Naranasan mo na bang masisi sa bagay na di mo ginawa at kahit anong paliwanag mo hindi sila naniniwala, marahil ay may tendency na may kakayahan kang gawin yun o kaya naman nakita ka nila sa sitwasyon na yun. Hindi mo sila masisi, kung nagawa mo dati magagawa rin ngayon.
Pero hindi ako papatay wala naman akong dahilan para tapusin ang buhay niya. Oo isa siya sa mga kaibigan ni Elizabeth at nakakaasar na sila, but it doesn't gave me a reason for me to kill her. That's irrational.
Nagsidatingan ang mga opisyales ng paaralan at pinabalik lahat ng studyante sa kani kanilang kwarto at sinabihan 'wag lumabas kung hindi mapaparusahan sila at ako naman pinapunta nila sa headmaster's office.
May isang tao sa harap ko, gilid at likod ko na parang tatakas ako. Nagsimula na kaming maglakad at patuloy parin ang mabilis ng pagtibok ng puso ko. Napatitig ako sa kamay ko na may dugo, gusto kong umiyak ayoko ngunit ang mga luha ko ay hindi makakatulong sa sitwasyong ito.
May nagabot sa akin ng panyo tinignan ko kung sino nangaalok, si Blake pala. Tinitigan ko lang ang panyo at di alam kung ano gagawin dun.
"Tsk" nagulat ako ng hilahin niya ang kamay kong may dugo at pinunasan ito habang naglalakad kami. Napatitig ako sa ginagawa niya at ng matapos ay tinapon niya sa basurahan yung panyo.
"Huy! Sayang," bulong ko mukha kasing mamahalin.
"Do you think I will use that again?" Napaisip ako sabagay hindi ko nagagamitin yun lalo na at pinapaalala nito ang hindi kaaya ayang pangyayari
Nakarating na kami sa Headmaster pagbukas palang ng pinto rinig na rinig na ang debateng nangyayari sa loob.
"The investigation about this matter hasn't started yet, so we can't just jump into the conclusion that she did it,"
"What evidence do you want? We saw her holding the knife! My god,"
"Blythe couldn't do that!" Nagpatuloy pa ang sagutan hanggang pumagitna na ang headmaster.
"I didn't do it," sabi ko agad please believe this was all a set-up! Di ko alam kung bakit nila ginagawa ito sa akin para bang gusto nila ako patalsikin dito.
"Liar!" Sigaw ng isa sa opisyal ng aming paaralan
"I'm not lying I swear," pagtatangol sa aking sarili. I'm also a victim here. Iniipit nila ako sa bagay na di ko ginawa.
"But you were there, we all witness it Ms. Blythe Vasquez stop denying it was obvious that you are guilty," napapikit ako. I need to calm down, hindi makakatulong ang pakikipag sagutan sa mga taong makitid ang utak at baka lumalala ang sitwasyon.
"Silence!" Ma-autoridad na sigaw ng aming headmaster. Lahat nanahimik at napatigil, yung tono kasing ginamit niya ay kayang magpasunod ng kahit sino man kahit ako na tahimik lang para ayoko nang huminga. "Mr. Sinclair can you escort Blythe to her room," the headmaster commanded. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod. Paglabas namin nagsimula nanaman ang sagutan sa loob. Napabuntong hininga ako, nagdala ako ng kamalasan dito siguro nga hindi ako nababagay dito.
"Everything will be alright," napatingin ako kay Blake na bigla nalang nagsalita. Diretso lang ang tingin. I actually thankful na nasa tabi ko siya ngayon. I felt safe.
"I hope so," bulong ko sa sarili ko. "Dapat kasi di muna umalis"
"I should have stop you,"
"Pero di mo ginawa, kahit naman pigilan mo ako di ako makikinig kasi-"
"You're hard headed," tumango ako sa pagsangayon sa kanya.
"Hindi ka naniniwala diba?" Tanong ko sana naman maniwala sila na hindi ko ginawa yun kahit sila lang okay na ako.
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Фэнтези"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...