Nagising ako dahil sa ingay na nangagaling sa labas. Sumakit ang mata ko ng tumama sa akong mata ang sikat ng araw na nangagaling sa bintana. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok doon si Haliya.
"Magandang umaga binibini, kamusta ang iyong pakiradam?" tanong niya sa akin habang inaayos ang mga pagkain at gamot.
"Magandang umaga rin,mas Mabuti na ang pakiramdam ko kesa nung mga nakaraang mga nakaraang araw," sagot ko. Ilang araw narin akong namamalagi dito sa kanilang tribo. Sa loob ng mga araw na iyon ay nasa loob lamang ako ng kwartong ito. Kaya wala pa akong ideya kung ano ang kabuoan itsura ng tribo nila. Napuruhan kasi ang aking paa kaya hindi ako makapaglakad at makalabas.
Pero mula sa aking bintana pansin na pansin ang kasimplehan ng pamumuhay nila. Walang bahid ng makabagong teknolohiya dito. Kaya kapag simoy ng hangin umaasa kapag naiinitan. Sa apoy dumedepende kung madilim na at madalas gamit in dito ay lakas-tao. Walang kasing kuryente dito. Maaga ring natutulog ang tao dito dahil kapag madilim na wala narin naman silang nagagawa. Hindi katulad sa pinanggalingan ko na buhay na buhay parin ang paligid kahit wala na ang haring araw.
"Ang iyong paa, nailalakad mo na ba?" tumango ako sa kanya bilang sagot. May kirot pero mapagtitiisan naman. "Mabuti naman, pagkatapos mo maligo ililibot kita rito, napag-igib na kita ng tubig at ang damit mo ilalagay nalang dito," bilin niya.
"Salamat pala Haliya, saka paumahin na rin dahil sa abala,"
"Naku ate Blythe hindi ka abala, ngayon nalang kami nagkaroon ng bisita kaya lahat ng mga tao rito ay nasasabik na makita," sabi niya at nagpaalam na siya. Magkita nalang daw kami sa harap ng bahay.
Tinapos ko na ang pag kain at dumeretso na sa banyo nilang gawa sa kawayan. Pagbalik ko sa kwarto may nakalagay ng damit na nakalagay sa ibabaw ng higaan. It's a sheer sleeves dress with ethnic design. Ito'y ibang-iba sa mga kasuotan ko noong nakaraang araw, parang inilaan ito para sa mga okasyon. Ang tela nito ay hindi basta basta dahil mukhang hinabi pa ito upang magawa ang mga kumplikadong disenyong ito. Parang masyado naman itong magara para isuot ng isang tulad kong dayo lamang. Baka na kay Haliya 'to.
Tinignan ko kung may ibang damit sa loob ng silod ngunit wala kong nahanap kaya isinuot ko na lamang ito. Ayoko namang lumabas na twalya lamang ang tapis sa aking katawan. Isang kahihiyan yoon. Isunuot ko na ito, pinatuyo ko ang buhok ko at hinyaang nakalugay ito.
Nasa harap pa lamang ako ng pinto ay rinig na rinig na ang ingay sa labas ng bahay. Binuksan ko ito at sumalubong sa akin ang mga taong abalang-abala. May nagsisisbak ng kahoy, may nagluluto sa banga, may, may nagiigib ng tubig, may nga pupupok ng kahoy at kung ano-ano pa.
"Ate Blythe!" napalingon ako sa kumakaway na Haliya. Nakuha namin ang atensyon ng ibang tao dahil sa pagsigaw niya. Binigay niya muna sa kasamahan niya ang dala niyang basket na may prutas bago tumakbo siya papalapit sa akin.
"Bagay na bagay sayo ang galing talaga ni Aling Edith," hinawakan niya ang kamay ko at inikot ako. Napatawa naman ako sa ginawa niya. "Ang ganda mo talaga maraming maiingit sayo, isa na ako roon,"
"Maganda karin naman Haliya, huwag kang pa-humble diyan," sabi ko.
"Ano po yung hum,,humb , basta yung sinabi niyo po kanina," nakakunot noong sabi niya. Nakalimutan ko isang lengwahe lang pala naintindihan nila.
"Humble sa tagalog mapangkumbaba," sagot ko. Tumango siya bilang sagot. "Nga pala itong kasuotan na ito, masyadong maganda para hiramin ko dapat ikaw lang nagsusuot nito."
"Anong hiram? Nilikha talaga yan para sayo," sabi niya.
"Ano wala akong pambayad, ang laki na nga ng utang ko sa inyo," nagaalang sabi ko. Pasalita palang siya ng may tumawag na lalaki mula sa kanyang likod.
Papalapit sa amin ngayon ang moreno lalaking walang suot pang-itaas kaya kitang-kita ang galit na galit nitong kalamnan.
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Viễn tưởng"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...