Mga puting nyebe yan ang unang sumalubong sa akin pagmulat ng aking mata. Gamit ang aking kamay ay sinalo ko ang mga nahuhulog na nyebe ngunit nakakapagtaka lang at hindi ako nakakaramdam ng lamig.
Tinignan ko ang akin kasuotan. Hindi ito angkop na kasuotan pananga sa lamig. Nakakapagtaka at hindi ako nakakaramdam ng lamig at isa pa, nasaang lugar ako.
Nilibot ko ang aking paningin baka sakaling may makita akong pamilyar sa akin ngunit wala. Mga puno lang na nabalitan ng nyebe ang nakikita ko.
Magsisimula na sana ako maghanap ng mapagtatanongan ng makarinig ako ng boses.
"Mahal kita hindi mo ba naiintindihan?" Sabi ng boses ng isang lalaki. Agad ako nagtago sa isang puno at nagmasid sa mga paparating.
Lumitaw ang isang babae at isang lalaking. Hindi ko maaninag ang kanilang mukha dahil kumakapal na ang nyebe.
"Alam mong ako rin pero hindi pwede," naiiyak na sigaw ng babae sa lalaki.
"Bakit hindi pwede?"
"Ang kapatid ko, mahal ka niya kaya kong magpalaya para sa kapatid," naiiyak na sabi ng babae.
"For once Thea, unahin mo naman ang sarili mo," nagsusumamong sabi ng lalaki.
"She's sick," pagdadahilan ng babae.
"Alam ko pero hindi sa lahat ng bagay siya lang iniisip mo," nakita ko ang pag-iling ng babae at pagtanggal sa kamay ng lalaki na nakalapat sa kanyang pisngi.
May sinabi pa ang babae bago tumalikod at iwan ang nanlulumong binata. Naguguluhan ako kung bakit ko ito nakikita. Bago pa ako makakilos at masagot ang aking mga katanungan. Nalipat nanaman ako sa isang lugar.
Sa loob ng silid na aking kinalalagyan ay isang lamesa at upuan sa harap ng malaking bintana na hinaharangan ng makapal na kurtina. May mga librong maayos na nakasalansan sa mga istante at ang tanging nagbibigay ng ilaw ay ang lampara sa mesa.
Paalis na sana ako sa silid ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matandang lalaki at isang binatilyo. Parehas silang tumagos sa aking katawan na aking ikinagulat. Isa lamang akong kaluluwa dito.
Tinitigan ko ang mukha ng dalawang lalaking pumasok. Bakit pamilyar sila sa akin ngunit di ko matandaan kung sino sila. Hinalukay ko ang aking memorya ngunit wala talaga. Hindi ko sila makilala.
Umupo ang lalaki sa lamesa at umupo sa upuan. Pinagsiklop niya ang kanyang mga kamay at tumingin sa binata."Kunin mo ang loob ng dalawang anak nila. Masyado ng marami ang nalalaman nila kailangan na silang patahimikin,"
"But dad-"hindi pa man natatapos ng binata ang nais niyang sabihin pinutol na ito ng matanda.
"Just follow my order, para ito sa ikabubuti ng lahat."
Iyan ang huling salitang narinig ko bago ako napunta sa panibagong lugar pero ang pinakaiba lang alam ko na kung nasaan ako. Nasa clinic ako ng aming paaralan. Napatingin ako sa aking gilid ng makarinig ako ng ingay at halos lumuwa ang mata ko sa aking nakita.
Ako yun na walang malay na punong puno ng benda sa kamay at pinapalibutan ng aking mga kaibigan at pinsan. Inalala ko ang mga nangyari bago ako mapunta sa ganitong sitwasyon at pumasok sa isip ko ang mga hindi pangkariniwang nangyari sa akin.
Tinignan ko ang aking braso ngunit wala namang bakas ng sugat baka dahil kaluluwa lang ako.
"Kawawa naman itong baby natin, lagi nalang napapahamak," sabi Scar habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.
"Sinong magpapaiwan dito, kukuha lang kami ng pagkain?" tanong ni Ethan. Nagpaiwan si Lexi at Scar at ang iba ay lumabas. Pagkaalis ng iba sinubukan kong lumapit sa aking katawan ngunit may pwersa pumipigil sa akin at pinirmi ako. No, no not again.
BINABASA MO ANG
Starflight Academy
Fantasy"We are pleased to inform you that you have been accepted at Starflight Academy school for dragon rider. Please be sure to acquire the list of things stated below. " Who would have thought that something like this would happen to her. A girl treated...