Chapter 25

1.6K 26 15
                                    

Chapter 25

Standing right in front of Madi and Tiff are two unfamiliar guys. The other one has a vibe of Stax but in a ruthless way and a much more serious way while the other one looks very manipulative. They are both glaring at Tiff and Madi like how a jealous man can do. Ano bang meron?

Calmly looking, Tiff talked to the guy in front of her. "What are you doing here?"

Mas lalo atang nagpuyos ang damdamin ng lalaki at nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya. I raised a brow at them. It's a good show but they are in my den, can't they do it somewhere else? Yet to my shock, the guy didn't talk to Tiff but kissed her instead. Napaawang ang labi ko dahil sa nasaksihan.

Tahimik ang lahat dahil habang nakamasid ako sa paghalik ng lalaki kay Tiff nabaling din ang paningin ko sa lalaking may malaking ngisi sa harap ni Madi. Kumunot ang noo ko dahil dun. Tangina! What the fuck is happening?

Ang kaninang kuryosidad ay napalitan ng kaba nang mabaling ang paningin ko sa isang lalaking titig na titig sa akin. Kinunutan ko lang siya ng noo habang nilalabanan ang titig niya. Teka bakit ako kinakabahan sa kaniya?

"Stop that sexy mouth of yours or I'll punish you." sambit ng lalaki sa harap ni Tiff.

He then dragged Tiff towards the door and Tiff just let him do that dahil na rin siguro sa pagkahiya. Dapat lang! Naghalikan sila sa harap ko tangina ba nila? The guy in front of Madi still has a plastered smirk in his face. Kahit ako ay bahagyang nairita.

"You guys deal with yours, I'll deal with mine." anang Stax.

The guy in front of Madi raised a brow to him and nodded then carry Madi like a whole damn sack. I heard Madi's scream while punching the back of the guy but I couldn't care less. Nakamasid lang ako sa lalaking ito, kinakabahan ng lubos-lubos.

But why do I need to feel this when he is the one who has a sin to me? Ang kaninang kaba ay napalitan na ngayon ng naglalagablab na galit. Stax is just there walking towards me with eyes locked and curiosity. I put my stoic face to him and just let him walk towards me.

"Syden," he whispered in front of me.

Napapikit ako dahil sa kaniyang malambing na tono. I felt my knees are shaking pero hindi ko pinahalata sa kaniya. Isa lang ang bagay na gusto ko ngayon, ang tumakbong muli papalayo sa kaniya kasama ang anak ko. I stepped backwards afraid that my feelings for him before will appear again. Ayaw ko na, hindi ko na gugustuhin pang mainvolve sa kaniya. He took another step and I took another step backwards.

"Stop right there!" frustrated kong sabi.

He halted and stood on his place.

"Syden," he whispered.

Napapikit ako dahil sa pagkapikon, "Do you know how much pain did you gave me? Alam mo ba?!" galit na sambit ko.

Ang utak ko ay muling naglabas ng senaryo kung gaano niya ako binasura noon. Kung gaano niya ako sinaktan ng lubos at kung gaano siya karahas sa akin noon. Bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko na akala ko ay wala na sa akin. Akala ko ayos na ako dahil hindi ko siya nakikita at hindi namin siya nakikita ni Stan but upon seeing him and my son happy, it hurts me to the depths of hell. Ang sakit sa puso na parang dinudurog na naman akong muli.

Yumuko ako upang pigilan lahat ng emosyong lalabas sa akin ngunit sa huli ay may tumulong luha sa aking mga mata. Ang sakit na para akong hindi makahinga. Ang sakit na parang gusto ko na lang na magsisi dahil pumunta pa kami dito.

"Baby, I'm sorry. I was just left out of choice." aniya.

"Left out of choice?!" hindi makapaniwalang sambit ko. "Am I even a choice to you? Are WE a choice to you? Are WE even an option to you?! Hindi ba sinabi ko sa'yong buntis ako at ikaw ang ama pero anong ginawa mo?! Sinaktan mo ako! Tinulak mo ako na parang ibabalibag mo na ako not knowing na may bata sa sinapupunan ko?! Hindi mo ba alam kung gaano yung sakit na binigay mo sa akin? Hindi mo ba alam na hirap na hirap akong mabuhay dahil dinapa mo ako sa putikan at hindi ako makatayo? Alam mo ba yung hirap ko habang pinapanganak ang anak ko tapos bigla kang susulpot dito at magpapakaama? Gago ka Stax, putangina ka! Bakit pa kita nakilala?!" sigaw ko sa kaniya at ako na mismo ang lumapit sa kaniyang upang hambalusin siya sa kanyang katawan.

Amidst the RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon