Chapter 30
"Are you sure na uuwi ka, Young lady?"nag-aalalang tanong ni Mimi sa alaga nitong si Lalin mula sa telepono.
Pakamot kamot naman ng ulo si Lalin dahil wala naman talaga siyang plano na umuwi. Kaso ayaw niya rin naman maiwan sa condo. Hindi rin naman siya makaka-overnight kina Gab at Zhy dahil nasa family vacation ang mga ito. Mukha rin namang hindi nagbibiro si Akiro na sa kalsada siya papatulugin nito.
Lalin heard her Yaya sighed.
"Kung yun ang gusto mo, Young Lady. Maghahanda na ba kami para sa noche buena?"
Bigla naman siyang napaisip. "Sige po. Atsaka gusto kong pauwiin lahat ng kasambahay ngayon para sa bahay nila sila magpasko."she even said
"Sigurado ka? Hindi mo naman siguro ipapatapon ang mga pagkain ulit diba."
Bigla naman niyang naalala ang mga nagdaang pasko na lagi siyang nagpapahanda ng marami pero hindi man lang nagagalaw sa lamesa. Ang mga pasko na lagi siyang naghihintay na baka tumupad sa pangako ang Ina na uuwi muna upang makasama siya.
"Wala naman sigurong masama kung tayo tayo lang naman ang kakain diba. Atsaka uuwi si Akiro ngayong pasko sa kanila kaya maiiwan ako. So, dyan nalang ako sa mansion kasama niyo. Pick me up in Sunday."she said
"Siguro, Ija. Mas makabubuting kina Akiro ka nalang magpasko. Masakit para sa amin na lagi kang malungkot kapag ganitong araw. Oo ngat nandito kami pero iba talaga kung magiging masaya ka."
Naluha naman ang dalaga dahil sa sinabi ni Mimi sa kanya. She's used to it. Eating alone. Sleeping alone and even waiting every Christmas. But she always hope that one day. Maybe just one day. Her Mom will see her worth.
Sometimes, napapagod rin naman siya sa sitwasyon niya. Ngunit alam niyang hindi magugustuhan ng kanyang Ama na mapalayo ang loob niya sa Ina. Alam niyang may lumot na sa pagitan nilang mag-ina pero hindi naman siya ang lumalayo. Pilit lang talaga siyang nilalayuan. At yun ang hindi niya maintindihan.
"No, it's okay, Mimi. Maybe I still expecting that Mom will come but the three of you show me that I don't need her. Sometimes I should atleast appreciate those people who stay with me."pilit niyang ngiti sa gitna ng sakit sa dibdib. "And Akiro has his own plans. Let's not bother him."
"Kung yun ang gusto mo. Gusto mo bang kami na ang maglagay ng star sa Christmas Tree?"tanong pa nito mula sa kabilang linya.
"Kayo na pong bahala. Basta po i-ready niyo nalang ang Christmas Dress ko."
"Sige. Susunduin ka nalang namin sa Sunday."
"Salamat, Mimi."aniya bago ibinaba ang telepono atsaka pabagsak na humiga ng kama.
Ipipikit na sana ng dalaga ang kanyang mata ng may kumatok mula sa kanyang kwarto. Hindi niya na kailangan sumagot dahil agad ng pumasok si Akiro sa kanyang kwarto. Ngayon niya lang ulit naalala na naiinis pa rin siya sa kwartong binigay sa kanya. Paano niya ba naalis yun sa isip niya.
"Can we talk."baritonong tanong ni Akiro sa kanya.
She hold her comforter and hide her face in her pillow. "Hmm?"ungol niya sa ilalim ng unan.
"I heard your going home."umpisa nito.
"Hindi ko alam na chismoso kana pala. Masama yan, Akiro."ngisi niyang tugon.
"While ago, I'm sorry."he said without hesitation. "I know that you have your conflicts with your Mom but I'm just hoping that you should atleast try opening up to her. Wala ako sa posisyon at wala rin akong alam pero hindi naman masama kung mag-oopen ka sa kanya."payo pa nito ngunit wala siyang narinig sa dalaga kaya minabuti niya na lamang na isara nalang ang kwarto nito at lumabas.
BINABASA MO ANG
BITTER SWEET EQUATION
RastgeleLalin Selene Leimberg was the heir of Leimberg Elite. But being Elite heir wasn't her dream. Instead, she wants to rebel to take her mother attention. Until her Mother made a decision she wouldn't expect. Her Mom rent a babysitter. Not just ordinary...