Chapter 17

1.2K 26 0
                                    

Chapter 17

Isang buwan ang nakalipas at naging parehas ang pagtrato sa akin ni Stax. Kung hindi niya ako sasaktan ay ipapahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Kahit saan pa man 'yan. Sa mall, sa park, sa plaza, at kung saan-saan pa.

Nasanay na lang ako sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung ano pa ba ang ginagawa ko at nasa tabi pa niya ako. Siguro ay dahil sa kontrata? Siguro ay iyon nga.

"Sy, pumapayat ka." anang Czarina.

Tinignan ko lang siya at inignora na rin kalaunan. Nawawalan na ako ng gana sa buhay ko. Ito siguro ang dahilan kung bakit pumapayat ako. I want to be happy but I can't find a reason to be happy. Lahat ng bagay sa paligid ko ay problema at tambak-tambak na ang mga ito.

Nasa garden kami pare-parehas dahil walang pasok ngayon. So we decided to just enjoy ourselves during this kind of leisure. Just us, nothing more and nothing less.

Lahat kami ay naka bikini dahil na rin sa ganda ng sikat ng araw. The pool here in the garden might have a lot of chlorine pero ayos lang. Cal and Czarina, as usual ay nagpapaligsahan sa kung ano-ano na naman. While me, Tiff and Madi were drinking our juices while lounging by the pool.

"Gandahan mo picture sa akin! Gusto ko yung instagrammable." sabi ni Cal at nagpose na sa camera.

Kikay talaga si Cal kahit kailan. Napailing-iling na lang ako at ibinaba ang juice ko sa gilid ko. Tinanggal ko ang sunglasses ko upang kamutin ang kung ano sa nose bridge sabay balik sa aking mata at hawi sa aking buhok.

"Bobo! Ako ang picturan mo hindi si Sy!" sabi naman ni Cal.

Napatingin naman ako sa kanila sabay tinaasan sila ng kilay. Nakangiti lamang si Czarina habang pinagmamasdan ang litrato niyang kinukuha.

"Tangina sa akin blurred tapos kay Sy, ang ganda! Ang unfair mo bobita." sabi ni Cal.

"Panget ka kasi kaya nanginginig camera sayo." bira naman ni Czarina.

"Ganun talaga 'pag laging nagfifinger, pasmado kaya blurred kuha." pang-aasar pa ni Cal.

"Correction, FINI-finger. Magkaiba yung nagfifinger sa finifinger bobo mo." sabi ni Czarina.

I just smiled while listening to them. Sa totoo lang, silang dalawa yung nagpapabuhay ng casa. Madi seems to be secretive kaya palagi lang siyang nakangiti at inaawat ang dalawa. Pasensyosa din siya kaya minsan ay natatakot ako sa kaniya. Si Tiff ay maingay kapag kaming dalawa ang magkasama at nagiging monosyllabic kapag kinakausap na ang ibang tao. Nasanay na din ako sa pag switch ng personality niya dahil siguro mas kumportable siya sa akin kaysa sa kanila. Habang ako? Tahimik lang na nagmamasid sa kanila.

I don't know what type of person I am. I mean, I can be good when you're good at me and I can bitch you around when you are a bitch to me. Wala na din akong oras para kilalanin ang sarili ko dahil upos na upos na ako sa tambak na problema ko. Dagdag mo pa yung pagtrato sa akin ni Stax kada magsisiping kami. He will always use force to me. He will treat me like a slut available for everyone.

Gusto ko siyang samplin, sakalin. Gusto ko siyang saktan ngunit di ko matanggap sa sarili ko na kapag sinaktan ko siya ay sinasaktan ko na din ang sarili ko. Siya yung taong nasa tabi ko noong mga araw na nawawalan na ako ng pag-asa. Mga araw na pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa dami ng problema.

I would be selfless if I'll say that I love him even though I'm in pain. I'm drained to the depths of hell and back to be honest. Muli kong naalala kung gaano ko tinrato ang sarili ko ng parang basura dahil iniwan niya ako sa gitna ng kakahuyan. Hubo at hubad habang pinipigilan na umiyak.

Amidst the RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon