Chapter 26: Sweet Temptations

12 0 0
                                    

Dumating na ang sabado at hindi ako mapakali.  Kanina pa ako palakad-lakad. Si Dash nakaupo sa sa kama ko habang sinusundan ang paggalaw ko.

Medyo lumaki at nag-iba yung features ng mukha niya. Pero baby ko parin siya.

"Dash, paano ba kumalma?" tanong ko sa kanya. Tinagilid nito ang ulo niya na tila ba sinusubukang intindihin ang sinasabi ko.

Umupo ako sa tabi niya. Agad siyang lumapit sa akin at pinatong ang ulo niya sa kandungan ko.

Hinagod ko ang makapal niyang balahibo. Ano kaya itsura niya pagpinakalbo?

Naalis ko ang kamay na humahagod sa ulo niya nga bigla siyang bumangon at punta sa tapat ng pinto. Nakatingin lang siya sa pinto na parang may hinihintay.

Anong hinihintay niya.

Nataranta ako ng nakaranig ako ng pagkatok.  Naging maharot naman si Dash at sinusubukan pang buksan ang pinto.

"Wait lang!" Sigaw ko.

Inayos ko ang sarili ko at kinuha ang sling bag ko. I took a final glance at the mirror before walking toward the door. I was wearing sweetheart neckline top pair with black pants and 2-inch heels. Hindi ako pumili ng damit ko, nagpatulong ako kahapon kina Lexi.

Ang ingay nga nila kahapon at ang dami rin nilang tanong. Kesyo saan daw ako dadalhin, ano daw mga gagawin namin nakalimutan ko na yung iba. Sobrang excited rin nila, parang sila yung may date.

Binuksan ko pinto, sumalubong sa akin si Blake na ayos na ayos. He's wearing a sweater over shirt pair with skinny denim jeans and a dark brown leather shoes. He looks innocent and tame.

"What took you so long?" He asked. Lumuhod siya at binati si Dash na tuwang tuwa na makita siya.

"Nasa banyo kasi ako," sagot ko.

"I thought something bad happen to you," tumayo siya at hinaguran ng tingin ang kabuan ko. Na- conscious tuloy ako. "Ready?"

"Yup."

Binuhat niya si Dash dahil papabantay namin ito kina Lexi. Nasa tambayan sila ngayon tinatapos lahat nung mga gagawin. Hindi sila gumawa nung mga nakaraang araw kaya ayun tambak sila.

Nasa likod ako ni Blake at kita-kita ko kung paano sila magkulitan. Siguro siya yung nagbantay kay Dash nung nawala ako kaya ganito sa sila kaclose. Nagseselos tuloy ako.

Napahinto rin ako ng tumigil din si Blake. Lumingon siya at nagtanong.

"Ba't nandyan ka?"

"Saan ba dapat ako lulugar?" natatakang tanong ko.

"Dito sa tabi ko, saan pa ba?" Ang taray naman nito. Tumabi ako sa kanya at pinagmatuloy ang paglalakad hanggang marating namin ang tambayan.

Pagpasok namin agad na tumalon pababa si Dash at tumakbo papunta kay Scar.

"Hey, sweetcakes," bati niya kay Dash. Nandito sila lahat ngayon, ang kaibigan at pinsan ko na sobrang focus sa ginagawa nila. Pero ng mapansin nila kami nawala ang tingin nila sa ginagawa nila at napunta ito sa amin.

"Ganda naman ng Blythey baby ko," lalapit na sana siya sa akin para pangigilan ako kaso umatras siya ng magawi ang tingin niya kay Blake.

"Joke lang hindi pala kita baby,"

"Sana all may date"sabi ni Nicole.

"Anong sana all, kaya naman kita idate," sabat ni Liam.

"Hindi ko kailangan ng date ngayon, kailangan ko ng sasagot sa mga activity," nakahalukipkip na sabi ni Nicole.

Starflight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon