Start

3.8K 75 41
                                    

Start

Ang himig ng gabi ay tumatakbo sa aking mabining balat. Malamig, nakakatakot, at nakakapangamba. Naglalakad ako sa gitna ng kalsada at naghahanap ng liwanag sa daan. Madaling araw na at dama ko na ang mga di kaaya-ayang presensya ng mga nilalang sa palagid.

Malakas ang ulan tila ba nakikiramay sa pighati na aking nararamdaman. Ang aking puso ay parang pinipiga sa sobrang sakit. Deserve ko ba na saktan ng ganito? Hindi ba ako katanggap-tanggap?

Dati ay takot ako sa dilim. Takot ako na baka may lumitaw na multo at ako ay patayin. Di ko akalain na ang bata kong isip ang sya lamang nag-iisip ng ganoong kasama ngunit sa hindi malamang dahilan ay parang mas gusto ko pa na manatili na lang sa dilim na ito, aakapin at pangangalagaan ang dilim na ito. Alam ko na dito ako nararapat, ang manirahan sa kadiliman. Dito mas payapa at walang makakaalam. Walang manghuhusga sayo at walang nagtatanong kung bakit buhay ka pa.

I am merely a twenty year old lady who wishes to have a complete family. I am a sucker for a complete family because never did I experience that kind of love, that kind of life. I am a lost girl in this dark place. I want to freely move but I can't. I want to finally experience happiness but I can't.

Sobrang ginaw man ngunit hindi ko na inalintana ang ginaw. Kailangan kong makaalis sa lugar na 'to. Lugar kung saan wala akong magugulong pamilya, lugar kung saan walang ibang masasaktan kung hindi ako lang, at lugar kung saan wala sya.

Gaano ba kasakit ang pagmamahal at bakit para na akong nalalagutan ng hininga? Gaano ba ako kahirap tanggapin at kailangan pang ipagtulakan? Gaano ba kami kahirap tanggapin para ipagsawalang-bahala na lang ang existence namin dito sa mundo?

Nginig man sa lamig ngunit nagawa ko pa ding sumilong sa bus stop. Ngayon, pupunta ako sa lugar kung saan ako lang ang nakakakilala sa sarili ko, tatanggapin ko 'to ng buong-buo at walang pag-aalinlangan.

Naramdaman kong ang pag vibrate ng  aking telepono sa bag kong basang-basa. Hilam man sa luha at tubig ulan ay hindi na inalintana.

"H-Hello?" pigil sa pag-iyak kong sabi.

"Sy, Nasaan ka na? Madaling araw na at wala ka pa. Hinihintay ka namin dito sa Casa," aniya sa kabilang linya.

"M-Mads," tawag ko sa kanya. "P-Pasensya na pero hindi na ako uuwi riyan,"

"Huh? Bakit naman?" gulo nyang sabi.

"Ayoko na magtrabaho riyan," Mapait kong sabi.

"San ka ba tumutuloy ngayon at pupuntahan kita? Nag-aalala na ako sayo!" aniya.

Lumabas ang isang hikbi sa aking bibig at agad ko iyong tinapalan upang hindi na nya marinig ang susunod pa. Walang hapaw na lumalandas ang aking luha sa hilam ko nang pisngi at patuloy pa rin 'yon sa pagdaloy.

"A-Ayos lang ako," sabi ko.

"Hindi ka maayos! Nasaan ka?!"

Napapitlag ako sa pagsigaw ni Madi. Hindi sya palasigaw at hangga't maaari ay palagi syang kalma. Ngunit sa oras na 'to ay tila ba naubos ko na ang kanyang pasensya.

Humikbi ako, "B-Bus stop d-dulo. M-Malapit sa Grimaldi Towers,"

"Delikado riyan!" aniya.

Tuluyan na akong napahagulgol sa kanyang sinabi.

"A-Alam ko," sabi ko. "N-Nagbakasakali lang naman ako,"

"Ano ba naman 'yan Syden Beatrice?!.. Si Syden yan? Hala nasan daw sya? Sabihin mo nag-aalala kami dito!" sigaw ni Mads. Rinig ko pa ang mga histerya ni Czarina.

Amidst the RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon