Chapter 29
The morning came and I woke up being hugged by the love of my life. It was a new feeling — a mixture of solace and love. I never felt this before to be honest. All I could feel before was wrath and rage but now it's different, it's more of comfort and assurance.
Who would know na mapapatawad ko pala siya sa mga nagawa niya sa akin noon? Who would know that a person who's blinded with wrath like me knows how to forgive?
Hindi ko alam pero sa ngayon ay mas mahalaga sa akin na ayos na kami ngayon. I want to cherisg this moment and give Stan the complete family that he long for. I don't want him to be like me na may napakapait na nakaraan.
Bumangon ako sa hinihigaan namin at nagsimula nang mag-ayos ng sarili. I let Stax sleep peacefully dahil kumpara sa napakaluwang nyang araw, sa akin ay packed up. I have to check my business, I have to check Stan, I have to go to Calisle, et al. There are so many to mention that I got tired listing it all.
I was already in the midst of fixing my make up when I heard a loud bang of the door. Napairap ko nang makita ang parang gago na mukha ni Stax. Huminga ako ng malalim ay tinaasan sya ng kilay.
"Ano?" mataray kong sambit.
Nang makita nya ako ay para syang nawalan ng tinik sa dibdib at dali-dali akong niyakap sa likod. Narinig ko ang marahas nitong buntong hininga habang inililibing nito ang sarili sa balikat ko.
"Uhh.. I'm fixing myself?" Alanganin kong sabi.
"I-I thought you left me." May panginginig na sambit niya.
Dagli akong napatigil sa pagapila at nagulat ako sa kaniyang tinuran. Pakurap-kurap na tiningala ko sya at agad akong napaisip. Isang Staxl Matthew Genova takot na iwanan ko? Hindi ko alam kung bakit parang may parang paruparo na biglang lumipad sa tiyan ko.
Nginitian ko sya at isinantabi ang pagtataray ko. "I'm just here." sabi ko.
Siguro nga at masyado akong minolde ng panahon kaya pati simple kong salita ay dalawa na ang pagkakahulugan. Nagliwanag ang mukha nya sa binanggit ko at kumalas sa yakap mula sa likod ko. He cupped my face amd kissed the tip of my nose.
"Continue fixing yourself, I'll wait for you downstairs." sabi niya.
Humabol pa sya ng magaang halik sa aking labi at saka siya lumarga paalis ng walk-in closet kung nasaan ako. Sandali pa akong napatulala sa kaniya. He is exceptionally sweet todag, malayong-malyo sa Stax na sinaktan ako noon. He really changed at kitang kita 'yon sa mga galaw niyang palaging nag-iingat kapag kasama ako.
Pinagpatuloy ko na ang kaninang ginagawa ko. I pick up my nude tone palette and started to put a base in my crease. Sinundan ko nang sinundan ng patong ng mga kulay ang aking mata upang mas lumutang ang ganda ko. Simpleng make up lamang ito na natutuhan ko kay Ish. Simula kasi nang mapadpad kami pareho sa Pampanga ay naging interesado na sya sa pag-aayos ng sarili. Isabay pa na puro mga bakla ang nakakasama nya kahit saan man sya mapunta kaya talagang mas natuto syang magpaganda.
Matapos ang iba't ibang orasyon na ginawa ko sa aking sarili ay tumayo na ako at tinignan ang sarili sa salamin. Simple lamang ang aking suot ngunit masasabi kong maganda itong tignan sa akin. Nakasuot ako ng beige color na plain dress na hapit sa aking katawan. Wala itong manggas at mayroong belt sa bewang ko na nagdadagdag ng dating sa aking suot. Nagsuot din ako ng brown na wedge na tinernuhan ko ng brown na mga accessories kasama na ang bag ko. Ang buhok ko ay nakatali lamang na pa-ponytail upang makumpleto lamang ang simple kong ayos.
Nang masigurado kong ayos na ako ay lumabas na ako sa walk-in closet at dumeretso na pababa sa sala. Naabutan kong nakaayos na din si Stax at mukhang nakiligo pa. Bilib din ako dito e, may dala atang bagahe kaya kahit na makitulog dito ay may susuotin pa ding damit.
BINABASA MO ANG
Amidst the Rage
Romance(Casa Klara Series #2) Syden grew up in a not-so-perfect family. Her biological parents are both separated and already have their own new families. She was left in the care of her sick grandma, Lira. Her parents don't want her anymore, so neither do...