Chapter 19

1.3K 31 2
                                    

Chapter 19

"Mahigpit ang kapit ng bata kaya sana ay huwag na itong mauulit. Alagaan mo din ang sarili mo Ms. Almagro para hindi na mapahamak ang baby mo." sabi ng doctor.

Tumango na lang ako. Kakagising ko pa lamang at ang una ko talagang tinanong ay kung maayos pa ba ang baby ko. Nasabi rin sa akin ng doktor na seven weeks na akong buntis at hindi ako maselan magbuntis. Natanong ko na din kung bakit wala akong morning sickness pero aniya'y may mga instances na walang morning sickness ang buntis.

Lahat ng payo ng doctor ay sinaulo ko dahil walang mag-aalaga sa akin kundi ang sarili ko lamang. Si Tiff at Kuya Daryl lang ang kasama ko ngayon habang ang ibang babae ay nagsiuwi muna sa casa. Masyadong naging aggressive si Tiff at Madi kaya kinailangan muna nilang magpakalma. Although, kalmado naman si Tiff ngayon.

"Who's the father?" tanong ni Kuya Daryl nang makaalis ang doctor sa silid.

Nagkatinginan kami ni Tiff dahil sobrang seryoso talaga ng mukha ni Kuya. Nagkaiwasan din kami ng tingin ni Tiff dahil kahit siya ay ayaw na maibulalas ang ngalan ng tatay ng anak ko.

"Kahit sino," sambit ko na lang.

"I'm serious, Syden. Who is the father?" aniya.

"I'm serious too. Ang sabi ko kahit sino." pagmamatigas ko.

"What nonsense are you spitting?!" nasisigaw nitong sabi.

"Don't shout at me," saad ko sabay inirapan siya.

My phone shrilled beside me kaya agad ko itong kinuha. Nang makita ko ang pangalan ng caller ay parang gusto kong huwag muna itong sagutin.

"Labas muna kayo, sasagutin ko lang ang tawag." utos ko.

Umirap naman si Tiff pero sumunod na lang din. Hinila na rin niya si Kuya Daryl patungo kung saan upang mabigyan ako ng privacy. Aba dapat lang na sila ang mag-adjust. Nakaratay ako dito, paano ako makakalabas sa silid?

Sinagot ko naman kaagad ang tawag nang masigurado kong nakalabas na sina Tiff at Kuya Daryl.

"H-Hello?" natatakot kong anas.

"Come here at my office." walang gana niyang sambit.

"Stax, I-I don't know where is that l-located."

Gusto kong batukan ang sarili dahil sa pagkakautal. I knew he will sense my nervousness.

"Genova Security Services. Come here, NOW!"

Ibinaba na niya ang tawag matapos sabihin iyon. Bumuntong hininga na lamang ako at bumaba na sa kama. Sinuot kong muli ang uniporme ko at hinanap ang bag ko pati na rin ang iba pang mga gamit ko.

I need to rush there because I don't want to disappoint him again. Last time I did that, he did a cruel act to me. He left me in a place naked and weeping.

Narinig kong bumukas ang pinto ngunit di ko na lamang iyon pinansin. Nang sa tingin ko ay pwede na akong umalis ay nilingon ko si Tiff.

"San ka pupunta?" una niyang tanong.

"Sa office niya." sabi ko. Tumango naman siya at naintindihan ako. "Nasan si kuya?" tanong ko.

"Nagbabayad ng bills." aniya.

Lumakad na ako papalabas ng lumingon akong muli sa kaniya.

"Please cover up for me." sambit ko at tuluyan na siyang tinalikuran.

Nang makalabas ako ng ospital ay kaagad akong pumara ng taxi. Ayokong maabutan pa ako ni kuya dahil paniguradong gigisahin pa niya ako. Nang tuluyan na akong makasakay ay pinagmadali ko ang driver.

Amidst the RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon