Napabalingkwas ako ng bangon dahil sa pagkakagising mula sa bangungot. Napahilamos ako mukha ko at sinubukang pakalmahin ang sarili. Sobrang bilis kasi ng tibok ng puso ko at nangingig pa ako.
Naramdaman ko ang pagdila ni Dash sa mukha ko. I pat his head to tell hime I'm fine.
Napatingin ako sa mga kasama ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang ayos lang sila at mahimbing na natutulog.
Napagdesisyonan kong magpahangin muna kaya kumuha ako ng sweater sa bag ko at sinuot ito. Walang ingay kaming lumabas sa kwarto dahil halos lahat ng tao ay tulog pa sa mga oras na ito.
Pagkalabas ko, agad na lumapat sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Hinayaan ko si Dash na magliwaliw habang ako ay lumapit sa gilid ng barko at sumandal sa metal na harang.
Siguro naman hindi ako pagbabawalan sa ginagawa ko. Wala naman ako mapupuntahan maliban nalang kung tumalon ako.
Umupo ako at nilusot ang paa ko sa pagitan ng mga railings. Napatingin ako sa kamay ko.
Ang sabi nila ang tao ay binubuo ng kanyang kaluluwa at katawan. Ang dalawang bagay na ito ay nakadepende sa isa't isa at nagtutulungan. Ngunit paano kung gusto ng katawan mangibabaw. Gusto nitong siyang ang nasusunod. O baka naman ibang kaluluwa na ang kasama ng katawan.
Possible kayang mangyari iyon, na ang alam kong akin ay hindi na ako ang nasusunod?
"What are you doing here?"
"Anak ng-- Pres. ikaw pala," gulat na sabi ko. Ang tahimik kasi tapos biglang may magsasalita. He was carrying Dash in his baby form. My baby is really attached to him. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
Akala ko magbibigay siya ng malaking espasyo sa pagitan namin ngunit halos magbanggaan na ang braso namin sa sobrang lapit niya.
"Is there something bothering you?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at umiling.
"Napaaga lang ng gising," sagot ko.
"It's cold out here," bulong siya.
"Yeah," I breathed. He's right it's cold out here, but when he arrived. I felt warm and safe.
"Come here," he commanded. Nakakunot noo ko siyang tinignan. Ano daw?
Binaba niya si Dash sa tabi niya bago niya ako hinila palapit sa kanya na nagpalaki ng mata ko dahil sa pagkabigla. Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at pinsandal ang ulo ko sa dibdib niya.
Napangiti ako ng mapagtanto ang ginawa niya. He knows that something is bothering me, and this was his way of saying I'm here for you.
"Tsansing ka ha," biro ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa likod ko.
"Gusto mo rin naman," sabi niya.
"Isipin mo ang gusto mong isipin," sabi ko.
"Teka nga, ikaw ba't ka rin gising?" tanong ko.
"I was assigned to guard for tonight."Napatango ako sa sagot niya. Sabagay kahit nasa gitna kami ng dagat at malayo sa kabihasnan delikado parin. Mas malakas ang loob ng mga tao gumawa ng masamang bagay kung walang masyadong makakakita.
Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto hanggang basagin niya ito.
"Let's go," sabi niya bago tumayo. Nilahad niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo.
"Where?" tanong ko. Saan ba kaming pwedeng pumunta maliban sa barkong ito?
"You'll see," tipid niyang sagot. Mukhang wala naman siyang balak sagutin ang tanong ko kaya pinatong ko ang kamay ko sa palad niya.
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Fantasy"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...