dyan sa pinapasukan mo. I hope I can trust you, Akiro."Mrs. Leimberg said.
   
      
He sighed as he heard it. It wasn't his plan to be a babysitter. And afterall it wasn't his plan that it should be him. Marami naman dyan kaya dapat alam niya kung sino ang dapat pagkatiwalaan.
   
       
"Yes, Auntie."he said before ending the call.
   
      
Pakamot-kamot niyang hinawakan ang batok bago lumapit sa pintuan ng kanyang kotse. Bagamat na magkalapit sila ng kanyang Auntie ay minsan hindi niya ito maintindihan.
   
      
Mas marami at mas magagaling na nanny ang pwedeng mag-alaga sa anak niya. Kung iisipin ay baka may sarili pa itong Yaya na pwedeng utos-utusan. Thinking of who will he babysit is suck.
   
      
Marami ng pumapasok sa kanyang isip kung ano ang magiging reaksyon ng titira sa condo niya. Maliban sa dahilan kung bakit siya umalis ng kanilang bahay at kung bakit piniling mabuhay mag-isa. Hindi niya inaasahan na may titira sa condo niya.
   
     
He's just hoping that it won't be a disaster.
   
   
       
    ----
   
      
   
HAPON na ng matapos ang buong klase niya kaya ng makarating siya sa condo ay agad niyang tinungo ang refrigerator. Ngunit imbis na tumambad sa kanya ang prutas na binili noong nakaraan ay puro bottles of water nalang.
   
   
      
"Tss, I forgot to buy groceries."he whispered. Kumuha nalang siya ng isang bote ng tubig at nilantakan iyon ng inom.
   
       
Nabaling naman bigla ang kaniyang tingin sa harap ng pinto ng mag-bell ito.
      
   
"Maybe she's here."he said.
   
   
       
Dahan dahan niya iyon tinungo at agad na binuksan. Laking gulat nalang niya ng tatlong matandang babae ang humarap sa kanya. At tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
   
      
Naningkit naman ang kanyang mata dahil sa tatlo. "Ano pong maitutulong ko?"nagtataka niyang tanong.
   
     
Nagbulungan naman ang tatlo bago siya muling binalingan ng tingin. It was a furious look. Tila ba handa na siyang patayin sa sariling kwarto sa oras na manlaban siya.
   
      
"Ikaw ba si Mr. Akiro Walter?"tanong ni Mema na nasa gitna nilang tatlo.
   
   
    
Napatango naman si Akiro. "Opo."
      
   
Nagsitanguan muli ang tatlo bago inilabas ang tatlong maleta mula sa likod. May Apat na boxes rin silang ipinasok sa condo ni Akiro na mas lalong ikinataka niya. It supposed to be Lalin, not a three Witcher.
   
       
"Here's the bag of Young lady."Ani naman ni Mimi na hindi pa rin naalis ang masamang tingin sa binata.
   
       
Kampanteng nakangiti naman si Honey ng maisip na nasa magandang nilalang mapupunta ang alaga. "Mukha naman siyang malinis sa katawan, Mimi. Wag niyo na siyang tingnan ng ganyan."sambit ni Honey sa kabila.

BITTER SWEET EQUATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon