Nagkagulo nanaman ang sistema ko dahil sa galawan ni Blake. Tinuring kasi akong parang bag na ninakaw sa may ari, grabe yung paghablot.
"Papatayin mo na ako sa kaba?" Iritang tanong ko ng makabawi. Inayos ko rin yung upo ko sa takot kong mahulog muli.
"Why would I do that, you're too precious to me and besides its your fault," paninisi nito sa akin. I scoffed, the hell was he saying.
"Ako?! Ano nanaman ginagawa ko sayo? Nagpapaturo lang naman ako," naiirita kong sabi sa kanya.
"Kung gusto mong magpaturo you should have ask me first, I teach better than him. I can you teach all kinds of things and make way more experience than the others," sagot niya sa akin na nagpanganga sa akin. Ano bang problema nito? Naalog na ba yung utak niya?
"Next time you need help ask me first, I won't have second thought to help you."
"Okay lang naman kung si Zane na magturo sa akin," sabi ko. Ayos naman siguro magturo si Zane, isa siya sa magaling sa amin. Kaya ano nanaman pinuputok ng budhi nito.
"My Queen,you are all mine and mine alone" bulong niya sa tenga ko nagpainit sa buong mukha ko. Tumikhim ako nagbabakasaling mawala ang kakaibang nararamdaman at pinagmasdan ang tanawin sa aking harapan.
Kung maganda na ang SA mula sa taas, may mas igaganda pa ito sa taas. Kitang kita mo yung pagkakakonekta ng iba't ibang pulo sa SA. May nakikita pa akong ibang pulo at syempre ang bughaw na karagatang sobrang napakalawak at misteryoso.
Hindi mo alam ang tinatago nito sa ilalim. Mukhang banayad ang alon ngunit kapag nilapitan ay agresibo ngunit kung pahbibigyang makilalang mabuti may gandang tinatago mula sa karahasan ng mundong ating kinalalagyan.
Ginalaw ni Blake tali para lumiko. Nasagi niya ang bewang ko kaya napatingin ako sa gilid. Ngayon ko lang napagtanto ang pwesto namin. Nasa harap niya ako nakaupo at tila nakayakap na siya sa akin. Napalunok ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko at tumikhim. Teka bakit nga ba ako ulit nandito?
"Hoy, d-di mo pa ako tuturuan?" napapikit ako ng mariin ng mautal ako. Ano bayan Blythe parang timang.
"Hmm, what do you want to learn?" he asked. Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang lambing kasi ng boses niya.
I stiffed when I felt his warm hand hold mine and guide it to the leash. I felt the gush of electricity once we have contact. May sinasabi siya pero yung utak ko lumilipad. Nagsisimula narin mangatal ang kamay ko.
Relax self si Blake lang yan.
Puro tango lang ang sagot ko sa kanya the whole time na nagtuturo siya. Grabe ang pasasalamat ko ng matapos na ang klase. Nagpasalamat lang ako sa kanya at dire-diretso sa pagalis.
————
Wala ng masyadong ganap sa mga sumunod na araw pwera nalang sa pangugulo ni Elizabeth. Sinusubukan kong iwasan siya dahil ayokong ng gulo. Kada makakahanap siya ng pagkakataong asarin ako gagawin niya. Ganoon ba katindi ang galit niya sa akin?
Lumipas ang ilang linggo at ayaw niya parin akong tantanan. Para naging routine niya na ang pangaaway sa akin. Hindi ba siya nagsasawa? Isa pa itong si Presidente naming ang lakas ng tama.
Simula ng makita niya kaming magkasama ni Zane sa library. Sinabihan niya na akong laging sumabay sa kanya. Nang hindi ako sumulpot ginamit niya yung PA system ng school.
Natatandaan ko nung una niya yun ginamit. Nakakahiya rinig ng buong school ang pagpapatawag niya sa akin. Hindi niya ito tinigilan hangga't di ako nakakarating. Kaya kumaripas ako ng takbo para makarating agad doon. Pinagtitinginan pa nga ako ng mga studyanteng nadadaanan na parang may kasalanan na naman ako. Sarap hampasin.
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Fantasy"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...