Chapter 24: Reconcile

31 0 0
                                    

Naka harap ako ngayon sa salamin habang inaayusan ako ni Haliya. Tapos na kasi siya magayos eh ako hindi ko alam gagawin. Ngayon lang naman ako nakapunta sa pagsasalo. Akala ko magbihis lang okay na.

Hindi ko alam na marunong pala siya magmake-up. Sabagay ba't naman kadi siya maglalagay ng kolerete sa mukha niya. Natural na siyang maganda. Grabe yung genes sana all.

"Alam mo ate, kinakabahan ako, ngayon lang kasi ako makakadalo ng ganito kagarbong kasiyahan tapos kadalsan sito ingles ang ginagamit," sabi niya habang sinusuklay ang buhok. Nakaharap ako sa salamin kaya kitang kita ko ang ginagawa niya.

"Sasamahan naman kita, huwag kang magalala," binigyan ko siya ngiti sa ginantihan niya rin.

Nilagyan niya lang ng style ang buhok tapos sinuot na namin ang nakahandang damit namin. Wala akong alam sa fashion kaya ito lang masasabi ko. Maganda siya at hindi ko mababayaran ito. Feeling ko nga natalbugan ko na yung nagpaparty. Huwag naman sana.

Pagkatapos ko magbihis hindi ko maiwasang ayus-ayusin ang suot ko. Kung hindi pa hinawakan ni Haliya kamay ko hindi ako titigil.

Napatingin ako kay Haliya ng hawakan niya ang kamay ko.

"Bago tayo lumabas, may ibibigay ako sayo," may nilagay siyang gold coin sa kamay ko.

"Baka hindi ko na mabigay mamaya,"

"Haliya hindi ko ito matatanggap," sabi ko. Kagaya nga ng sabi ko marami na silang nabigay sa akin kahit isang gild coin pa yan hindi ko ito matanggap.

"Hindi ito isang ordinaryong barya, pitikin mo ito pataas kung kailangan mo ng tulong, asahan mong darating kami, nasa panig mo kami," makahulugang sabi niya. Nagtataka man ako pero kailangan na talaga naming umalis.

Paglabas namin sumalubong sa amin ang ama ni Haliya na nakasuot ng tuxedo. Kahit balot ang katawan niya di parin nito natatago ang kakisigan niya.

"Ang gaganda naman ng mga kapareha ko, nagmukha tuloy akong alalay," biro ni tito sam. I doubt that makikita parin ang kakisigan niya kahit may kantandaan na siya. Halata ang pagiging maharlika niya kahit ano pa ang suot niya.

"Syemepre halika ka na magiting kong alalay," pagsakay ni Haliya sa tatay niya at kinawit ang braso niya kay tito. Inoffer ni tito ang isang braso niya para sa akin bago kami naglakad papuntang venue.

Nakakahiya nga dahil hindi nga ako sanay lagi akong natatapilok at natatalisod dahil naapakan ko yung laylayan ng suot ko. Buti nalang nakakapit ako kay tito kung hindi subsub talaga ako.

Nakarating kami sa labas ng hotel kung saan kami nagpalipas ng gabi sumalubong sa amin ang isang magarang kotse. Inalalayan kami ni tito pumasok sa kotse.

Buong byahe nakatingin lang ako sa labas. Nakapagikot naman kami ng saglit kahapon. Hindi naminkabisado ang lugar kaya sa malapit lang kami nakapagikot. Si tito sam ay may inasikaso kaya hind namin siya kasama.

Huminto ang sinasakyan namin sa harap ng isang bahay ay mali mansion pala. Marami media ang nasa pinto. Marami kasing mga bigating tao ngayong gabi kaya asahan na natin ito. Nang makita kaming huminto ay puro flash ng camera ang nakita ko. Umiwas ako ng tingin dahil feeling ko mabubulag ako.

May nagbukas ng pinto sa gilid ko at inalalayan ako lumabas. Mas bumilis ang flash ng camera at lumakas ang boses ng mga tao. Hinintay ko munang lumabas sina tito bago pumasok. May mga barikada sa gilid ng dadaanan namin ngunit hindi ito magiging dahilan ng pagpigil sa mga reporter. May nagbigay ng ilang katanungan kay tito na sinagot niya naman.

"Miss! Are you Quinn Blythe Vazques?" Napatingin ako gilid ko ng may magtanong na reporter. Tinutok pa nito ang mic sa akin. Tango lang ang sagot ko.

Starflight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon