Chapter 7: Celebration

77 4 3
                                    


"Bagay sayo yan try mo pa ito" inabot sa akin ni Lexi yung damit napili niya para sa akin. Papasok sana ako sa fitting room ng pigilan ako ni Maddie.

"Wait, eto pa" pinatong niya ito sa iba pang damit na pinapatry nila sa akin. Pumasok ako sa fitting room, sinukat ko yung unang binigay sa akin at lumabas. Nakita ko silang nakaupo sa upuan sa harap nung fitting room .


"Ay! Perfect try mo pa yung iba." Pumapalak pak na sabi ni Lexi.

"Blythy, Smile!" hawak ni Maddie yung phone ko na kanaina pa pinupuni ang storage ko. Nag smile naman ako. Sinukat ko pa yung iba at pinakita sa kanila.


Finally!! Natapos rin yung shopping marathon na yun. Ngayon at naglibot libot kami hanggang makarating ka sa part na may rides.


"I wan't to ride that thing" Lexi exclaim. Tinignan namin yung tinuro niya, alam niyo yung feeling na tinitignan mo palang nahihilo at nasusuka kana.


"Uhmmm is that even safe?" I asked with the hint of hesitation. Hindi pa ako nakakasakay ng mga ganyan mamamaya mahimatay pa ako. Jusko gusto ko pa mabuhay.



"Oo tara na please ngayon lang" pamimilit ni Lexi ng may kasamang pagpapacute.



"Uhm ganito nalang sakay kayong dalawa bantayan ko nalang itong mga gamit natin" I suggested to them.



"Nge! birthday mo tapos magiging tagabantay ka lang. Blythe loosen up and have some fun!" Maligalig na sabi ni Lexi ng may kasama pang pagtaas ng kamay.



"May baggage counter naman dun" sabi ni Maddie.


"Sige na nga" sangayon ko. Nilagay namin sa baggave counter yung mga pinamili namin at pumunta na kami sa isa sa mga ride. Mahaba ang pila, pero mabilis na naubos ang tao sa harapan namin or feeling ko lang yun. Ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko.


"Bawal umatras Blythe 'wag kang KJ" sabi ni Maddie. Halata siguro na mukha ko na ayaw ko.

Ito na guys nakaupo na ako sa barkong lumilipad. Kaya mo 'to girl woahhhh. Napahawak ako ng mahipit sa railings. Naramdaman ko marahang paggalaw nito at maya maya lang ay tumimdi na.

Puro sigaw lang ang maririnig sa paligid. Grabe parang inalog buong katauhan ko at parang naiiwan yung kaluluwa ko kung saan. Feeling ko rin bumaliktad yubg sikmura ko.

Pagbaba namin para akonh lasing pagewang gewang kung hindi lang ako inalalayan nung iba natumba na ako.

"Dito, dito" pinaupo nila ako sa isang bench "Sorry Blythe dapat pala Carousel muna" sabi ni Lexi.


"Bibili muna ako ng tubig, Lexi kunin mo na yung gamit natin I think that's enough fun for today" rinig kong sabi ni Maddie na sinangayunan ni Lexi. Nagpaalam sila sa akin at tanging tango lang ang sagot.

Habang kinakalma ko ang sarili ko may nagabot sa akin na tubig. "Salamat" kinuha ko yung tubig at ininom.


"Blythe eto na yung- saan galing yan" inangat ko ang aking tingin. Nakita ko si Maddie na may hawak na tubig. Tinignan ko ang hawak kong tubig at binalik muli ang tingin kay Maddie.

"Akala ko......"

"I'm back people, Lets go!" Sigaw ni Lexi tumayo ako at tinulungan siya sa pagbuhat.

"Di mo nakita kung sino nagbigay" tanong ni Maddie habang naglalakad kami. Umiling ako .

"Sino naman kaya yun, baka secret admirer mo" hinuha ni Lexi. Nasabi na namin may Lexi yung nangyari.

Starflight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon