Chapter 24
Leo, the bodyguard of Isla Selene walk us home. That's too much kindness, though. Anyway, that's still better because it's already late. Probably 9PM in the evening? I guess? I actually lost the path of time now but I know it's already the bedtime for Stan.
"Thank you!" I immediately said when we arrived in front of the gate of our house.
"Ingat po," Stan uttered as the bodyguard drove the car wherever it'l go.
Kaagad naman kaming pumasok ni Stan sa bahay na tinitirhan ni Mama. Pinagbuksan din naman kami ng katulong ng gate kaya dumeretso na kami kaagad sa bahay patungong sala.
Stan excitedly run towards Mom who's currently reading a book in the sofa. Mom got startled when Stan dodge into her lap and kissed her cheeks. Stan smiled wildly to his Grandma and act cutely.
"Lola! Nakita ko po si Mami Isla. She's beautiful! Then she gave me this as her present." anas ni Stan sabay pakita nung hoodie na bigay ni Isla na suot niya.
Sobrang saya ni Stan at makikita mo talaga iyon sa kaniyang mata. Ngumiti si Mama at hinalikan siya sa noo.
"I'm glad that you're happy, Grandson." sambit ni Mama.
We immediately headed towards his room at nakita ko agad siyang humikab. Pinalitan ko muna siya ng damit at pinatulog na. Nakakain na rin naman kami sa airport kaya pahinga na lamang ang iintindihin namin.
Mabilis na nakatulog si Stan habang yakap-yakap ang hoodie na bigay ni Isla. Napangiti ako doon, "I love to see you smile often, baby." bulong ko habang nakatitig sa kaniya.
Napakasarap sa pakiramdam na pasayahin si Stan. Sobra akong nalulugod dahil sa wakas ay natupad na ang kahilingan niya ngayong kaarawan niya. Gusto ko siya na palaging maging masaya dahil kasayahan ko din ang kasiyahan niya.
Tumayo na ako sa kama upang maglinis ng katawan. Nang mahubad ko na ang kasuotan ko ay agad akong pumailalim sa lagaslas ng tubig. Napakasarap nito sa pakiramdam na animo'y hinehele ako. Pakiramdam ko'y lahat ng pagod na nararamdaman ko ngayon ay nawala dahil sa masarap na ligo. Mabilis na natapos ang paglilinis ko ng katawan at agad akong nagbihis.
Nang makalabas sa banyo ay maabutan ko ang cellphone ko sa lamesang nasa tabi ng kama na kamamatay lang. Sa isip-isip ko ay baka may tumawag o nag-text sa akin. Agad kong kinuha ito at tinignan kung ano ang meron. Tig-iisang mensahe ang natanggap ko mula kay Tiff at Madi na pupunta raw sila dito bukas.
Palagay ko ay nasabi na din ni Mama na narito kami. Bukas ang alis ni Mama dito kaya kaming dalawa lang ni Stan ang maiiwan dito. Pati ang driver at maid ni Mama ay dadalhin niya sa kung nasaan man siya pupunta at yun ang hindi ko na alam.
Mama is secretive just like me. Alam ko na kaagad kung kanino ako nagmana but I guess she's enjoying her company naman kaya kampante kami. Besides, kuya Daryl hired the two people around Mama na palaging kasa-kasama niya kung saan man siya pupunta.
Humiga na ako sa kama upang tignan ang mga social media platforms ko. Inupload ko na din ang picture naming dalawa ni Stan sa may airport habang naghihintay at yung picture namin nang makapasok kami dito sa bahay ni Mama. Nahagip ng mata ko ang bagong post na litrato ni Isla. It was posted 30 minutes ago. I honestly just followed Isla to see what kind of person she is at kung bakit siya gusto ni Stan. Well she is kind and friendly to everyone kaya siguro nagustuhan ng anak ko. Bukod pa doon ay napaka pleasing talag ng personality niya kaya hindi maitatangging mabuti soyang tao.
Nangiti ako nang makita ang kaniyang post. It was a picture of my son and Isla with their happy smiles. Mukha silang magtita dahil parehas sila ng kulay ng mata. I immediately saved that photo using an app para mailagay ko sa album ni Stan. Mabilis naman akong natulog nun dahil sa pagod.
BINABASA MO ANG
Amidst the Rage
Romance(Casa Klara Series #2) Syden grew up in a not-so-perfect family. Her biological parents are both separated and already have their own new families. She was left in the care of her sick grandma, Lira. Her parents don't want her anymore, so neither do...