Ilang linggo na ang lumipas simula ng dumating ako rito. Tinupad nga ng pinuno ang kanyang pangako niya na sasabihin niya ang mga gusto kong malaman at sobrang dami kong nalaman. Itinuro sa akin ang iba't ibang sekreto at kakayan ng mga dragon na maari kong makita. Hinasa pa nila ang kakayahan ko sa pagpapalipad ko ng dragon at sa pakikipaglaban. Binigyan pa nila ako ng librong naglalaman ng hindi maintindihang lengwahe. Wala bang pa google translate diyan?
Pinikit ko ang mata ko at dinama ang hanging dumaraan sa mukha ko. Kasalukuyan akong nakasakay sa likod ni Ash na payapang lumilipad sa taas ng mga ulap. Oo, magaling na si Ash nawala na ang mga sugat na natamo niya. Natangal narin ang lason sa katawan niya.
Binuka ko ang kamay ko at huminga ng malalim. Feeling ibon kasi ako ngayon.
Binaba na ang kamay ko ng mangalay, isa pa baka may makakita sa akin baka kung anong pang isipin. Inayos ko ang buhok ko na hanggang balikat nalang ngayon. Ang ibang hibla kasi ay napunta sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito pinagupit bigla nalang pumasok sa ulo.
Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung kailan ako babalik hindi pa kasi nakikita ang mga dragon hunters na umatake sa amin.
Napatigil ako sa pagiisip ng maramdaman kong may lumilipad sa ibaba ng mga ulap. Inikot ko ang aking mata at inabangan kung saan ito magpapakita.
Nakatingin ako sa likod ng magpakita ito sa harapan na dahilan ng saglit na pagkagulat namin. Ihahanda ko na sana ng sarili ko sa pakikipaglaban ng makilala ko ang dragon at mga sakay nito. Narinig ko rin ang pamilyar na sigaw ni Haliya.
Tumabi ang dragon na sinasakyan nila sa dragon kitang kita ko ang mahigpit na nakyakap Haliya kay Julius at nakapikit pa ng mata.
"Magandang umaga sayo Blythe, pero mas maganda ka parin sa umaga," nakangisi nitong sabi sa akin. Babatiin ko na sana siya pabalik ng malakas siyang hampasin ni Haliya.
"Nakakainis ka! Balak mo ba akong ihulog, muntik na akong atakihin sa puso!" patuloy lang nito pinapalo si Julius.
"Muntik lang hindi ka naman natuluyan, magpasalamat ka nalang," bwelta ni Julius na dahilan ng malalakas at sunod sunod na paghampas at pagkurot ni Haliya.
"Tutuluyan na talaga kita!" Sigaw ni Haliya bago sakalin si Julius.
"H-hali-ya, di ako makahinga," nahihirapan nitong sabi.
"Haliya tama na yan baka mahulog kayo," saway ko. Baka kasi mapano pa sila. Naalala ko tuloy si Nathan at Scar hindi ata lilipas ang araw na hindi nagaaway ang dalawang iyon. Kamusta na kaya sila?
" Oo nga pala ate Blythe, pinapatawag ka ni tatay," sabi ni Haliya nung tumigil na silang magbangayan.
Nakabalik na pala si tito Sam. Umalis kasi ito kahapon at madalas gabi na sila umuuwi pagumaalis. Agad kaming bumalik sa kanilang bayan. Sinundan ko ang dragon nina Haliya. Wala naman kasi akong ideya kung nasaan ang pinuno. Tumigil kasi sa nag-isang establisyamento sa taas ng isang burol na gawa sa bato. Marami ring mga armadong lalaki ang nakakalat sa paligid.
Nagpaalam na sina Haliya na muuna na sila. Hindi pa ako nakakasagot ng umalis na sila. Hindi ko tuloy natanong kung anong lugar ito. Piagmasdan ko ang establishemento sa harap ko. Nilulumot na ang mga pader nito at nakakatakot rin ang itsura nito. Parang yung mga abandonadong lugar mula sa sinaunang panahon. Pakiramdam ko tuloy nasa horror movie ako.
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Fantasy"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...