Chapter 26

1.5K 31 15
                                    

Chapter 26

Kinabukasan ay naghanda na kami ni Stan para sa engagement party ni Ish. Napagdesisyunan kong dadalo na lamang ako para kay Ish dahil naging parte ako ng buhay niya. Masyado ko nang inintindi ang sarili ko, oras na para sa mga kaibigan ko naman. Excited si Stan dahil alam niyang pupunta doon ang kaniyang Ama. Napakapasmado din kasi ng bunganga ni Tiff at kinanta pa niya sa anak ko kahapon.

I sighed. If this will be the best for Stan then I'll do it. Kung dito siya sasaya, gagawin ko kahit sa huli ay nadudurog ako.

"Tara na," aya ni Tiff.

Tumango na ako bilang pagsang-ayon. I am wearing a crimson red rose-printed midi dress na abot hanggang itaas ng aking tuhod. Simple lamang ito kaya bumagay ito sa aking mapusyaw na balat. Tinernuhan ko ito ng simpleng flats at simpleng mini bag. Para lang akong magsisimba dahil sa aking suot kung papatungan ng blazer o jacket ang balikat ko.

Si Stan naman ay naka cargo shorts lamang at t-shirt na puti. Mas gusto niyang isuot ang mga plain na damit kaysa sa mga printed kaya hinayaan ko na upang hindi mag-inarte. Suot din niya ang timberland shoes niya na regalo pa sa kaniya ni Tiff.

Humayo na kami sa sasakyan ni Tiff at hinanda na ang sarili. Napabuga ako ng hininga dahil sa kaba. I hope that this day will end well.

Hindi pa kami nakakalabas ng bahay ay may nagdoorbell na kaagad. Diretso na kaming pumunta sa pinto at si Tiff na mismo ang nagbukas.

"Daddy!" maligayang sambit ni Stan.

Hinayaan ko si Stan na tumakbo papunta sa tatay niyang may dala-dalang bouquet ng pulang rosas at kung ano-ano pa sa kaniyang kamay. May mga tsokolate, paper bags, at ang isa ay susi.

Nang mahalikan niya ang anak sa noo ay tumayo ito sabay tumingin sa akin. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-irap ni Tiff bago lumabas.

"Una na pala ako tanga," sambit niya.

Hindi na niya ako pinasalita pa at naglakad na siya papunta sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago siya ngitian ng tipid. Tila ba nagulat siya nang makita iyon sa aking mukha ngunit di ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin at tinignan ang dala niya.

"Para sa akin ba yan?" tanong ko sa kaniya.

Tila ba nawindang siya roon ngunit sa huli ay napatango na lamang siya. "Uhh. Yeah, for you." he said then he bit his lowerlip. The rose fits perfectly to my outfit right now. Kung nagde-date kami ni Stax ay baka isipin ko pang nasa isa kaming telenobela.

I nodded at him. Ako na mismo ang kumuha noon sa kaniyang kamay bago ko ilagay ang mga bulaklak sa flower vase. Minadali ko din ang paglagay ng chocolates sa ref at inilagay ko na lang sa may sofa ang mga regalo nitong bitbit. Hindi naman talaga ako ganoon na tao na mahilig sa kapritsuhan. Mas gusto kong gumastos sa mga mahahalagang bagay kaysa sa ganito.

"Let's go daddy," sambit ni Stan.

Tumango lamang si Stax sabay sumulyap sa akin upang ngitian ako. Inignora ko lang siya kahit na gandang-ganda ako sa pagkakapantay ng kaniyang mga ngipin at sa magandang kurba ng kaniyang labi na para bang isang busog ni Kupido.

Wala naman akong ibang pagpipilian kundi ang sumabay sa kaniya dahil iniwan na ako ni Tiff. Agad akong sumakay sa backseat at doon na lamang nagmuni-muni. Si Stax na ang nagseatbelt kay Stan. Tuwang-tuwa si Stan dahil nariyan na ang kaniyang ama na ipinagkait ko ng ilang taon sa kaniya.

Habang nakamasid sa daan ay napatitig lang ako sa palubog na araw. Ito ang pinakapaborito ko sa lahat. Ang pag-antisipa sa pagsibol ng buwan at bituin. Kay gandang pagmasdan ng pagkinang ng mga tala kasabay ng tahimik na gabi. Nakakarelax ito ay tila ba binibigyan ka nito ng lakas. Wala pa man ang pagdilim ng kalangitan ay inaantisipa ko na ito. Katulad ng buhay kong punong-puno ng dilim, mayroon ding bituin at buwan na nagsisilbing liwanag ko. Liwanag kung saan makikita ko na ang daang tinatahak ko. Ang daan kung saan sasaya ang anak ko.

Amidst the RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon