Chapter 15

1.4K 31 4
                                    

Chapter 15

Nagising ako kinabukasan na 'di ko maramdaman ang buong katawan ko. Simula sa pinakadulo ng daliri ng paa ko hanggang ulo ko, 'di ko dama. Tangina! Ang sakit ng buong katawan ko. I tried to remember everything that happened yesterday night! I swear, ayoko na! Suko na agad ako.

Pakiramdam ko ay nabali ang lahat ng mga buto ko dahil sa mga posisyon na iyon. Lasog-lasog na ang buo kong mga laman dahil sa sobrang wild ng tanginang Stax na 'yan. Sinubukan kong gumalaw ng bahagya ngunit di ako makagalaw dahil ang sakit ng buo kong katawan. Tangina! Alam ko na kung saan ako kukuha ng sakit sa katawan bwiset.

Kahit na nananakit ang katawan ay tumayo pa rin ako. Sa kabila ng sakit sa buong katawan ay pakiramdam ko'y wasak na wasak ang pagkababae ko. Nilinga ko ang paningin ko at wala akong nakita ni anino man lang ni Stax. Nasaan na ba 'yun?

Nakasuot na ako ng isang malaking damit na palagay ko'y kay Stax at nakapanty na rin ako. In fairness din dito kay Stax, may stock ng panty ko? Nakakita ako ng sobre at papeles sa gilid ng kama ni Stax kaya tinahak ko ang pagitan papunta roon.  Nang makuha ang mga papeles at sobre ay mayroon pa pala iyon na sticky notes na galing kay Stax.

I'm early at work so I need to leave you this early too. There's a food in the kitchen so eat it. The money is beside the contract, that's my pay for you last night and kindly sign the paper too. Read it well and comprehend.  -Stax

Nang mabasa ang nasa note ay tinignan ko naman ang hawak kong mga papeles. Iisa lang ang nilalaman nito kaya palagay ko ay ito na ang kontrata namin sa pederasyon. Natanto ko na ang mga customer pala ang gumagawa ng sarili nilang kontrata para sa pagrenta sa amin. Mayroon silang iba't-ibang konsidyon na dapat naming sundin. Wala naman kaming ibang magagawa kundi ang sumunod na lang talaga dahil kami ang binabayaran dito.

Magkano kaya ang initial payment para sa pagrenta? kumbaga ba ay down payment? Ganoon kapag rumerenta hindi ba? Kagaya sa pagrenta ng bahay ay parang ganoon din kami? Kailangan ng downpayment bago magamit. Siguro ganoon nga iyon. Ngumiti ako sa kawalan at pinirmahan na lamang ang papeles. Hindi na dapat ako nag-iisip ng malulungkot ngayon. Ito ang desisyon na pinili ko kasi mas convenient ito sa akin. Dapat lamang na panindigan ko ito kahit ang kapalit ay ang kadelikadesahan ko.

Maraming kondisyon si Stax para sa akin. Pakiramdam ko nga ay halos lahat ay bawal kong gawin.

Una ay bawal akong mabuntis. Iyan ang pinakaayaw niya, ang responsibilidad. Nakalagay dito na hindi pa siya handa para magkasupling at gusto muna niyang i-enjoy ang mga bagay-bagay sa buhay niya. Naiintindihan ko naman kaya dapat talaga ay magpills ako.

Pangalawa ay bawal akong magpagamit sa iba hangga't nirerentahan niya ako. Kung hayok siguro ako sa tite baka mangyari pa 'yan kaso malabo naman ito dahil mahalaga sa akin ang respeto ng lalaki sa akin.

Pangatlo ay dapat makapunta ako sa kaniya kaagad kapag kailangan niya ang katawan ko. Pinapanalangin ko na lamang na sana ay hindi traffic para makapunta ako kaagad no?

Pang-apat ay bawal akong sumama-sama sa kaniya kapag nasa public event siya. Gusto niyang maging sikreto ako dahil hindi nga naman maganda sa pandinig na ang isang Staxl Matthew Genova ay nakikipagniig sa isang bayarang babae.

At ang panglima na huli niyang kundisyon ay hindi at HINDI ako pwedeng ma-fall sa kaniya o ma-in love. Bawal ako magkagusto sa kaniya kasi ayaw niyang dungisan ko ang pagkatao niya.

So far, pabor naman sa akin lahat ng kundisyon niya at confident akong magagawa ko ang lahat ng 'yan. Nang matapos kong basahin iyon ay sinulyapan ko na ang orasan sa may mini table at nakita kong alas onse na ng umaga. Napakatagal nga talaga ng tulog ko. Palagay ko ay natapos na kami ng bandang alas cuatro ng umaga dahil para siyang kabayo na hindi napapagod bumira.

Amidst the RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon