Chapter 02

1.6K 43 7
                                    

Chapter 02

Cruelty.. Minsan buhay pero madalas ay panahon. You'll never know when will that cruelty hit you hard because most of the time, it won't ask you. Why life is being cruel? Why does it need to be brutal? Why does life needs to give you bruises? I don't know either..

I am a victim too..

My heart is already scarred that's why I caged it up. Pinili kong ikulong ang puso ko para hindi na mas lalong masaktan. Pinili kong i-isolate ang puso ko para hindi na madagdagan pa ang paghihirap ko. Pinili kong tumabi sa gilid dahil alam ko kung saan dapat ako lulugar. I know my place and I shouldn't contemplate where should I put myself.

Inside this fancy restaurant, I am with the so-called "family" of Montemayor. Di ko alam bakit ako narito. I just woke up earlier in the afternoon and Kuya Daryl brought me with him saying na we have a "family" dinner.

Ironic.

I look at each one of them. Mommy, the ever famous Cresencia Montemayor who kept playing "the good mother" role. Her husband, Tito Ivan Montemayor who hated to see me but is trying to bare my existence right now. Kuya Daryl Lewis Montemayor, the hunk of Montemayor clan and the heir of their famous metal steel business, MTM Steels. And the asshole of all the assholes in the town — Paul. What a picturesque set of family with a rug beside them which is me.

I was just eating silently beside them habang sila ay kumain ng masaya. Everyone around me are eating happily. Ikaw ba naman pumunta sa isang restaurant na puro pamilya ang customer e. Their happy smiles reached their eyes which is good. I wish I was happy too. I wish I could smile like that too.

"Since you are already nineteen Syden and you'll be twenty tomorrow, you are under the asshole's hands now." Panimula ni Mama.

Oh? I forgot the custody. Well that was useless since they aren't even doing their responsibility to me. Nakakatawa sila kasi may pa custo-custody pa silang nalalaman pero itong si Mama ay iniiwan lamang ako kay Lola.

Nanahimik lang ako at hindi na lang umimik. Kumain na lang ako dahil ito na panigurado ang huling hapunan ko kasama si Mama. Kahit naman wala siyang kwenta na ina ay mahal ko pa din siya. Kahit na ipinaparamdam niya sa akin na wala akong kwenta ay pakiramdam ko'y mahalaga pa rin ako sa kaniya. Alam mo yon? Kahit haka-haka ko na lamang ang lahat ay pipilitin kong tanggapin yung haka-haka na 'yon, mapilit lang yung kasinungalingang mahal nila ako.

"Hindi na kita kaano-ano simula ngayon Syden. Tapos na ang pasakit ko sa'yo kaya doon ka na sa Ama mo." sunod na sabi ni Mama.

Sandali akong natigilan at ngumiti sa kaniya ng mapiit. "Mabuti naman," sabi ko. Binitiwan ko na ang kubyertos ko dahil una, wala na akong gana pang makipag plastikan dito. Tumayo na ako at tumalikod, "Salamat sa lahat Ma." sabi ko at naglakad na paalis ng resto.

Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang mahal ko siya kahit wala siyang kwenta. Muhing-muhi ako sa kaniya, pilit kong hinahalukay ang utak ko kung saan banda ba ako nagkulang sa kanila? Binigyan ko sila ng magandang grades, napakasipag kong mag-aral, at inaalagaan ko pa si Lola. Ano bang mali sa akin bakit kailangan kong danasin ito?

Ah naalala ko na. Bunga nga pala ako ng one night stand, bunga ng pagiging unfaithful nilang dalawa sa kanilang mga asawa, at ang bunga ng pagkamuhi ng lahat. Bakit ko nga ba nalimutan 'yon?

Walang luhang pumatak sa akin kahit isa. Tila naging blangko na lamang ang expression ko at hindi na nag-abala pang makiramdam. Manhid na ako sa sakit kaya hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung wala akong maramdamang kahit ano ngayon. Yung kahit ang sakit na ng dinanas mo pero wala ka pa ding maramdang kahit ano kasi immune ka na. Sagad ka na sa sakit kaya wala nang mas ikasasakit pa ang mawalan ng pakiramdam.

Amidst the RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon