Chapter 36: Ring

14 0 0
                                    

Naistorbo ang pahtulog ko ng makarinig ng langit-ngit ng bakal. Binuksan ko ang aking mata at umayos sa pagkakasandal sa pader.

Napadaing ako ng maramdaman ang pananakit ng katawan ko at pamamanhid ng hita.

Umayos rin ng upo si Lexi at Scar na naalimpungatan. Hindi pa nagproproseso sa amin ang nangyayari ng bigla nila hawakan ang mga braso nanim at hinala patayo.

"Saan niyo kami dadalhin?" tanong ni Scar ngunit walang sumagot sa kaniya. Tikom ang aking bibig habang tinatahak namin ang daan palabas.

Napapikit ako ng sumalubong ang liwanag mula sa labas. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at maya't maya nakita ko nalang ang sarili ko na nasa loob na ng kotse.

Sumilip ako sa bintana sa gilod ko at napansin kong papalapit kami sa palasyo. Tumigil ang kotse sa harap ng malaking pito at pinalabas na kami.

Binukasan ang pinto para sa amin at bumungad sa amin ang mahabang hallway. Kapansin pansin ang mga disenyo sa mga haligi sa gilid, mga mamahaling lugar at naglalakihang litratong nakapaskil sa pader.

Nagpatuloy ang aming paglalakad at halos nakalimutan ko na ang mga nilikuan at pinasukan namin.

Ilang minuto ang lumipas at narating namin ang napakagandang hardin. Naglakad kami sa batong daan hanggang marating namin ang gazebong may man made pond sa ibaba.

Pagkaapak namin sa gazebo nakita ko ang isang taong nakahiga sa magarang upuan na may nakapatong ang nakabukas na libro sa kanyang mukha. Paniguradong siya ang prinsipe ng lugar na ito.

Pinahinto kami ilang metro mula sa kanya. Pumunta ang isa mga kawal na kasama namin at yumuko upang magbigay galang.

"Kamahalan, narito na po ang bilango."

Inangat ng lalaki ang kanyang kamay at bahagyang inalis ang libro para masilip kami. Nanlaki ang mata ko ng magsalubong ang mata namin. Tuluyan na niyang inalis ang libro at umupo ng na naka dekwatro.

"Alam niyo na gagawin niyo," sabi niya gamit ang malalim na boses niya na nagpayo ng buhok sa batok ko.

Nabaling ang atensyon ko kina ng Scar at Lexi ng hilahin sila paalis. Pinigilan ako ng dalawang bantay ng subukan kong sundan sila. Tumingin muli ako sa lalaking prenteng nakaupo habang nakamasid sa amin.

"Saan mo sila dadalhin?" tanong ko sa kanya. Hindi niya pinansin ang tanong ko at inabot lang ang kopita sa ibabaw ng mesa. Hinalo-halo niya muna ito bago inumin. Akala ko wala na akong aasahang sagot mula sa kanya pero pagkatapos niyang lumunok tumingin siya ng diretso sa mata ko.

"Sa bago nilang kulungan,"

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Bago nilang kulungan? Anong ibig mong sabihin? "

Binaba niya kopitang hawak niya, tumayo at naglakad siya palapit sa akin. Naging alerto ng dalawang tauhan niya sa king gilid ng makitang patingo sa amin ang lalaking hanggang ngayon di ko alam ang pangalan.

"Ano sa tingin mo?" balik niya tanong sa akin.

"Mawalang galang na po, ngunit hindi po namin ginawa ang binibintang niyo sa amin. Hindi namin nais na gumawa ng kaguluhan ginoo," magalang na sabi ko. Gusto kong palakpakan ang aking sarili kahit na sobra ang nararamdaman kong kaba nasabi ko 'yon ng hindi nauutal.

"Ah! Nakalimutan kong magpakilala, Prinsepe Esteban, ang susunod sa trono ng kaharian ng Terhondiya," bahagya pa siyang yumuko. 

"Kamahalan, hindi kami ang may sala mas mabuting palayain niyo nalang kami. Ayaw namin ng gulo," tuwirang sabi ko sa kanya. Kailangan na naming umalis dito, kung tatagal pa kami rito paniguradong magkakaroon ng kaguluhan. 

Starflight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon