Happy reading!!
Blythe's P.O.V.
I can't believe this. I was stunned to even move a muscle as I watched the dragon slowly made its way towards us looking at us with her icy blue eyes. I was in awe when I saw how its white scales shine like a diamond. I never saw a dragon this beautiful and elegant.
But my blood boiled when I noticed that her mouth was chine also her foot. How could they do this?!
"Siya ang magpapabagsak sa prinsipe yan ang ikinatago-tago niya. Ang pagkuha sa reyna ng mga dragon." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Naalala ko ang mga usapan ng dragong kumulong sa akin na ang reyna nila ay matagal ng nawawala. Nandito lang pala siya, kinulong ng prinsipe at sinama sa mga koleksyon niya.
"Labag sa ating batas ang pagkuha ng dragon na hindi ka pinili mula sa isla ng Ejderha at napakalaking parusa nito lalo na at ang reyna pa ang kanilang kinuha," salaysay ni Mia.
"Di ba napapalibutan ng mahika ang isla paano nila nakuha ang reyna?" tanong ko.
"Hindi ko alam ang sagot diyan binibini, maaring gumamit sila ng mahikang mas malakas pa rito o hinuli nila ang reyna nung siya'y nasa labas ng isla," sagot niya sa akin.
Tumingin ako sa aking paligid. Kailangang mailabas sila ritong lahat. Hindi sila dapat nandito. Dapat nasa labas sila namumuhay ng masaya kasama ang mga ka-uri nila, hindi dito na tinuturing silang mga atraksyon at katuwaan ng prinsipe.
Napatingin ako sa dragong nasa harap namin.
Naririnig niyo ba ako kamahalan nakita ko ang pagtango nito.
Ilalabas naming kayong lahat dito pangako, ngunit makiki-usap ako na sana manatili muna kayo rito. Kapag naayos ko na ang kaguluhan sa labas makakalaya na kayo.
Salamat, rinig kong sabi ng dragon gamit ang kanyang mandang boses.
"Mia paano buksan ang mga seldang ito?" tanong ko sa kaniya.
"Ako na pong bahala diyan," sabi niya at lumisan.
Kinausap ko ang reyna ng mga dragon upang sabihin ang aking plano. Sumang-ayon naman siya sa akin nabuong plano.
Pagkalipas ng ilang minuto, nakarinig ako ng tunog ng metal. Nagsimula ng bumukas ang mga selda. Malakas na umangil ang reyna na mga dragon na tila pinapatigil ang pagalis at pagiingay ng ibang nilalang.
"Mia! Kailangan na nating bumalik bago pa nila mapansing nawawala ako sa aking kwarto," malakas na sabi ko kay Mia na papalapit sa amin.
"Ano po? Hindi pa po ba kayo tatakas?" nagtatakang tanong nito.
"May plano ako, sa ngayon kailangan na nating bumalik, paniguradong malapit ng matapos ang laban at susunduin na ako."
Tumango naman siya at agad naming nilisan ang lugar.
Third person's POV
"Your prince has fallen, release my people now," sigaw ni Blake sa pagtatapos ng laban.
Sumenyas ang prinsipe na pakawala ang mga bilango. Tinggal nila ang mga tali nito at hinayaang makapunta sa mga kasama nila. Agad na nilapitan ni Ethan si Lexi at sinuri ang katawan ni Lexi. Si Nathan ay lumapit naman kay Scarlette at niyakap.
Lumayo rin agad ang dalawa ng mapansing maraming nakatingin sa kanila na nais ring kamusatahin ang dalawa.
"Ayos lang kayo?" tanong ni Nicole na yumakap sa kanila. Nakasunod din si Maddie na agad na yumakap kay Lexi
"Hindi niyo dapat ginawa iyon," umiiyak na sabi Scar.
"Anong ibig mong sabihin? Nasaan si Blythe?" sunod-sunod na tanong ni Nicole.
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Fantasy"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...