I'm sitting on my bed while touching my lips. The scene earlier were flashing on my mind over and over again. Every time I close my eyes I can still see it. I frustratedly pulled my hair and lightly slap my cheeks.
"Blythe it's just a kiss forget it, wala lang yun," pangungumbinsi kjo sa sarili ko, but who am I kidding. It was not just a kiss it was my first kiss urghh.
Sinuntok suntok ko ang unan. Bakit kasi walang delete button ang utak natin. Binaon ko ang mukha ko sa unan at sinubukang matulog.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero paggising ko alam kong kulang na kulang ang tulog ko.
Nakasubsob ang ulo ko sa mesa habang ang mga kasama ko ay masayang kumakain at nagkwekwentuhan. Buti nalang di nila ako kinukulit kailangan ko talaga kahit idlip lang.
Naglalakad kami papuntang auditorium. May seminar kami about mental health. Ang mga kasama lang muna ay mga kagrade level ko sunod sa amin yung ibang grade level. Sinakto pa kung kailan nababaliw na ako. Galing ng timing.
Muntik pa akong mabanga sa pader kung di ako hinila ni Scar.
"Ano bang nangyayari sayo lasing ka ba?" nakataas na kilay na tanong nito.
"Kulang lang sa tulog," paos na sagot ko. Hinilot ko ang sintido makaramdam ako ng kirot dito. Hindi na talaga ako magpupuyat at after class matutulog agad ako.
"Sino naman pinagpuyatan mo?" tanong niya ulit. Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko dahil naalala ko nanaman ang nangyari kahapon. Buti nalang talaga wala si Blake ngayong umaga.
Muntik na akong bumanga sa pader kung di lang maagap si Nathan na hinila ako.
"Saan pupunta, tol," natatawang sabi nito. " Lutang na lutang tayo ha."
Ngumuwi ako at nagpasalamat. Siguro dapat hindi niya nalang ako hinili dahil ang sarap ipukpok sa pader yung ulo. Inayos ko ang strap ng bag ko na dumausdos sa braso ko.
Maingay ang auditorium ng pumasok kami. Marami ring tumingin sa direksyon namin at nagbulungan. Ang iba pa aya humahagikgik at parang kinikiliti. Napayuko ako dahil sa atensyong nakukuha namin. Kailan ba ako masasanay.
"Dun tayo!" tinuro ni Liam. Walong bakanteng upuan. Apat sa harap at may apat sa likod nito. Lumapit kami sa pwesto nito at umupo. Nasa harap kaming mga babae at nasa likod ang mga lalaki. May isang bakanteng upuan sa tabi ko. Wala kasi Nicole SSG duties pati ata si Blake. Si kuya Ethan naman kasama yung ibang group of friends niya.
Napatingin lahat sa harap at tumahimik ng pumasok ang isa sa mga head. May mga paalala lang siyang sinabi at mga sermon. Napatingin ako sa tabi ko ng may umupo. Si Zane pala.
Narinig ko ang mahinang pangaasar at pagbati sa kanya ng mga lalaki sa likod. Dahil gumagawa sila ng ingay pinatahimik sila ni Scar. Medyo lumapit ako sa kanya at bumulong.
"Ngayon ka lang?" tanong ko habang nakatingin sa harap. Nakita ko sa gilid ng mata ang paglingon niya sa akin.
"Oo nasarapan ako ng tulog, wala naman sinabing mahalaga?" bulong niya pabalik. Umiling ako bilang sagot. "Goods."
"Teka nga paano ka nakapasok?"
"I have my ways," mayabang na sabi nito. Pasimpleng tumingin sa likod ko. Nakita ko yung babae sa tabi ng pinto. Isa siya sa mga officers ng school di ko lang alam kung ano position niya. Tumingin siya sa pwesto namin at pacute na kumaway. Tumingin ako kay Zane nakangiting kumaway pabalik.
Narninig ko ang pagsipol nila Nathan. Hindi ko napigilan pitikin ang noo niya.
"Mautak karin noh."
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Fantasía"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...