Eto nanaman po tayo, isa na nanamang ordinaryong araw ni minsan ba naisip niyo na rin ba na nakakasawa nalang yung mga bagay na paulit ulit na ginagawa, napapatanong kanalang wala bang bago?
Napabuntong hininga nalanga ako. Nasa kusina Ako ngayon at naghahanda ng pagkain para namin, pero di ako sumasabay sa kanila basta ang trato nila sa akin katulong. Ayos lang malaki ang utang na loob ko sa kanila.
"Blythe ihanda mo na ang mga pagkain" Sabi ni tita.
"Opo eto na po" hayyy isa nanamang busing araw pero mas busy ngayon dahil titira na dito ang bagong asawa ni tita. Hinawakan ko Yung kwintas na binigay ng magulang ko." Kaya ko Ito para sa inyo" bulong ko. It's color white at eto lang natira kong ala ala mula sa kanila. No picture or anything.
Kinuha ko na ang mga nilutobko at hinain sa harapan nila . "Ito na po" sabi ko.
"You lazy witch why so tagal" reklamo ng dalawa kong pinsan pinsanan .Napailing na lang ako sa kanila kahit kailan talaga. Pumunta ulit ako sa kusina kusina at hinintay sila matapos kung may matira man yun ang kakainin ko.
By the way Ako si Quinn Blythe Vazques nakatira ako sa bahay ng Tito ko dahil namatay ang mga magulang ko Sabi nila they died becuase of a fire incident yun lang ang alam ko sa kanila. Minsan nga natatanong ko sa sarili Kung anong pakiramdam ng may magulang na nagmamahal sa akin. Bakit nabuhay pa ako kung wala naman sila?
"Hey witch we're done eating" sabi si Aila isa sa mga pinsan ko.
"Sige nandyan na" pumunta na ako doon at nagligpit. Sila naman ay umakyat at naghanda na. Niligpit ko na ang pinagkainan nila at kinain na ang tira nila.
Maya maya lang habang naghihigas ako narinig ko na ang mga yabag nila pababa. Pormadong purmado silang lahat at handa ng umalis. Bago sila umalis binilin ni tita lahat ng dapat kong gawin. Tanging tango lang ang naging mga sagot ko. Pagkaalis nila bumalik narin ako sa ginagawa ko.
~~~~~~~~~~~
Tapos na ang mga dapat kong gawin. Kasalukuyan kong hinihintay ang pagdating nila.Nakaupo ako sa kama ko ng marinig ko yung sasakayan ni tita. Lumabas kaagad sa kwarto para salubungin sila.
Pinagbuksan ko sila ng pinto at mabilis na pumasok ang dalawa kong maiingay na pinsan, nabanga pa nga ako ng isa sa kanila kaya medyo napaatras.
Kasunod nila si tita halos mapunit na ang labi sa sobrang laki ng ngiti habang nakakapit sa isang lalaki. Ang bagong parte ng pamilya nila.
"Blythe get his things and bring it to our room" utos ni tita alam ko naman eh na yan ang sasabihin mo yan eh.
"Sige po"nakita kong nakatingin si tito sakin, nginitian ko nalang siya. Lumapit ako at kukunin na sana yung bagahe niya pero nilayo niya ng bahagya. "Ako ng bahala sa bagahe ko mabigat kasi." Aniya
"Ibigay mo na sa kanya kaya niya yan" singit ni tita.
"Ahh opo kaya ko na po" sangayon ko. Kukunin ko naulit ng nilayo niya ulit.
"Mommy, I'm gutom na" sigaw ng isa kong pinsan.
"Ayun pala maghain nalang muna ako na bahala sa bagahe ko." Tumingin siya kay tita na nasa tabi niya. "Nasaan ba ang kwarto natin?" Malabing na tanong nito. Pinalo ng pabiro ni tita si tito at marahan na hinila pataas.
Dumeretso nalang ako sa kusina at hinanda ang pananghalian nila. Habang nilalagay ko ang ulam nila, pumasok na sa kusina ang magkasintahan.
Pagkatapos ko ihanda ang pagkain nila. Aalis na sana ako at tatambay na sa kusina ng magsalita si Tito. "Iha hindi ka ba sasabay sa amin?"
"Ahh hindi po hintayin ko nalang po kayo matapos" magalang kong saad.
"Sige na sumabay ka na sa amin" sabi ni tito at umupo sa tabi ni tita. Napatingin ako kay tita na pinalakihan ako ng mata at sumenyas na sumunod nalang. Dali dali akong kumuha ng pinggan at kubyertos at umupo sa tabi ng pinsan ko pero binigyan ko ng distansya. Para kasing diring diri sila sa akin. Sa kauna unahang pagkakataon nakasama ko sila sa hapag.
Nagkanya kanya silang kuha ng pagkain at usapan hinitay ko silang makakuha ng lahat bago ako unti lang kinuha ko nakakahiya kasi.
Nagsimula na ako magligpit ng kinainan nila. Nandoon parin sila dahil magdedessert pa sila.
"Bukas pala huwag niyong kalimutan may pupuntahan tayo" sabi ni tito.
"I'm so excited"
"Yah me too" at sabay silang tumili na parang kinikiliti.
"Iha kasama ka ha" napatigil ako sa pagkuha sa mga plato.
"A-ako po?" Utal kong tanong. Baka mamaya ginugood time lang ako neto.
"Hon marami kasi siyang gagawin wag nalang kaya" malambing na sabi ni tita.
"Sweetheart pwede namn siguro ipagbukas yun pagbigyan mo na " pagkukumbinsi ni tito. Tumahimik si tita at parang nagiisip isip pero maya maya rin ay tumango. Di ko napigilan ang ngiti ko. Yes makakalabas narin ako.
"It's settle then" tumayo na silang lahat at pumuntang sala. Pinagpatuloy ko na abg paglilinis.
Natapos ang araw na yun ng hindi natatangal ang ngiti sa aking mga labi.
To be continue...
Hope you like this story ^_^
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Fantasía"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...