Chapter 15: Eerie whisper

43 1 0
                                    

Layuan si Zane, bakit? Hindi ko na natanong ang headmaster kung bakit dahil may pumasok na officers for investigation ata. Nasa secrete base kami nakapunta kami dito dahil sa powers ni Dash. Nakahiga ako sa sofa habang nakahiga si Dash sa tummy ko tulog nanaman. Dahan dahan ko siyang binuhat at nilagay sa tabi at bumangon. Ginawa ko na yung assignments ko at nagreview narin para sa mga quiz kong hahabulan bukas.

Niligpit ko na ang gamit ko at binuhat si Dash. Using his powers nakaalis kami sa forest at dumeretso sa tambayan I use the back door na sa may kusina. Binaba ko si Dash para makakuha ng tubig.


"Ayyy!" Narinig kong sigaw ni scar. "Nakakatakot ka na Blythe kung saan saan ka nalang sumusulpot" kumuha siya nangbaso at uminom. "Saan ka nangaling? Kanina ka pa namin hinahanap" Tanong niya habang pumipili ng makakain sumandal ako sa counter ng kusina.

"Ughmm diyan diyan lang".

Humarap siya sa akin "Minsan pakibalitaan kami kung saan ka pumunta mamaya magpasearch and rescue kami" sabi niya sabay bukas sa junk food na nahalungkat niya. Sumunod ako sa kanya kung nasaan yung iba.

"Oo na po" sabi ko nakita kong nagtatawanan sila at kasama nila si Zane? Friends na sila kailan pa? Napatingin sa akin si Nathan. "Blythey baby namiss kita saan nanggaling" tumayo pa siya para akbayan ako.

"Ang landi mo Nathan" natatawa kong sabi. "Miss mo ako agad?" Nangaasar kong sabi,

"Syempre baby kita" tinangal niya na Yung pagkakaakbay sa kin at umupo sa tabi ni Liam. Nilibot ko Ang paningin ko nasa magkabilang sulok si Zane at Blake.

"Here/Upo" sabay na sabi nila Blake at Zane napatingin kaming lahat sa kanila who is currently looking intently at each other.

"Sino ang pipiliin ko" kanta ni Nathan na sinabayan ng iba. Parang mga tanga."Ahh sa labas nalang ako" lumabas ako at iniwan sila. Ramdam ko Ang titig ng dalawa.

Pabagsak akong umupo sa duyan sa labas ng tambayan tanaw dito Ang dagat payapamg tignan pero may tinatago palang sikreto. Tumayo ako at naglakad sa dalampasigan at dinama ang hanging tumatama sa mukha ko. Ang tahimil na paligid ay binasak ng malamyos na tinig na tila ba'y inaakit kang lumapit.

Napatingin ako sa paligid wala namang tao, huni ng ibon imposible. Naglakad ako ng naglakad hanggang makarating ako sa isang kweba malapit sa dagat.

"Nagbalik na siya, nagbalik siya" bulong ng isang tinig na sinasayaw sa hangin. "Ang pinakadakila sa lahat"bulong ulit. Nilibot ko Ang paningin ko ngunit wala naman. "I handa ang sarili" bulong niyo ulit. "Magsisimula na siya," sinundan ko ang boses papasok sa kweba kinuha ko ang phone ko para sa flashlight. Di ko alam kung bakit pero parang lumamig ang paligid at parang nawawalan ako ng hangin .

"Sino ka! Magpakita ka". May nakita akong glimpse ng light but I just saw a rock.

"Parating na siya, parating na siya, iligtas ang sarili." Napahawak ako sa dibdib kong naninikip. "Walang makakapigil sa bagsik ng nakaraan," naramadaman ako malamig sa na hangin sa likod ko. Nagtaasan ang balahibo sa katawan ko at bigla nalang naging normal ang paligid. Naghahabol ako ng hininga na parang pinatakbo ulit ako ng 3 beses paikot sa gym.

"Let's go Dash," binuhat ko si Dash at nagmamadaling umalis sa lugar. Mababaliw na ako.

Illang araw na ang nakalipas at di na ulit ako nakarinig ang tinig. Ayaw kong sabihin sa iba baka akalain nila nababaliw na ako mapunta pa ako sa mental.

"Put that back, hindi natin yan kailangan," naiiritang sabi Scar kay Nathan ng maglagay siya ng snacks sa cart. "Ibalik mo yan."

"Sino ba nagsabi para sa project yan sa akin yan wag ka ngang assumera diyan," sabi Nathan at nagsimula nanaman magtingin tingin.

Starflight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon