Chapter 41: Suicide stunt

5 0 0
                                    

Mabagal at wala sa sarili akong naglalakad papuntang silid-aklatan ng aking paaralan. Ingay lang ng kuliglig at mga yapak ko at ni Dash ang maririnig sa paligid.

Nakakapagod, dapat pala nanatili nalang ako sa kwarto ko at nagpahinga pagkatapos ko magmeryenda. Nakakapagod rin pala yung uupo ka tapos makikinig. Susubukan mo pang intindihin ang mga sinasabi nila tapos nagaral pa ako after class. Hindi na nga ako nakakain ng hapunan dahil nakaidlip ako.

Bakit ba kasi ako pupunta roon? Pwede naman akong tumangi at magpahinga nalang. Bukas ko nalang ulit problemahin ang mga nagpapagulo sa akin. Kung ganun lang kadali iyon.

Sa kakaisip ng kung ano-ano di ko na namalayan na nakarating na ako sa harap ng library. Kung hindi pa niya hinawakan ang braso ko at tinawag ang pangalan direditetso lang ako.

"Hmm?" wala sa sariling tanong ko. Busy kasi yung utak ko sa pagappreciate ng nilalang sa harap ko na buhat ang alaga ko este ano kakaisip pala ng ibang bagay kaya di ko siya naintindihan.

Nakita ko ang pagngisi siya at marahan niyang pagiling dahil sa kasabogan ko. "I said where are you going? The library is here," ulit niya at tinuro ang pinto ng library.

Tumingin ako sa pinto ng library at saglit na napatitig bago mapagtanto ang mga sinabi ni Blake.

"Ohh," Naalog na talaga yung utak ko nakakahiya.

"I didn't saw you at dinner, have you eaten?" tanong niya sa akin at binaba si Dash na agad tumabi sa mga paa ko.

"Nope," umiiling na sagot ko.

"Let's get you something to eat then," saad niya at tinangay ako papuntang great hall. Pagkarating namin doon ay agad naming tinungo ang isa sa mga lamesa roon. Wala ng masyadong tao dito marahil ay nagpapahinga na sila sa sari-sarili nilang mga kwarto.

"Here," nilapag niya ang platong may pagkain sa harap ko. May kinuha rin siya para kay Dash na agad niyang pinapak pagkalapag na pagkalapag ni Blake ng pakain sa harap niya.

Kahit gaano pa kasarap ang hinihain niya sa harap ko, wala talaga akong naramdaman na gutom. Naparami rin kasi yung mineryenda ko kaya siguro wala akong gana.

"Eat kahit unti lang," saad niya muli. Napabusangot ako, sayang naman ito kung hindi ko kakainin. Marami pa namang mga tao ngayon na walang makain tapos ako tatangi pa sa grasya. Naalala ko tuloy ang kalagayan ko dati.

Noon ay madalas ang kainin ko ay mga tira nila tita minsan wala pa nga eh. Grabe ang laki pala talaga ng pinagbago ng buhay ko.

Kinuha ko ang kutsara't tinidor at sinimulan ng kumain. Bawat pagsubo at paglunok na ginagawa ko ay napakahirap hindi lang dahil busog pa ako kundi dahil sa mga mabibigat niyang titig sa akin.

"Pwede huwag mo akong titigan ng ganyan," nakangiwing usal ko. Pero imbes na makinig siya humalubaba pa siya at tumitig sa akin.

"Just eat don't mind me."

Binaba ko ang hawak kong kutsara't tinidor at tinuon ang pansin sa kanya. "Naranasan mo na bang titigan habang kumakain? Di ba nakakailang."

"Yeah, every time, but I got used to it,"

"Good for you well I'm not so please," pakiusap ko. Nagtitigan pa muna kami ng ilang minuto bago siya sumunod sa akin. Nilaro niya nalang si Dash habang hinihintay ako.

Agad kong inubos ang akin kinainakain at inabot ang inumin kasama ng mga ito.

Nagalalakad na kami ulit papuntang library ng may lugar na bigla ko nalang naisip na gusto kong puntahan.

"Blake," tawag ko sa kaniya na nagpatigil sa kanya sa paglalakad. Tumingin siya sa akin at hinintay ang sasabihin ko.

"Can we go somewhere else?" Tumango siya bilang sagot at hinayaan akong ituro ang daan.

Starflight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon