Chapter 11: Stuck

70 4 0
                                    

Sabado, walang pasok I can do whatever I wish. Kasama si Dash naglibot kami sa lugar malayo sa Academy ayokong madetention ulit. Saan yun? Sa gubat. I know it's dangerous, but I have Dash to protect me, right?

Tanging huni ng ibon at tunog ng naapakan na dahon ang maririnig. Makulimlim din dahil sa mga matatayog na puno na tumatakip sa araw. Umupo ako sa isang natubang log para makapagpahinga, layo rin ng nilakad namin.

Nilibot ko ang paningin ko mamamaya may dumakmal sa akin. Nalipat ang tingin ko may Dash na paikot-ikot habang inaamoy yung lupa. Hahayaan ko na sana siya kaso tumakbo nanaman siya.


"Ughh! Not again,why do you always runaway?" Tumayo ako at agad na hinabol si Dash. Unfair apat yung paa niya dalawa lang yung akin at napakabilis pang tumakbo.

"Dash!" Sigaw ko dahil di ko na siya makita. Nakarinig ako ng paggalaw sa kanan, tumakbo ako direksyon na yun. Nakita ko si Dash sa harap ng isang puno. Hinuhukay niya yung bottom part of the tree.

"What are you doing?" Blythe, really? Parang sasagot yan. Tinignan ko yung kabuoan ng puno. Mukhang matagal na ito dito dahil sobrang tayog niya. Inikot ko ang puno at may napansin akong nakaukit. Symbol pero di ko alam yung esaktong nakaukit natatakpan ng lumot yung ibang part.

I look closer at nagulat ako ng may laser na lumabas at iniscan yung mata ko. Napaatras ako ng magopen ang isang madilim na lagusan. "Hello?" Nagecho yung boses. Nilabas ko yung phone ko at binuksan yung flashlight. Nailawan ang stairs pababa. Naunang pumasok si Dash, sumunod ako

Last step, sobrang dilim kung walang flashlight. Nilibot ko ang flashlight para makita kung nasaan kami. Nakakita ako ng maalikabok na mga furniture. Marami ring agiw sa kisame. Nahagip flashlight ko ang switch ng ilaw, malay natin gumana. Lumapit ako dun at pinidot yung ilaw at surprise nagbukas ang mga ilaw. In-off ko yubg flashlight ng phone ko dahil hindi ko na gagamitin.Saan kaya galing yung kuryente dito?

Pagbukas ng ilaw bumubungad sa akin ang kabuuan ng lugar. Parang bahay na hindi tinirhan ng mahabang taon. Ang ibang gamit dito ay nakakalat sa sahig ang iba pa ay basag.

Narinig kong tumahol si Dash. Sinundan ang ingay at nakakita ako ng tatlong pinto na parang nasa game show ako, charot! Binuksan ko yung gintang pinto. It's lock I tried the last one at tada! Nakabukas.

Nagcreak yung door habang tinutulak ko pabukas parang nasa horror movie ako at mamamaya may mangugulat sa akin. Kinapa ko yung switch sa wall at pinidot.


Wide space at sa gilid weapons, collection of weapons and armor pero kulang kulang na and again sobrang alikabok nung lugar. I can't believe this place is build underground.


Nakabukas rin yung unang pinto, may 5 bed sa loob, may kabinet rin, salamin at may dalawang cr. Parang bahay ni Big brother ang pinagkaiba lang ito mukhang binagyo. Ano nangyari dito?

At dahil mabait akong bata nilinis ko ang buong lugar. Snow white lang ang peg nakahanap ng muduming bahay at nilinis. Pinagkaiba lang namin nagtawag pa siya ng mga hayop. Ako, tinulugan ni Dash.

Naginat-inat ako bago umupo sa sofa, kiniha ko ang phone ko para tignan yung oras. Magtatanghalian na, nagmessage sa kanila baka kasi hinahanap na ako kaso walang signal. Nagpahinga muna ako saglit bago kami umalis.


Nakalabas na kami sa puno at naglalakad pabalik sa SA. Nakasunod lang ako kay Dash kasi mas alam niya yung daan.

"What are you doing here," someone asked me from behind. "Hindi mo ba alam na delikado dito" napalingon ako sa kanya. Si Blake nakatayo malapit sa akin.

Starflight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon