Chapter 38: Duel

13 0 0
                                    

Warning: Errors Ahead

Enjoy ebribode !! :))

Nicole POV

Kahapon pa ako hindi mapakali dahil sa mga nangyayari. Wala kaming balita sa loob ng palasyo kaya wala kaming alam kung ano nangyayari sa kanila. Ginamit na namin lahat ng connection namin para mapalabas sila ngunit mas makapangyarihan ang prinsipe nila dito.

"Wala na ba talagang ibang paraan kuya?" tanong ko kay Kuya Ethan na tinutulungan si Blake maghanda para sa duelo nila mamaya. "Narinig kong magaling makipaglaban ang prinsipe at wala pang nakakatalo sa kanya. Hindi sa wala akong tiwala kay Blake pero kailangan ba talagang idaan sa dahas?"

"Hindi sila madala sa usapan, edi idadaan natin sa dahas. Naniniwala akong ngayon niya matitikman ang una niyang pagkatalo," sagot ni Kuya Ethan. Malimit ko lang makita si kuya Ethan na ganito ang itsura. Napakaseryos at may nakakatakot na awra. And our badass president becomes more terrifying and deadly. Nakakatakot siyang lapitan at tignan.

Napatingin ako kay Nathan na nakaupo sa gilid at malalim ang iniisip. Simula ng mawala sila Blythe madalas ay tahimik siya at nakatulala. Gone the playful Nathan. Sa tabi niya ay si Zane na nakasandal sa pader na nagmamasid. Siya ang naging katulong ni Blake sa pagtratraining maliban kay kuya Ethan.

"Hey." I felt Liam's arms enveloped my body. He also kissed the side of my head the makes me relaxed. "You okay?" he asked.

I shook my head and rest it on his chest.

"I'm worried, sa tingin mo ayos lang kaya sila?"

"Sila pa wala ka bang tiwala sa kanila? Saka kayang kayang pabagsakin ni Blake ang gag*ng yun! Mapapalaya natin sila," saad ni Liam. Tipid akong ngumiti at mas siniksik pa ang sarili.

Napatingin kami sa pinto ng makarinig kami ng katok. They're here.

Binuksan ni kuya Ethan ang pinto at bumungad sa amin ang lalaking nakasuot ng unipormeng suot ng mga alagad ng maharlika.

Lumapit si Tita Vanessa sa pinto at kinausap ang lalaki. Alam kong sobrang alalang-ala na siya kina Scar pero hindi siya nagpakita ng kahinaan sa amin. Nanatili siyang kalmado at agad na umiisip ng paraan.

Nais niya mang hindi idaan sa dahas ang pagpapalaya sa kanila ngunit ang prinispe ng kahariaang ito ay napakamapagmataas. Nakakainis na saan na ba ang hari? Hindi niya bantayan itong anak niyang may sira sa ulo.

Tumayo na kami ni Liam at sumunod kina Tita Vanessa. Sumakay na kami sa mga sasakayang nakaparada sa harap ng building na tinutuluyan namin. Nakuha namin ang atensyon ng mga tao sa paligid. Marahil ay nagtataka kung bakit may mga taga palasyo ang dumayo rito.

Iilan lang naman ang nakakaalam na kami ang humamon sa prinsipe. Kalat sa buong kaharian ang duelong mangyayari. Maraming dadayo sa arena ng palasyo dahil doon mangyayari ang pagtutuos.

Mabilis kaming nakarating sa palasyo. Hindi ko maiwasang humanga sa ganda at kung gaano kalawak ito. Maslalo pa ako napanganga ng makita ang loob ng arena. Paniguradong sobrang daming tao dito mamaya.

Napatingin ako kay Liam ng hawakan niya ang kamay ko at halikan ito. Hindi ko maiwasang isipin ang mga hinawakan ko kanina.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa kwartong nilaan para kay Blake. Nakita ko si kuya Ethan na seryosong tinitignan ang bawat sulok ng kwarto. Kailangan namin magingat mas lalo na at nasa panig ng prinsepe lahat ng nandito.

Bali balita pa namang masyadong masyadong tuso ang maharlikang iyon. Sana matapos na agad ito. Makuha na namin sila at makauwi na.

Blythe's P.O.V.

Starflight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon