Chapter 22: Queen

34 0 0
                                    

Maddie's POV

Mabagal akong naglalakad papuntang great hall. Nakakatamad pumasok, lutang na lutang ang utak ko. Ilang araw na akong hindi maayos ang tulog, dahil hanggang ngayon wala parin balita kay baby Blythe.

Saan kaya napadpad ang babaeng yun? Safe ba siya? Sana magbigay siya ng sign na buhay pa siya. Ang dami naming nagaalala sa kanya. Bakit naman kasi lapitin ng bad luck si Blythe.

"Aray!"sigaw ko at hinilot ang noo kong pinitik ng lintik na lalaki sa gilid ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Problema mo? Kulang ka nanaman sa pansin?!"

"Gusto ko lang sabihin na, huwag kang magalala di ka mahal nun," nakangising sabi Kyle. Inirapan ko siya at binilisang maglakad. Madami ng problema sa mundo please lang wag na siya dumagdag.

Pagkapasok ko sa hall ay agad na hinanap ng mata ko kung saan sila nakapwesto. Binati nila ako pagkalapit. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Lexi. Kahit na wala akong gana kailangan kong kumain dahil paniguradong magiingay ang tiyan ko.

" Ano kayang feeling maging gwapo kahit isang araw lang?" tanong ni Nathan na umupo sa gitna ni Scar at Liam.

"Narealize mo na ba na mukha kang pa—," naputol ang sasabihin ni Scar ng may kasunod na sabi si Nathan.

"Nakakapagod kasing araw-araw maging gwapo," confident na sabi niya at nakipagapir sa mga loko lokong lalaki sa table namin. Tumingin tuloy yung ibang student dahil sa ingay na nilikha nila.

"Wala na naman si Blake masyadong kina-career ang paghahanap kay Blythey baby," sabi ni Nathan.

"Malamang alam mo namang may something sa dalawang yun," sagot ko sa kanya habang tinutusok-tusok ang yolk ng itlog ko.

"Grabe kaya effort ni Blake, mapapasana all nalang talaga," sabi ni Scar.

Napaigtad ako ng may sumipa sa paa ko. Mahina lang naman. Tumingin ako sa harapan ko. Si Kyle sinesenyas yung tissue paper gamit ang mata niya na na tinatakpad ng isang plato. Humalumbaba ako at kasual na kinuha iyon. Binuklat ko iyon at binasa ang nakasulat.

Eat, pag di mo kinain yan susubuan talaga kita.

Kinagat ko ang labi para mapigilan ang pagngiti ko. Sinilip ko siya sa gilid ng mata ko. Nakatingin ito sa akin na tila binabantayan ako kaya kinuha ko na yung kutsara't tinidor at kumain. Nakita kong ngumisi siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Alam kong nagtataka kayo kung ano meron sa aming dalawa. Ano kasi sabi niya liligawan niya ako. Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng feelings sa akin. Basta isang araw kung ano-ano binibigay niya sa akin. Hindi ko nga alam na nanliligaw pala siya kung hindi niya pa sinabi. But here's the catch, hindi alam ng mga kasaman namin ngayon na nagiibigan kami. Nagiibigan, grabe yon masyadong advance.

Pagkatapos namin kumain dumeretso na kami sa classroom at hinintay namin ang guro namin.

Ethan's POV

Kasalukuyan akong nakasakay sa akin dragon para maghanap ng impormasyon. Nagtanong-tanong kasi ako sa malapit na mga isla at lugar. Hanggang ngayon wala parin kaming balitang nasasagap. We tried tracking her pendant, pero hindi niya pala suot. Naiwan niya sa locker niya.

Napalingon ako sa tabi ko ng may sumabay sa dragon ko. Sakay nito si Zane sa likod. Nakilahok narin siya sa paghahanap kay Blythe at hindi ako tanga para hindi mapansin may gusto siya sa pinsan ko katulad ni Blake. Halata namang may namumuong love triangle sa kanila. Grabe ang alindog ng isang Quinn Blythe Vazques. Nakabingwit ng Blake Sinclair at Zane Walter.

Starflight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon