Sa aming paglipad palayo sa palasyong nagbigay sa akin ng mga bangungot ay tila isa akong ibong nakalaya mula sa rehas. Medyo nawala ang bigat na nakadagan sa aking dibdib at nakakahinga narin ng maluwag.Nakakatuwa rin dahil nakalaya narin ang mga nilalang na kinulong ng prinsipe. Makakabalik na sila sa kani-kanilang pamilya. Akala ko'y babalik narin sa isla ng mga dragon ang reyna nila ngunit nanatili siyang nakasunod sa amin.
Napatingin akong kay Blake na madali ko lang nagawa dahil patagilid akong nakaupo. Nakalagay ang kanyang braso sa akin harapan at likod upang di ako mahulog.
Napansin ko ang pagigting ng kanyang panga at mahigpit na paghawak niya sa tali na tila pinipigilan ang galit na kanyang nararamdaman.
Nagkusang humawak ang aking kamay sa kanyang pisngi na ikinagulat ko at kinagulat niya rin. Lumunok muna ako bago magsalita. Para kasing may humarang sa lalamunan ko.
"Ayos ka lang?" tanong ko.
"Yes," binalik niya sa daan ang kanyang paningin, "but I should be the one asking that. You almost got yourself chained to that f*cking prince," inis na sabi niya.
"As if hahayaan kong mangyari yun pagkatapos niyang hindi sumunod sa usapan," inis na saad ko. Nang bumaling ako kay Blake pansin ko ang ngisi sa kanyang labi.
"I agree my Queen. You are only reserve to one king in this world," he said proudly. Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng maramdaman ang pamumula ng pisngi ko. Nag-aassume lang ba ako o sarili niya ang tinutukoy niya?
Sa kakaisip di ko na namalayan na nakarating na kami sa hotel. Bumaba muna siya bago ako alalayang bumaba.
"Stay here, alam kong mahirap gumalaw sa kasuotan mo," saad niya. Suot ko pa rin kasi ang magarang damit at paniguradong magiging sagabal ito kapag nakisiksik pa ako. Matatagalan pa kung magpapalit ako kaya napagdesiyunan kong ganito nalang ako.
Gusto kasi nilang makaalis na agad bago pa makaisip ang prinsipe ng bagong plano na hahadlang sa aming pagalis.
Hinayaan ko na siyang kumuha ng gamit ko at nagpasalamat. Nagmamadali narin ang ibang estudyante na pumasok sa hotel para kunin nila ang kanilang gamit.
Pagkababa ko palang kay Dash na buhat buhat ko may sumigaw na agad ng pangalan ko.
"Blythe!" napalingon ako sa dalawang babaeng sumigaw. Agad ko silang makilala ng makita ko sila. Sina Lexi at Scarlette. Niyakap nila ako ng mahigpit.
"Nice to see you too," natatawang sabi ko. Bumitaw silang dalawa kaya napagmasdan ko sila. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang kagalos-galos ang kanilang katawan.
Naguusap kami ng maramdaman ko may nilalang sa likod ko. Pansin kong medyo natulala ang dalawa habang nakatingin sa likod. Tumingin ako sa likod ko at bumungad sa akin ang reyna ng mga dragon.
Nang makita ko palang ang kanyang mata alam ko na nais niya akong makausap. Hindi ko napansin na wala na pala ang dalawa sa likod ko. Magpapaalam palang kasi ako, wala na sila.
"Hindi po ba kayo babalik sa Edjderha?" nagtatakang tanong ko.
Umiling siya bilang sagot. "Nais kong paglingkuran ka sa aking makakaya, kapalit nito ang iyong pagtulong upang makalaya kami," sagot niya.
"Ngunit paano ang iyong pagiging alpha?"
"Nabalitaan kong nakilala mo na ang mga dragong kasalukuyang humahalili sa aking pwesto." napalunok ako ng maalala ang mga nangyari sa isla. Tandang- tanda ko na muntik pa akong tustasin dahil sa krystal na sa tingin nila ay aking ninakaw.
"Ipagkakatiwala ko nalang sa kanila ang pwesto ko. I'll return to the island once I make sure you're home safely," pagpapatuloy ng reyna. Napatango naman ako bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Fantasy"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...