장-7

3 1 0
                                    

Chapter-7

Pagkagising. Nilukob ni Lalin ang kanyang sarili sa mainit at malambot na kama. Pinahid niya ang natitirang dumi mula sa kanyang mga mata at tumingin sa bintana kung saan nakita ang paggising ng araw. Tumingin ulit siya sa buong silid. At doon, napagtanto niya na nasa silid siya ni Akiro.

Saka nalang pumasok sa kanyang isipan ang plano niyang guluhin ang silid ng binata kanina. Hanggang ngayon, naiinis pa rin siya sa pagtrato nito sa kanya. Hinayaan niya itong matulog sa maids room? She can't get over with it.

Ngunit hindi katulad ng binata mayroon siyang konsensya at ayaw masira ang mga bagay. Kung tutuusin mas mahal pa ang mga damit niya kaysa sa mga gamit ng binata. Kung sakaling sisirain niya pa ang mga ito ay parang walang puso siyang babaeng nakikitira lang. Kaya't bumangon na lamang siya at naglakad papunta sa pintuan.

Bagamat bago tuluyang umalis, muli siyang tumingin sa paligid ng silid. At hindi niya napigilan ang pag-ingos. Gusto niyang matulog ulit s kwarto ng binata dahil para itong kwarto niya. Hindi gaanong kalaki pero kasing linis naman ito ng kanya.

Her heart pounded as the door closed. That should be her room, rather than cheap room. Annoying!

Dali-dali siyang naglakad papasok sa sala. Ngunit tumigil siya. Doon mismo nakita niya si Akiro. Natutulog na parang bata. Mapayapa at mala-anghel na natutulog.
She looked around before stepping closer to him.

Lalin looked closely at Akiro's face. Akiro's face was peaceful and angelic when sleeping. Lalin smiled as she remembered something.
"I hope that's how you behave when you wake up."she whispered, like she really wants Akiro to hear it..

"Ngunit..."napahinto siya sa pagsasalita. "Malabong mangyari yun dahil para siyang wizard, demonyo, o di kaya ay wolf kapag gising" she murmured once again.

"What did you just say?"Akiro asked when his eyes opened. Na siya namang kinatitigan ng dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Lalin, habang dahan-dahang iminumulat muli ni Akiro ang kanyang mga mata. Mabilis siyang umatras habang ang labi ay nakabukas. Sa maling pagkaatras niya ay napaupo nalang siya sa lapag.

Napasinghal si Akiro. "Ang kapal naman yata ng mukha mong siraan ako. Sa harap ko pa talaga?"daing niya.

"Ba-bakit, totoo naman ah!"nauutal na bigkas ni Lalin. "Sa kwarto ng katulong mo ako pinapatulog. Sigurado akong sinabihan kana nila Yaya na ayaw ko sa masikip. Ni ang madilim. Ano ang tawag sa iyo? Kakulangan ng budhi?"

Mahinahong ngumisi si Akiro, tulad ng sinabi niya. "If I don't have conscience then I should let you leave this condo. Or even kill you and just make you a hostage. Ano bang problema mo?"singhal ni Akiro ng makaupo siya mula sa pagkakahiga.

Nais ni Lalin na magbigay ng isang salita ngunit hindi niya ito masabi. Tama siguro ang binata. At lalo siyang nahiya dahil alam ni Akiro na natutulog siya sa kanyang silid. Kaya tumakbo na lang siya papunta sa kusina.

She dried her tears as it flows down her cheeks.

----

Lalin hit the table with the intensity of annoyance. He is now disgusted him and annoyed more, she couldn't defend herself. Because all along he is right.

'Why do I always lose when it comes to this. Why I always defeated by him.' She cursed inwardly.

Naramdaman ni Lalin na tumakbo ang lahat ng dugo niya sa ulo. Labis siyang nagalit sa binata.

Huminga siya ng malalim at naglakad papunta sa ref. Kumuha siya ng baso at saka binuksan ang ref. Kinuha niya ang pitsel na may malamig na tubig at ibinuhos sa basong hawak niya.

Ngunit halos mailuwa ni Lalin ang tubig sa kanyang bibig. Bigla niyang nakita ang alaga nitong si Leonardo sa ilalim ng lamesa. Nag-init pa lalo ang ulo niya.

Mula kahapon hanggang gabi ay di niya nakita ang alaga at kahit na hanapin niya ito ay hindi naman nagpapakita. Ngayon niya lang naramdaman na iwan at traydorin siya ng sariling alaga. Hindi lang yun. Kumampi pa ito sa lalaking kinaiinitan ng ulo niya.

