Chapter 03

1.4K 42 0
                                    

Chapter 03

"Happy Birthday Syden!" sigaw nila matapos kong buksan ang pintuan.

Tumambad sa akin ang mukha nina Lola, Tito Yuan, at ni Tiff. Poker face ko lamang silang tinignan habang si Tito Yuan ay sinugod ako upang yakapin.

"Bente na ang aking dalaginding!" aniya.

"Anong pakulo na naman 'to Tito?" taka kong tanong.

"Boba! Malamang magse-celebrate tayo ng Birthday mo gaga!" aniya sabay hampas sa akin.

Ngumuso naman ako hinimas-himas ang aking braso. Kakarating ko lang galing sa bahay nila Papa. Sobrang pait talaga nang nararamdaman ko at hindi ko na inabala pa ang sariling isipin kung anong araw ngayon. Nalimutan ko pa na birthday ko pala ngayon. Kung hindi pa sila nagpakulo ng surpresa ay hindi ko pa malalaman.

Lumapit sa akin si Tiff sabay bato sa akin ng isang nakabalot na regalong may hulmang tabo.

"Ang effort sa pagbalot ha, hindi mukhang tabo." sarkastiko kong sambit.

"Pasalamat ka pa nga niregaluhan kita e. Ang effort ko kaya sa pagbalot niyan, 'wag mo lang mahulaan kung ano ang nasa loob." aniya sabay taas ng kilay.

"Maraming salamat tanga." sabi ko sa kaniya sabay bigay ng tipid na ngiti.

Inirapan niya lamang ako at tumalikod na. Humarap naman sa akin si lola na lulan ng isang wheelchair at lumapit ako sa kaniya. Binigyan niya ako ng ngiti na sinuklian ko din ng ngiti.

Lumapit ako sa kaniya upang yakapin siya, "H-Happy Birthday Apo!" aniya sa kulubot na boses. Iniabot niya sa akin ang isang maliit na kahon na kulay bughaw. Mayroon itong lasong pakrus ang disenyo sa takip at mahaba ang kahon na ito. Nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang isang kwintas na gold. Iniangat ko 'yon sa ere at pinagkatitigan.

Napakaganda nito sa ilalim ng dilim. Kumikinang ang gintong kwintas. Napakaganda nito at mukha siyang mamahalin.

"S-Sa iyo ko na ipapamana iyan hija. 'Yan ang k-kwintas na ibinigay pa sa akin ng iyong Lolo. S-Sinisimbolo niyan ang walang hanggang pag-iibigan namin na kahit na p-pumanaw na siya ay nag-iisa pa rin siya sa aking puso." nanginginig ang boses niyang sabi.

"Maraming salamat, La." sambit ko.

Ngumuso naman ako at tumingin kay Tito Yuan na kasalukuyang tinitignan rin ako. Bahagya siyang naiiyak habang pinagkatitigan ako. "Narinig ko ang kwento ni Nanay Soling." sabi niya.

Lumunok naman ako at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. So alam na niya? Mapait ko siyang tinitigan habang iniisip ang mga bagay na nalaman niya. Unti-unti akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Tumulo ang aking nagbabadyang luha nang maramdaman ko ang paghagod ni Tito sa aking likod. Hindi ko alam pero sa palagay ko'y sapat na, na mayroong nakakaalam ng kung ano sa akin.

Pilit ko itong tinatago, pilit kong kinikimkim, pilit kong lulunukin, at pilit kong babalewalain sa harap ng iba na kunwari ay hindi ako naaapektuhan.

"Ma, kausapin ko lang 'to ah." paalam niya kay Lola. "Tiffany, bantayan mo muna ang Mama." bilin nito.

Yakap-yakap ko siya habang naglalakad kami patungo sa bahay ni Tiff. Mabigat sa loob at ayokong ipakita sa lahat ng kapit-bahay kung gaano ako kamiserableng nilalang.

Hinayaan niya akong umiyak sa kaniyang dibdib at humugot ako ng isang malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili. Hindi ko maipagkakaila na ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mawari kung paano nangyaring kinaya ko ang lahat-lahat kahit punong-puno na ako ng pagkamuhi at sakit.

Nang makaupo kami sa sala ni Tiff ay iniharap ako ni Tito sa kaniya. "Tell me niece, what happened?" tanong niya.

Kapag ganitong nagi-english na si Tito ay paniguradong seryosong usapan na nga. Pabiguradong wawarlahin na naman nito si Mama at Papa katulad ng pagtatanggol niya sa akin noong nagtuturuan sila Mama at Papa kung sino ang magpapaaral sa akin.

Amidst the RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon