Binagtas ko ang daan patungo sa nagsilbing kulungan ng aking pinsan at kapatid. Nagdadalawang isip ako kung ipapaalam ko sa kanila na magpapakasal. Ayoko naman kasi silang bigalain at isa pa hindi ko alam kung paano ko sasabihin.
Hindi ko naman pwede na sabihin na 'surprise magpapakasal ako' o di kaya 'guess what magpapakasal na ako' either way magugulat at magugulat sila at hahanap sila ng dahilan.
Kapag sinabi ko naman makokonsesya sila. Napapikit ako dahil sa frustration na nararamdaman ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Bahala na kung saan ako dalhin ng tadhana.
Pinaupo nila ako sa isang upuang gawa sa bato na nakalagay sa lamesang gawa rin sa bato sa loob ng kulungan habang hinihintay sila. Nakarinig ako ng paglangit-ngit ng bakal at maya maya rin ay nakita ko na sila.
Bumakas ang tuwa ng makita nila ako at agad na tumkbo't yumakap sa akin.
"Blythe! Thank god you safe," sabi ni Scar habang mahigpit akong yinakap. Nang humiwalay siya si Lexi naman ang yumakap sa akin.
"Kamusta kayo? inakain na ba nila kayo?" tanong ko sa kanila.
"Yup, but it's disgusting, but I guess it's better than letting us starve," saad ni Scar. Umupo kami sa batong upuan at pinagpatiloy ang pagkwekwentuhan.
"Ang dami atang nakabantay sayo," usisa ni Lexi.
"It's nothing by the way you'll be leaving this place tomorrow." Nakita ang galak sa mukha nila ng sabihin ko yun.
"Wait," bigla nalang napatigil si Scar at tuminingin sa direksyon ko. "Kami lang? Paano ikaw?"
"I'll stay here for a while, pero huwag kayong magalala susunod ako," pagsisinungaling ko.
"At bakit naman?" tanong niya.
"May paguusapan lang kami ng prinsipe."
"Hintayin ka nalang namin."
"What no!" nagulat sila sa biglang pagtaas ng boses ko. Tumikhim muna ako bago magsalita muli. "I mean you don't have to."
"It won't take too long right?" tanong sa akin ni Scar.
"I hope so," sabi ko.
"Basta kapag natapos ang gagawin mo para sa lalaking 'yon sumunod ka agad," sabi ni Scar.
"Opo," sagot ko.
"Binibini, paumanhin ngunit pinapabalik ka na ng kamahalan," singit ng isa sa mga tagabantay. Binalik ko ang atensyon kina Scar na may malungkot na ekspresyon sa mukha nila. Ngumiti ako sa kanila at lumapit para yakapin sila.
"Good bye," I whispered to them.
"Bye, bye stay safe," bilin nila sa akin.
Tumango ako at linisan na ang bulwagan. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dala ng kalungkutang nadarama ko. Ito na kasi ang huling bese na mayayakap ko sila dahil sa susunod na pagkakataon, nakatanaw nalamang ako sa kanila.
Nang kami ay nakabalik sa palasyo akala ko ay ibaibalik nila ako sa tore ngunit dinala nila ako sa isa sa mga magagarang kwarto nila.
Mataas ang ceiling nito sapat para lagyan ng maliit na chandelier sa gitna. May isang double door sa gilid maliban sa pintong pinasukan ko. May malaking higaan na mukhang masarap tulugan. May vanity table malapit sa higaan. May bookshelves at maliit na sofa.
Napatigil ang paglilibot ko sa kwarto ng may kumatok sa pinto.
"Sino yan,"
"Ako po si Mia, pinadala po ako ng kamahalan upang tulungan kayo," sagot ng babae mula sa likod ng pinto.
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Fantasy"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...