"Nagpakita ka rin sa akin traydor ka"singhal niya sa alaga.

Ang natitirang tubig sa pitsel na hawak ay mabilis niyang itinapon sa alagang pusa. Ngunit nagkamali si Lalin. Hindi tinamaan ng malamig na tubig ang pusa. Dahil bago pa niya magawa iyon ay nakatalon na ang pusa pababa ng lamesa na siya namang biglang sumulpot sa harapan siAkiro nang hindi niya namamalayan.

The shocked on her face was all written. Her lips curved into O while her eyes got widden.

Basang basa ang binata mula sa mukha hanggang sa malapad na dibdib. Hindi naman maipinta ang gulay nito sa ginawa ni Lalin. Matalim na tinitigan ni Akiro si Lalin bilang pagsagot sa namumutawing gulat nito.

Halos mabingi siya sa lakas ng boses nito habang nagsasalita. "ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?"napipikon na sambit ni Akiro.
Kung kahapon ay nagpipigil lang siya ng inis at galit sa dalaga dahil sa ugali nitong raskal ay ngayon hindi na. Sumusubra na ito at wala na sa lugar. Kung iinisip ni Lalin na pwede niya iyong gawin dahil binabayaran lamang siya ng Ina nito. Nagkakamali ang dalaga.

She frowned. "I'm just teaching that cat a lesson!" She then pointed at her pet, Leonardo at the same time. Iwinagaway ni Leonardo ang kanyang mga buntot na tila sinusubukang tuksuhin siya. Naging maasim ang mukha niya sa alaga.

Tumawa si Akiro na para bang hindi makapaniwala. "Huh? Isip bata kaba? Kahit mga hayop pinapatulan mo?Wait, are you a animal trafficker?"
Nanlaki ang mata ni Lalin. "Anong sinasabi mong trafficker? Nakikita mo ba yang pusang yan. Mas malaki pa nga ang katawan niyan sa akin."agap niya.
"Pwede yun dahil sa ugali mo. Baka nga binubugbog mo ang alaga mo e'. Napaka-isip-bata mo, alam mo ba yan!"

"Bakit mo ba ako ginugulo!" Bumuntong hininga si Lalin. "Inaalagaan ko si Leonardo. That's why it's none of your business whatever I do to her. She's mine not yours."

"Ako ang binuhusan mo ng tubig!" Inis na sabi ni Akiro.

"E' sa bigla kang sumulpot. Kasalanan ko ba yun?"Lalin retorted.

Akiro tried to calm himself. "So, gumagawa ka pa ng palusot? Can't you just say sorry and admit that you did wrong?"he said
"Kasalanan mo nga kasi. Bakit ka ba kasi sumusulpot kung saan saan."Lalin exclaimed. "At hindi ako magsosorry. Ano ako tanga?"
Sa kanilang dalawa ay wala talaga magpapatalo.
"That wasn't my fault. It's you who did this, Leimberg. Ilang taon ka na nga ba? 18? Yet your acting a kid. What are you a spoiled brat who wants attention?"asik pang muli ni Akiro.

"Ano ang sinabi mo!"sinabi ni Lalin sa isang babalang tono. "Ako, spoiled brat seeking for attention? Wag mo akong subukan Walter."

"Or else what?" Akiro replied boldly without even showing any fear to her. "What? Tell me?"

Humakbang si Akiro, kaya't napaatras si Lalin sa gulat. Until he felt the cold cement on her waist. But when she intends to escape, Akiro immediately blocks her, using her well-toned arms.

Nabitag siya ng binata. At ang nakikita lang niya ay ang perpektong ehemplo ng adonis na nakatingin sa kanya.

Napalunok si Lalin. "Hindi kita uurungan! And I won't say sorry." Kung saan nakakuha siya ng lakas ng loob na sabihin ang salitang iyon ay hindi niya rin alam. Nagpapasalamat lang siya na hindi siya nauutal.
Pinagtawanan lang siya ni Akiro, habang sinasabi. "Talaga lang, huh! "

Dahil sa inis ay tinulak ng malakas ni Lalin ang binata at tumakbo papasok sa kanyang silid.

"Hindi pa tayo tapos."malakas niyang sigaw bago malakas na isinara ang pituan ng kwarto.

NaokoAlliv// Jadekiah

BITTER SWEET EQUATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon